Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natikman" poems
Sampung taon na ang nagdaan nang huli kong natikman ang sarap ng mga putaheng hinahanda niya sa hapag-kainan Sampung taon na ang nagdaan nang huli kong nasilayan ang ngiti niyang nakapapawi ng pagod at kalungkutan Sampung taon na ang nagdaan nang huli kong narinig ang mga salitang mahal kita mula sa ina kong tangan Sampung taon na ang nagdaan nang huli kong naramdaman ang higpit ng kanyang yakap at haplos na kinagigiliwan Sampung taon... kay tagal na panahong nagdaan wala na muling natikman, nasilayan, narinig at naramdaman, pagmamahal ng isang ina na kinasasabikan. Happy Mother's Day Mama. Mahal na mahal kita.
0
May 24, 2011
May 24, 2011 at 6:46 AM UTC
Sampung Taong Pangungulila
sa kanyang magulong sanlibutan kay daming naghahanap ng kamusmusan tila ang pagkabata ay hindi natikman walang tigil ang pagkulo ng tiyan sa gutom na hindi maibsan ng kahit ilang pagkain na nasa pinggan. ang nalalabing alaala at kaalaman ay natapon sa maagang katandaan
0
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:55 AM UTC
hindi mababalik
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

Continue reading...
27
Sa lahat ng natikman ko Ikaw ang paborito ko Ikaw ang inaabangan ko Ang masilayan a, ako’y nasasabik Matagal-tagal na rin akong naghihintay sayo Sa tagal tilay na prapraning na ako Sa takot na ikay mawala Sa pangamba na agawin ka ng iba Kinuha na kita Nilayo kita mul sa iyong ina at pamilya Huli na nang malaman kong Tamang panahoy di pa pala Napitas na kita Kaya ngayong tinitikman na kita Napakaasim pa pala Ng paborito kong santol.
0
Jul 23, 2015
Jul 23, 2015 at 8:43 AM UTC
Ang tamang panahon ng pagpitas
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim, hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit. nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising. ayoko na matulog ng magisa, ayoko na sa dilim, dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa. mahilig ako sa kape at ingay, na gumigising sa natutulog kong kaluluwa at sa ingay na ramdam kong may karamay. ngunit natikman ko ang gatas, na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali. ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan. nakakataranta, nakakakaba, ang sikmura ko'y namimilit, dibdib ay naninikip, hindi ako makahinga, hindi ko na makita ang liwanag, hindi na ako makadama, hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya, nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi. hindi na ko makadama, at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim. hindi ako nagiisa, dahil andaming taong nasa paligid ko, ngunit dama ko ang pagiisa.
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 7:51 AM UTC
dilim
8 Isang hamak na mangingisda Itong si Agus na makisig at masigla 9 Mga magulang niya’y kaytagal nang payapa Kaya natutong mamuhay mag-isa 10 Gamit ang mga gawang-kamay nito – Lambat, sibat, panggaid at isang baroto 11 Sa ‘di pangkaraniwang palad ay kasinggulang niya Ang natatanging prinsesa ng bayan nila 12 Lingid sa kanyang kaalaman Si Dara ay lagi siyang pinagmamasdan 13 Halinang-halina sa binatang kaygwapo Dagdag pa ang katawang matipuno 14 Minsan naring natikman ng dalaga Ang mga huling lamang-dagat ng binata. -06/22/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:58 PM UTC
Daragus 2 -Si Agus-