Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naninikip" poems
Naninikip ang dibdib, Hindi makahinga. Naghihinakit na damdamin, Pilit na kumakawala. Sumisigaw. Nagsusumamo. Naninibugho. Nasasaktan. Humihingi ng kapatawaran, Sa kasalanang hindi sinadya. Hinihiling ang pang-unawa, Sa mga binitiwang salita. Paumanhin. Pasensiya. Ako'y nagsisi na. Patawad.
0
May 16, 2016
May 16, 2016 at 1:21 PM UTC
Silakbo
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim, hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit. nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising. ayoko na matulog ng magisa, ayoko na sa dilim, dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa. mahilig ako sa kape at ingay, na gumigising sa natutulog kong kaluluwa at sa ingay na ramdam kong may karamay. ngunit natikman ko ang gatas, na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali. ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan. nakakataranta, nakakakaba, ang sikmura ko'y namimilit, dibdib ay naninikip, hindi ako makahinga, hindi ko na makita ang liwanag, hindi na ako makadama, hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya, nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi. hindi na ko makadama, at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim. hindi ako nagiisa, dahil andaming taong nasa paligid ko, ngunit dama ko ang pagiisa.
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 7:51 AM UTC
dilim
Aking puso, punong puno ng hinanakit hindi ba nila napapansin? dibdib ko'y naninikip "Hindi na ako mafafall" usong uso sa aking bibig Bakit ganon? Sa utak, aking naririnig Pagkagising, iyong mensahe aking natanggap araw ko'y nabuo, lubos ng kasiyahan sa naganap ngunit pagkakita, biglang araw ay nawasak ikaw ay nagchat pala sa usapang malawak Dinaan ko nalang sa tawa di naman talaga ako dapat umasa mga rasong ako'y sumaya hindi din naman talaga ako pinaasa.
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 10:06 AM UTC
Umasa Kahit Hindi Pinaasa
Lahat ng awit patungkol sa pag-ibig Ikaw ang bukambibig. Naninikip kong dibdib Nais isigaw, bakit ka pumikit Kahit luha'y di na makakapit Umaapaw, bumuhos ang ulan Kasabay ng pagkirot, Juan, Bakit ka nangiwan?
0
May 15, 2019
May 15, 2019 at 7:01 AM UTC
Kasalanan ang pumikit