Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napakalungkot" poems
Naranasan mo na bang apihin Ng dahil lang sa katawan **** bilbilin Halika kaibigan may kwento ako sayo Nawa'y pakinggan mo at sana'y makatulong ito Ako nga pala si Mahal Madalas bully-hin ng aking kamag-aral Yung tipong gusto **** sagutin ang tanong ni ma'am Ngunit alam **** pagtatawanan ka lang Meron din akong kaibigan Na alam kong maasahan Ngunit ako di pala'y iiwan Ng dahil din sa aking katabaan Isang araw nagkaroon ng sayawan sa paaralan Napakalungkot ng aking isipan Dahil alam kong  walang lalaking magtitiyaga Na makipagsayaw sa katulad kong mataba Sa sobrang sakit na aking nadarama Alam mo kaibigan, ginusto ko ng mawala Wakasan ang bukay na ito Ngunit aking napagtanto Napakasayang mabuhay sa mundong ito Kahit na maraming masasamang tao Kaibigan paalala lang, wag **** baguhin ang sarili mo Lalo na kung para sa ibang tao. Tanggapin mo kung ano ka Tanggapin mo kung sino ka Dahil kaibigan mataba ka man, tandaan mo Meron at merong iintindi sayo Merong isang taong tatanggapin ka At mamahalin kung sino ka
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 9:56 AM UTC
Mataba
Heto na naman ako... nalulungkot, nanamlay kasi malapit na ang iyong paglisan. Paglisan na alam kong ikaw ay babalik din naman sa mga araw na kailangan kong magbilang hanggang sa itinakda **** oras at tagpuan. Hindi pa man tayo nagkikita pero ramdam ng puso ko kung gaano mo ako pinasaya sa maikling panahong nagpalitan tayo ng mensahe sa cellphone lahat nang iyon sa aking isipan ay magiging isang alaala. Alaalang tatatak, alaalang hindi kakalimutan, nakakatawa man o masakit ang mga salitang iyong binitiwan, may kaunting kirot man o tampuhan, lahat ay babalewalain ko na lang pagkat ako'y sabik araw na dumaan. Salamat sa ilang buwan, kapatid. Salamat sa mga araw na ikaw at ako ay nagkukuwentuhan. Salamat sa mga gabing minsan lamang kung dumaan. At maraming salamat sa mga ngiting nagbigay sa akin ng saya sa napakalungkot kong buhay sa kasalukuyan.
0
Oct 2, 2018
Oct 2, 2018 at 3:16 AM UTC
Masayang Alaala
I Patuloy kong napapatunayan na mahal ko siya habang patuloy siyang nahuhulog sa kanya. III Maari nga. Hindi rin naman ito ang panahon para gisingin ang pag-ibig na maaring mamagitan sa aming dalawa. Nakuha ko na lang na maging masaya para sa kanya. Bagaman napakalungkot pag kausap ko siya. Lahat nag iba na. Di na rin ako nagtaka. Ganun naman talaga. Tanggap ko na. Kahit simula pa lang, inaantay ko na siya. Aaaaaaaaa. V Hindi para sakin. At hindi ko naman talaga pipilitin. Bagaman pusong mandaraya ay nabibitin. Lahat ng nararamdaman, lalabanan at kakagatin. Hahayaang malunod ang mga alaala at hindi na iisiping sagipin. Bibitaw at sa malayo na lang tatanawin. Sa dulo ng kahapon ko na lang siya aangkinin. Wala lang siguro akong kain.
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 11:20 AM UTC
/////
Alam mo ba kung bakit sa Gabi hindi Ka makatulog kaagad? Maliban sa Insomnia Naranasan mo din ba? Ako kasi madalas Ung .. Hihiga ka, babangon, iinom ng tubig at hihiga na naman ulit. Pag Higa mo mamaya makakaramdam ka na naiihi ka, pagkatapos ipipikit mo mata mo at didilat kana naman bubuksan ang cellphone para lang sumakit ang mata para makatulog. Pero kahit puyat na puyat ka na bigla ka na namang mapaisip at itatanong sa sarili. Okay Lang ba ako? Magiging masaya pa ba ako? May mali ba sa sarili ko? Nakapikit na nga mga mata mo pero dilat at gumagalaw parin ang utak mo. Bigla kanalang malulungkot. Bigla kanalang iiyak, bigla ka nalang manghihina. Kailan ka makakatulog? Makakatulog ka Lang pagkatapos **** umiyak dahil sa pagod ng utak at puso mo. Sa madaling salita.. Kapag matagal matulog ang Tao ibig sabihin malalim ang lungkot Niya. Kaya pag may kilala kang tao na puspusang nag oonline kahit gabi na o umiiyak gabi-gabi wag **** tawanan kasi hindi mo alam kong anong nararamdaman o pakiramdam nila. ( At kung naranasan mo ito ibig sabihin napakalungkot mo dn tao kagaya ko )
0
May 10, 2023
May 10, 2023 at 12:16 PM UTC
Untitled