Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nalilibang" poems
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
crush kita, alam mo ba? mapansin mo naman sana gusto kitang yakapin ayoko lang aminin pasulpot sulpot ka lang pagkausap ka laging ang oras ay kulang pero sa bawat minuto ako'y nalilibang hindi mo lang alam malapit ng mabuang unang kita ako'y natulala naglakas loob na ika'y makilala minsan lang naging sigurado sa desisyon kong to buhok mo'y nakakabighani mata mo'y napakabayani ilong mo'y nakakaaning ngiti mo'y parang bituing nagniningning puso ko'y parang sasabog pag ang fb chat ko'y tumunog ako'y nanghihinayang sa picture nating nasayang isa lang ang gusto ko ang masabi sayo lahat to
0
Jun 5, 2012
Jun 5, 2012 at 2:21 PM UTC
Epekto ng Alcohol
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita Saan na kaya? Sana'y bumalik kana Hininitay ka na niya Matagal Tagal naring  ikay nawala Nalilibang kana ata? Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ilang bundok na ang kanyang inakyat Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na Habang ikaw ay naaaliw Bulong niya'y, oh aking giliw Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak Niyakap ka niya at sinabing Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas Nawawala Hinahanap Hindi Makita Ikay hinahabol niya Bamalik ka na daw sakaniya Basahin mo ulit ang kanyang mga salita Dahil ang mundong Ito ay mawawala Ngunit ang kanyang salita ay mananatili Nawawala Hinahanap Hindi Makita Pagmamahal na walang hanggan Mamahalin ka hanggang katapusan Kahit di tayo'y karapatdapat Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat Nawawala Hinahanap Hindi Makita Oh Diba ang Hirap makawala? Ang Hirap ng walang ama Kaya't Tara na at bumalik sakanya Nawawala Hinahanap Hindi Makita Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap. Kay Tagal rin bago ka na hagilap Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama. Nawawala Hinahanap Hindi Makita Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa. Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay Para sa aming buhay
0
May 31, 2019
May 31, 2019 at 10:15 AM UTC
Nawawalang Tupa

Continue reading...
45
Teka ako yata ay nagkamali Sa pag bilang ng bawat sandali Ang pangako nga ba ay nawaksi Sa salitang hindi ako nagmamadali? Magandang rosas kahit matinik Ang makita ka'y nakasasabik Matinik man ay di iimik Ang pusong lagi lang tahimik Oo na, pagod na akong maghanap Sa ibabaw ng lupa o alapaap Na makakasama ko sa pangarap Pwede ba'ng ikaw na lang ang pangarap? Pero tila yata nahihibang Kung mali nga'y nabubuang Ngunit diwa'y gising na nakaabang Kikitilin ang pusong nalilibang! Untitled. JGA
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 10:50 AM UTC
Untitled
Minahal mo ba talaga 'ko? Tanong ko sa sarili ko Habang magisa'y nalilito Minahal mo ba talaga 'ko? O ako lamang ay nalilibang Kunyare'y meron, ang totoo'y wala lang Minahal mo ba talaga 'ko?
0
Jan 26, 2020
Jan 26, 2020 at 12:22 PM UTC
Minahal mo ba talaga 'ko?