Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanalong" poems
Matulog ka hirang / at kata'y tutulak Sa landas ng gabing / humahalimuyak Doo'y tutuparin / ng ating pangarap Lahat ng pagsuyo't / pag-ibig na hanap Kata'y aaliwin / ng mga kundiman At patutulugin / ng hanging mahinay Pag-ibig ang ating / magiging himlayan Sa harap ng tala't / mga bulalakaw Sa landas ng tuwa / kata'y matutulog Lilipas ang hirap / lahat malilimot Lalaya ang diwa't / mga bungang-tulog Sa tulong ng gabing / lipos ng pag-irog Kata'y maglalampong / nang buong hinahon Wala ni sinuman / ang makatututol Huhuni't aawit / ang lahat ng ibon Titigil ang luhang / sa mata'y nanalong Lamang ang hangad ko'y / iyong mamalasin Ang aking pintuhong / hindi magmamaliw Sukat na sa akin / na iyong ibigin At kung ibigin ma'y / umibig ka giliw! Tena at humimbing / sa gabing tahimik Na nilalambungan / ng nunungong langit Mga puso'y sabay / na mananaginip Sa awit ng isang / hele ng pag-ibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 7:20 AM UTC
Hele ng Pag-ibig