Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napilitang" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga “Huminga ka muna”, sabi ng aking baga habang pumapatak ang mga malalamig na pawis nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap at makita ang makikintab **** mata “Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso “Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”, dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa, ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo, pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman palayo sa gulo, bakit nagkaron ng dulo? At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama, bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana? kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya? Marami na ang nawala, mga sugat na ‘di tuluyang naghilom at mga tahi na nasira, mga damdamin na pinaraya at mga ngiting pinalaya Aakitin rin tayo ng ligaya darating rin ang panahon na tayo ang maligaya ng wala sa piling at sa puso ng isa’t-isa Pasensya ka na aking mahal ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan – ang oras ang nakaharang – Pasensya ka na, hindi kita naabutan
0
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 2:28 AM UTC
Pabalik

37