Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natipuhan" poems
Sana iyong maisip Ang aking nararamdaman Hindi maipagkakaila Ang nararamdaman ko ay tunay Kung para sayo wala lang ito Para saakin ito ay isang pangarap Pangarap na hindi kailanman matutupad Pangarap na tila isang impossibleng pagkakataon Isang pagkakamali ang mahulog sayo Ako man ay umaasa pa rin Ngunit iba ang iyong gusto Alam kong hindi ako at hinding hindi magiging ako Kakaiba ang turing mo saakin May konting aliw at kilig Pero hindi lahat ay totoo Kasinungalingan ika nga Pagpasensyahan mo na Ikaw ang aking natipuhan Hindi ko ito sinasadya Wala ito sa plano
0
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 11:46 AM UTC
Sadyang Kumakapit Sa Natitirang Sana
"Hindi ako, Pero ikaw" Hindi ako yung taong gusto mo, Hindi ako yung taong hinahanap mo, Hindi ako yung magpapahinto sa iyong mundo, Hindi ako yung tipo na iyong makaka "SLOMO" Pero ikaw ang aking gusto, Ikaw ang saakin ay kukumpleto, Ikaw ang sa mundo ko ay nagpapahinto, Na tila ba'y ikaw ang nagkokontrol nito. Hindi ako yung taong agad **** mapapansin, Hindi ako yung taong kapag may problema ka, iyong kakausapin, Ni hindi nga ako yung taong natipuhan mo, Dahil hindi nga siguro ako ang taong gusto mo makatuluyan. Pero ikaw agad ang una kong napapasin, Tila ba ikaw lang yung taong nakapaligid saakin, Dalawang mata'y sayo lang naka tingin, Na para bang ako'y nahulog sa bangin. Hindi ako yung taong agad sayo'y magpapangiti, Hindi ako yung taong sa puso mo ay kikiliti, Dahil hindi ako yung taong aariin mo, Mas lalong hindi ako yung taong iyong sasabihan ng "ika'y mahal ko". Pero ikaw ang saakin ay nagpapangiti, Ikaw yung taong hindi lang sa puso ko, Kundi sa buong sistema ko ay kumikiliti, Ikaw yung taong gusto kong ariin, Kahit na alam ko na mas posible pang masungkit ang mga bituin. Hindi ako yung taong gusto **** alayan, Hindi ako yung taong gusto **** mahagkan, Hindi ako yung magiging inspirasyon mo sa buhay, Dahil kahit kailan, hindi ako yung taong mag-aalis ng iyong pagkalumbay. Pero ikaw ang gusto kong sa lahat ay alayan, Sa katunayan nga, itong tula ay sa'yo nakalaan, Ikaw yung taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon, Kaya nga nagawa ko agad ang tulang ito na hindi inabot ng taon. Hindi ako yung taong minsan sasagi sa isip mo. Pero ikaw ang halos laman hindi lang ng isip, Pati narin ng puso ko. Hindi ako yung gusto **** sa habang buhay ay makasama. Pero ikaw ang gusto kong maka piling, Hanggang sa aking pag tanda.
0
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 11:18 AM UTC
Hindi Ako, Pero Ikaw!!..

Continue reading...
41
Alam mo, ayoko na Gusto ko nang huminto sa pagpapaka-tanga Ayoko na matulala at sabay maiisip ka Kasi alam ko na matagal bago ako muling makabalik sa aking diwa Pwede ba manahimik ka? Ang ingay mo lalo na kapag ako’y matutulog na Bastos at biglaang papasok sa aking isipan Na para bang isipan ko’y iyong kaharian Hindi ka ba napapagod? Sa kalalaro ng aking pusong lasug-lasog na sa iyong kapapaikot Tuwang-tuwa ka pa at humahalaklak kapag ako’y iyong nabibiro Pag sasabihin **** “last na”, pero sinungaling ka Edi sa’yo na! Sa’yo na ang kaligayahan at kalungkutan ko Sa’yo na ang pangarap at kabiguan ko Sa’yo na ang lahat ng ako, sa’yo na ang pusong laruan mo O, ano? Ba’t tumigil ka? Bakit ka biglaang lumayo kung kailan ibinigay ko na? Akala ko ba sa akin ay nasisiyahan ka? Akala ko ba sa akin masaya ka na? Ah, ngayon gets ko na! Gets ko na na mabilis ka pala magsawa Pagkatapos ng isa, maghahanap ka ng iba Pagkatapos **** manungkit, magtatapon rin pala Ayan ka na naman at umaarangkada Parang isang sports car na rumaratsada Patungo sa mga babaeng iba’t iba ang klase Iba’t iba ang ganda Kaawa-awang kababaihan Kasalanan ba nila na natipuhan mo sila Bakit kung parusahan mo ng iyong matatamis na pekeng salita Ay parang mga batang niloloko ng isang salamangkerong desperado kumita Sana matauhan ka… Minahal kitang tunay ngunit sayo’y lokohan lang pala Sana sa paglipas ng panahon, makatagpo ka Ng isang babaeng paluluhurin ka habang nagmamakaawang patawarin ka niya.
0
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 8:15 AM UTC
Isang Daan **** Labada

36
Kulang ang salitang "sobra" sa sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko kayong magsama Sabi nila luha ang pinaka mabisang panlanggas sa sugat ng puso Pero ilang unan na ang napuno ko Ilang unan narin ang naka alam ng pinaka tatago kong sikreto Nung unang araw na nakita kita nagbago lahat Nung unang araw na naka usap kita kumislap ang mga paligid Nung unang araw ko na makita ang iyong mga ngiti nabulag ako.. Nabulag ako sa katotohanan na hanggang tingin at sulyap lang ang kaya kong gawin sayo Nabulag ako sa katotohanan na kahit kelan hindi maaring maging tayo Nabulag ako sa akala ko na maaaring maging tayo Nabulag ako sa pag asa na meron akong lugar jan sa puso mo Hindi ko lubos maisip na barkada ko pala ang iyong natipuhan Ang akala ko malapit na kita makuha Akala ko malapit ka nang mapasakin Akala ko magkakaroon na ako ng lugar jan sa puso mo Pero ang akala ko lang pala ang babasag sa sarili ko Akala ko kasi... Akala ko kasi malapit nang magkaroon ng ikaw at ako yung merong tayo Pero isang malaking pag aakala lang pala ang lahat.
0
Feb 11, 2017
Feb 11, 2017 at 12:27 PM UTC
Umasa
sa twing dumarating aking napapansin pasulyap **** tingin habang paparating hindi ko na malaman ang aking gagawin baka himatayin sa bigla **** pagtingin ikay magdahan dahan baka di na mapigilan puso'y nilalabanan upang di mo to malaman pintig ng pulso ko isandaan bawat segundo gnyan kadeds sayo o diba ang gwpo mo? di ko rin tlga malaman bakit ka natipuhan kahit sinasabihan marami jan, wag na yan kung itoy malaman wag mo sanang iiwasan ikaw ang kaligayahan wag mo sanang tuldukan
0
Mar 8, 2011
Mar 8, 2011 at 2:49 AM UTC
KRAS