Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napatingala" poems
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?” Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba” Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw Dagdag ko, “Magbayad na tayo” Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo” Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti, (bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli” Sa loob ng isipan koy tumutula, Sa labas ang mga mata koy natutulala Nabighani ng ganda at napahanga Di ko napapansin tulo laway labas dila Ngunit sa mukhang tila nakasimangot Napansin ko sa mga mata’y may lungkot Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa Ginawa ko na ang simpleng galawan Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan Baka may pagasa kung sya ay liligawan Wala man akong pera, mahalaga masaya Wala man akong pera, basta katabi ko maganda Wala man akong pera, basta wala akong sakit Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit Aking naalala, aking naalala..... Wala pala talaga akong pera Ni piso isa, wala sa bulsa Pano na? Pano na? Kaya ang ending ng love story, Mamang tsuper I’m sorry Pagtumigil na tong byahe, Takbo sibat, handa na akong mag 123....
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 10:19 AM UTC
Crush Sa Dyip
Nang ako'y napatingala sa mga tala ang naalala ko'y si Bathala kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay para sa aking napipintong paglalakbay malayo man ang paroroonan alam kong ika'y hindi malilimutan saan man ako magpunta ikaw pari'y makikita sa aking mga mata'y ikaw ang nasasalamin sa twina'y ako'y magagalak hanggang sa aking pag halakhak gaano man kalayo tayo ri'y muling magkakatagpo hindi man bukas o sa makalawa alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa ani nga nila'y magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay alam kong di ka bibitaw dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw paalam, sa ngayon ang ating muling pagkikita'y sa Mayon dahil pagdating ng panahong iyon alam kong sa tuktok na tayo naroroon
0
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 11:05 AM UTC
Paalam, sa ngayon...
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya Tumataghoy sa kweba ng kapusuan Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban Himutok ay hindi na lumubay Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan Napatingala sa langit na lipos ng estrelya Sa kubo na hinati ng dingding Sa loob ay ang buhay na ikinatha Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan Sa tugmaang ito'y nasawan Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan Kipkipin at itago ang lampin Sa ambon, sa bintana ay napaisip Paano kung hindi natutong magmahal
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #37
Mainit-init na umusok-usok Asukal, gatas, at kape aking hinahalo Inihip ng onti at marahang hinigop   Ng aking matikman ang lasa ay malabo Kumuha ng asukal at inihalo Nanaig ang tamis ngunit panlasa'y di kuntento Kumuha ng gatas at inihalo Nasamid naman sa tabang at dila'y napaso Binaba ko ang tasa at mga mata'y natulala Ramdam ang yamot sa aking tinimpla Ako'y nagulat sa kapeng pinagmamasdan Repleksyon ng iyong mukha biglang lumitaw Ako'y napatingala, nariyan ka pala Sabay hawak sa tasa at humigop ng bahagya Bitbit ang ngiti sa muli kong pagtingala Salamat dumating ka, tinama mo ang timpla.
0
Oct 19, 2015
Oct 19, 2015 at 11:44 PM UTC
Tamang Timpla