Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
RLF RN Nov 2015
Tulad ng kahit sino,
siya'y isa ring hamak
na nilalang na naghahanap
ng pag-ibig, at iibigin.
Hanggang isang araw,
ika'y kaniyang nakita
mula sa malayo.
Matangkad ka, kung kaya't
agad niyang napansin ang iyong tikas.
Kasing tikas mo ang damdamin,
sa kanya'y umusbong
alinsabay sa iyong pagdating.

Sa tuwing ika'y kaniyang nakikita,
siya'y lihim na napapangiti.
Ang liwanag na minsan ng nakubli
sa kanyang araw-araw,
ay iyong ibinalik.
Binigyang sibol mo ang pananahimik
ng kaniyang puso na minsa'y
napabayaan at nasaktan.

Kaya't salamat sayo,
bagama't hindi pa siguro
napapanahon.
Upang iyong malaman,
itong espesyal na pagtangi
na sa iyo'y kanyang inilaan.
Marahil, sapat na muna
na ika'y kanyang masilayan
kahit man lamang,
sa malayuan.
Taltoy Jun 2017
Ikaw, ako, sila, tayo,
Panghalip lamang ba ang mga ito?
Hanggang panghalip nga lang ba?
O baka may tinatago pang iba.

Yung mga panghalip na panao,
Inihahalili sa ngalan ng tao,
Yung ginagamit pag di tiyak,
O may alinlangang hawak.

Dahil di ako sigurado,
Di ako tiyak kung ano,
Kung ano ang itatawag ko,
O kung sino ka nga ba sa buhay ko.

S'ya ba'y kilala ko?
Panghalip ba'y kailangan dito?
baka ako'y nagmamaang-maangan lang,
At sabihing di ko to alam.

Ikaw, yung parang naging kapatid,
Ikaw, yung simpleng nakaka-akit,
ikaw, yung saki'y nkapagpangaral,
Ikaw, yung sana'y sagot saking dasal.

Ako, yung kasalukuyang nagsusulat,
Ako, yung para sayo'y salat,
Ako, yung masasabing mangangarap nalang,
Ako, yung lupa't ikaw ang kalangitan.

Sila? sino nga ba yang sila?
Sila, yung iyo at aking nakasama,
Sila, yung sa buhay nati'y naging parte,
Sila, yung kasama natin sa pag abante.

Tayo, ito yung sakit sa ulo,
Tayo, yung si ko alam kung sinu-sino,
Tayo, yung ako at mga kasama ko,
Tayo, yung ikaw ba yan at ako?

Hep hep hep! parang mali,
Dahil yung ikaw at ako'y parang di maaari,
Wag naman nating kalimutan sila,
yung iba pa nating mga kasama.

Dahil yung tayong ikaw at ako,
Yung tayong sa totoo'y ninanais ko,
Yung alam kong di angkop sa pagkakataon,
"Tayo", ang etiketang di pa napapanahon.
Kurtlopez May 2023
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap.

Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita.

Hihintayin kita.

Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Darating din tayo dun.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.

— The End —