Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon.  Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing “ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problema” sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
Chris Balase Aug 2018
Sa pagbuka ng liwayway
Kasabay ng sikat ng araw
Na dumadampi sa aking
Mga panaginip na ligaw

Minsan, sa aking pagbangon
Kasabay ng pagbawi ng unos
At paglubog ng ngiti
Ay mga luhang kusang umaagos

Minsan, sa kabila ng aking
Pagtingin at pagtalikod
Ay nawawasak ang aking
Mga matatatag na bakod

Paminsan minsan,
Naalala kita... tayo,
Naalala ko ang bawat lambing
Ng mga binitawang pangako

Minsan, bumubukas ang mga sugat
Minsan, lumalala ang bigat
Minsan, bunabalik ang nakaraan
Minsan, bumabaliko ang daan

Paminsan minsan, nakikita kita
Sa bawat sulok ng aking ala ala.
Kylie Apr 2020
Noong araw ng aking pag alis
Hindi maipaliwanag ang pagtibok na kay bilis
Kasabay nang bawat hakbang ng aking mga paa
Ang naguumapaw na takot at kaba

Ngayo’y nakalipas na ang ilang buwan
maraming araw na ang dumaan
Subalit, tila hanggang ngayon
Masyadong mabilis ang pagdaan ng panahon

Pilit na hinahabol ang takbo
Upang makasabay sa mga kasalukuyang tagpo
Ngunit, masyadong mabilis
Hagupit ng pagbabago’y nagmamalabis

Buong akala’y natanggap na
Pero damdami’y nagpapanggap lang pala
Sapagkat sa tuwing sasapit ang gabi
Mananatiling tikom ang mga labi
Habang ang mga luha’y isa-isang pumapatak
At ang mapag panggap na mukha ay dahan dahan nawawasak

Ang mga alaala’y unti unting bumabalik
Na tinatapik ang puso ng isang batang nananabik
Na bumalik sa mga bagay na  nakasanyan sa nakaraan
Kahit na ang susunod na pagkikita’y walang kasiguraduhan

Hanggang kailan mangungulila sa buhay na kinagisnan?
Hanggang kailan hahanap hanapin ang dating tahanan?
Matatanggap pa ba ang reyalidad na hinaharap?
O makakasanayan nalang hanggang sa makalimutan ang hindi matanggap?

— The End —