Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napasulat" poems
Katorse de Agosto Ngayong kambal-taon kaganapan di na wasto para bang koraL sa taLon Pinigilan kong huwag humawak ng pLuma ngunit sadyang malapit sa akin ang tugma na tila ba regalo Lulan sa loob nitong papel de hapon Ako'y napasulat at tuluyang humugot sa mahiwagang kahon A-kinse na pala, akin ngang namalayan Alas-dos impunto nang relo aking tiningnan Bagamat nga dahil sa ang hapag-sulatan ko ay kapos na Hindi naman ito ang kataposan para sabihing ang tula ko ay tapos na... Makandadohan man tayo sa pintoan ng kapalaran At itrangka sa atin pati na ang bintana ng tadhana MagiLiw pa rin akong bumabati sa bawat isa na makababasa sa tulong nitong teknolohiya sa panahon ng pandemiya... Kamusta na po ba kayo? sa bagong normal na pamumuhay Ikaw, ako, siLa... Lahat tayo ! Gawin pa rin nawang pormal itong ating buhay Hindi man nga natin ngayon nakikita yaong kalaban... Kinikita pa rin naman maituturing nating kaibigan ! " Siya ang Liwanag, ang tamang daan sa katotohanan at ang  B U H A Y  " hanggang dito na lamang, hanggang sa muLi, nagmamahal... TULA~Y © 08/15/20 solEmn oaSis
0
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 10:54 PM UTC
" bugso ... "
• • • Sabi ko hindi ako bibigay Ngunit nauwi nanaman sa hanggang sabi lang Anong magagawa ko? Eh kinukulit mo isipan ko Pero ayun na nga Wala na akong nagawa Hindi mapakali't hindi malaman ang gagawin Pumikit nalang ako't sabay hinga nang malalim Eto na, Naisend ko na Wala nang balikan pa Nabasa mo na Alam mo na Wala ka namang kasalanan Wala ka din namang ginawa Hindi ko rin alam bakit humantong sa ganito Sabi ko usap lang pero natangay ako T a n g i n a, bakit? Anong meron sayo? Tignan mo pati ako nagtatanong Kasi kahit sayo "hindi ko alam" ang sagot Sa sandaling panahon, Napasulat ako nang ganito Aba, mukhang kakaiba ka nga talaga, ano? Ano kaya talagang meron? Baka sakaling tugmang Susi O dala lang siguro nang mga Kathang Isip? Pero kahit Masyado Pang Maaga, (Salamat) Dahil kahit sandali, napili pala ako Araw-Araw Kahit hindi pang-Lifetime Hiling ko lang, Sana nga'y Pagtingin mo'y di magbago • • •
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 5:58 PM UTC
"Oo, Na(ki)kinig Ako"