Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanlalambot" poems
Unang Kurap Nagising ako sa isang tahanang walang dingding, haligi o kasangkapan. Tanaw ko ang mga ulap sa kalangitan at dinig ko ang mga ingay ng mga nagdaraan. Ninais kong tumayo kaya’t iniangat ang aking ulo ingat na ‘wag masagi ang mga nagdurugong sugat. Nanginginig ang buo kong katawan at nanlalambot ang mga kalamnan. Hindi ko halos maaninag ang kulay ng aking paligid sa itim na usok na nagkukubli nito. Iginala ko ang aking mga kamay sa pag-asang baka may iilan pang piraso ng tinapay na natira mula kahapon. Ginalugad ng mga daliri ko ang bawat sulok ng kawalan at bawat supot ng pangarap ngunit ako’y bigo. Isang sisidlang kalawangin ang aking nadampot isang sisidlan ng pira-pirasong awa ng mga taong kahit na papaano’y nakauunawa sa kalagayan kong aba. Inuga ko ng ilang ulit ang lata ngunit walang ingay ng barya walang musikang magpapaligaya. Magsisimula akong humikbi ng paunti-unti na para bang malalakas na kulog sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan. Pipigilan kong maigi ang mga luha hanggang sa mayroong magkamaling sumagi sa aking mga sugat, saka ko lamang sisimulan ang isang marahang pagluha na magtatago sa tunay na sanhi ng pag-agos nito kasabay ng pag-inog sa aking isipan ng mga katagang "sana, hindi na lang ako nagising."
0
Jun 18, 2015
Jun 18, 2015 at 11:38 PM UTC
"PIKIT-MATANG LIPUNAN"
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw