"natirang" poems
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan
Mga bagay na di maiwasang masaktan
Mga alaala pilit kinalimutan
Dala nito ay bigat na nararamdaman
Mga patak ng luha hindi mapigilan
Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan
Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon
Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon
Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay,
Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay
Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala,
Para sa isang bagong kabanata
Kasama sa unti-unting pagbangon,
Ang mga tamang pagtugon
Sa mga bagay na kailangan tanggapin,
Para ang sarili muling hanapin.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan
At di naglaon ito ay tumila,
Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa
Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin
Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili,
At hindi masamang magmahal muli
Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli
Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap
Na ikaw ay aking mahanap
Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak
Sana dumating ka na
Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata
Sana makita ko na yung ngiti mo
Mga ngiti na magsasabi sa akin na maging masaya lang dapat ako
Sana mahawakan na kita
Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba
Sana mayakap na kita
Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema
Sana dumating ka na
Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap
At kung nandyan ka na
Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana
Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa"
Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman
Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan
Dahil ako'y handang susuko
Kahit life time sentence sa piling mo.
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 9:41 PM UTC
Verse 1:
Wala sa yong mga mata
Ang kinang, kislap, na dati kong nasisilayan.
Bakit? Yan ang sinasabi ng
mga tala, buwan, maging kalangitan
na tuwing gabi’y ito ang nakikita
sa piling mo’t tabi. Ako’y nasasabik
sa yakap at halik.
Bridge 1:
Aking inaasahan
na sanay di sabihing mawawaglit
ang oras, natirang sandali.
Chorus:
Sa pagpanaw mo nagkakadahilan
kung bakit ako’y nanatili’t,
naniniwala sa walang hanggan.
Verse 2:
Kahit may ibang magparamdam
Sayo ako, pangako yun magpakailan man.
Bakit? Dinig ko sa paligid ko
Sayo lang nabuo wasak kong mundo
Nang nag-iisa’y ikaw lang kasama.
Sa yakap at halik, sayo ko nabatid
na mahal kita.
Bridge 2:
Aking inaalala
Sa panahong ika’y nabubuhay pa
ang oras, natirang sandali.
Chorus:
Sa pagpanaw mo nagkakadahilan
kung bakit ako’y nanatili’t,
naniniwala sa walang hanggan.
Sa walang hanggan
Naniniwala sa walang hanggan
Ang oras, at natirang sandali.
Naniniwala
Jan 20, 2017
Jan 20, 2017 at 11:04 PM UTC
Ika'y aking minahal
Higit pa sa aking buhay
Hininga't tibok ng puso'y ikaw
Sinisigaw ng puso't isipan habang buhay
Biglang mundo ko'y nagbago
Nang ako'y iyong biglang iniwan sa dulo
Tumakbo ka ng palayo at ako'y natirang na katayo
Sa mundong ating pinangarap at pinaghirapang mabuo
Ilang araw akong nagpakagago
Para tuloyang makalimot sayong pangluluko
Katahimikan at pighati aking naramdaman
Kaya't ako ay naghihingalo sa dulo
Ika'y may ngiti sa mata
Habang ako'y nakakadama ng kirot sinta
Basag na puso aking palaging dala
Gusto ko nang bumangon at makahanap ng iba
Magmamahal ng taong makakasama
Mula umpisa hanggang dulo sinta
Kaya't maghihintay sa isang ikaw
Nabubuo ng aking mga araw
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 10:08 AM UTC