Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Dec 2017
Makulit, malikot, parang kiti-kiti na paikot-ikot.
Ganyan ang bunso ko masyadong maligalig,
Takbo dito takbo doon, bukas dito bukas doon,
Akyat dito akyat doon.
Akala ko magiging mahina ka nagkamali ako.
Mahina ka noong isinilang,
Tatlong araw palang ay na-ospital kana.
May kung anong laging tumutunog sa’yong lalamunan,
Huli ka kumpara sa karamihan.
Sa paglipas ng mga taon unti-unti mo’ng nalalampasan,
Tiwala ako’ng lahat ng ito’y iyong mapagtatagumpayan.
Alam ko na nagtatampo ka kay papa,
Makulit ka kasi kaya ka napipitik.
Pinipitik kasi mahal kita,
Pinipitik kasi nagmamalasakit,
Pinipitik kasi ayaw mapahamak,
Pinipitik sa kamay para mo maintindihan
Na minsan mali ang iyong ginagawa.
Kailanman ay hindi kita sasaktan anak ko,
Kahit ang buhay ko isusugal ko para sa’yo.
Kini-kiss naman kita matapos pitikin,
Kasi hindi kita kayang tiisin,
Nasasaktan ako sa t’wing nakikita ko na ikaw ay umiiyak.
MR Jun 2019
Sa isang madilim na kuwarto,
ako’y tila mahinhin at ang mga mata’y nakasarado. Nakahiga lamang at kalmado habang nakabalot sa kumot at tila binabangungot ng mga ala-alang ‘di ko malimot-limot nang iwan mo ako. Ang mga ala-alang ito’y kung makapang-asta saking isipa’y parang nagliliyab na apoy na pumapaso sa mga magagandang damdamin kong tila naitataboy.

Ngunit ngayon, tila nawala ang nagliliyab na apoy nang nalalampasan ko na ang lungkot, at tuluyang bumabangon at nililimot  ang mga ala-ala ng kahapon, sapagkat alam ko na ang mga masasamang kahapon ay ‘di pa ang dulo at hadlang upang ‘di ako makabangon.

— The End —