Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakayuko" poems
Siya ay parang ulan Kay tagal **** hinintay Sa panahon ng tag init, Na sa pag dating nito Ay maiibsan ang sakit Na dala ng sunog Sa iyong katawan. Na dala ng init Na nang gagaling sa kaniyang mga halik. Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib Pero siya padin ang iyong hinihimig. Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo. Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan. Umaasang na siya'y iyong mahahawakan. Pero wag kang magpaka tanga. Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya. Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari, Siya ay pangpataba ng lupa. Wag kang maging hadlang, Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan. Pero wag kang magalala. Hindi ko ba nasabi sa iyo Na ikay isang puno, Na paparating na ang tag sibon. At ngayon mo lang mapagtatanto Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga, "Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho" "Halika tayo'y muling mag simula."
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 10:53 AM UTC
Pag-Buhos
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
Habang ako'y naka tayo, ika'y naka upo. Hindi mo ba napansing sayo'y nakayuko? Hindi mo na nga pala ako kayang tingalain. Hindi mo na nga pala ako kayang mahalin. Kaya pala hindi na kayang pansinin, Sa iba ka na pala nakatingin. Tang ina, daig ko pa lumuhod sa asin. Ang sakit sa damdamin.
0
Aug 12, 2015
Aug 12, 2015 at 11:54 AM UTC
Asin
"Mahal kita pero ang sakit sakit na" "Let's break up." I said in between my sobs. Tiningnan niya ako ng nanlilisik ang mata. "Ano? Potangina naman. I already said sorry. Ginawa ko naman lahat. Ano pa bang gusto mo ha?" Kasabay neto ang pabalibag niyang pagsara ng pinto. "Ayoko na. Paulit-ulit na lang tayo. Ganun pa rin yung ginagawa mo. Pa'no naman ako ha? Nakakagago lang talaga eh. Ang sakit sakit na. Tuwing nakikita kita, sa araw araw tayong magkasama bumabalik lahat. Pinipilit ko namang kalimutan eh. Kaso hindi ko na talaga kaya. Ayoko na." Patuloy kong iyak habang nakayuko. Ayoko siyang tingnan sa mata. Natatakot ako baka bigla kong bawiin yung mga salitang binitiwan ko. Hindi ko na kaya. Tumayo ako habang nagpupunas ng luha kong patuloy sa pag agos at tumalikod. Ngunit bigla niya akong niyakap at sumubsob siya sa leeg ko. "N-No. W-wag kang umalis. A-ayoko. H-Hindi tayo maghihiwalay." Umiiyak niyang sabi.
0
Dec 17, 2018
Dec 17, 2018 at 6:58 PM UTC
"Mahal pa rin kita pero ang sakit sakit na"
Busalan mo pa! Nang manahimik    ang mga sumisigaw-- Pilit inaalingawngaw   ang nag-uumapaw   nilang mga hinanakit Matagal nang umalis ang Diyos     dahil sa mga panatikong Sinasamba ang kanilang Poong   iniidolo rin ang isa pang   anak ni Satanas Kasama ang kanyang    mga apostol Hudas sa taumbayan Busalan mo pa--- Ang iyak ng sanggol,    nanghihingi ng pagkain Ang ungol ng babaeng    pinuputa sa tabi-tabi Ang hikbi ng magsasakang    mamamatay na lang    hindi pa sa sarili    niyang lupa Ang tangis ng manggagawang    tinapon matapos Malaos Na parang Makina lang sa pabrika Sige patahimikin mo! Tutal katutahan At kaputahan At kaputanginahan    ang doktrinang    isinisiwalat mo Na parang hindi mulat    at wala sa ulirat    ang mga panatikong Sumusunod Sa bawat buklat   ng bibliya Lalong pumupula ang paligid; Kitakita na lang sa bilibid    kung umabot pa    ang bangkay    ng nag-ingay Sige langoy! Hindi man sa dagat ng basura; Pero sa dagat    ng dugong dumanak    ng mga pinaslang    ng bibliyang    ginamit mo    para umaalipusta Sa nanghihingi ng kalinga; Sisid sa kailaliman   nang malaman mo Ang kadiliman   ng kaibuturan   ng bituka **** halang Sige gamitin mo    ang bibliya-- Ipangalandakang sugo ka! Panginoong namimigay    ng lupa Panginoong may-lupa    namimigay Hindi sa hindi makatayo    hindi makaupo    maghapong nakayuko Kundi sa pulang watawat    na may limang dilaw na bituin    marikit na kumikinang Habang unti unti nitong    nilalamon ang bawat isla    bawat industriya Idagdag sa kanilang makina    na may nabubulok na sistema Hanggang sa wala nang matira; Hanggang sa ang perlas Ng silanganan Ay tuluyan nang Malaspag Na parang isang puta
0
Jul 4, 2020
Jul 4, 2020 at 6:12 AM UTC
Diyan ka Magaling

Continue reading...
85
Unti unti kahit pinilit Puso Kong dito na lang ba sasabit Eto ka nakangiti at masaya Pero ako sobrang pigil na Hawak ko Rosas para saiyo Inipon ko Simula agosto Mahirap lang kasi ako At gusto ko masabi na tong nararamdaman ko Isa,dalawa,tatlo, Tumingin ka sakin mula paa hanggang ulo Nanginginig nanaman ako Pilit kong inabot Rosas na hawak ko Habang nakayuko ang ulo "Para San to?" Tanong mo "Mahal Kita" sa wakas naamin ko Tatlong hakbang palayo "May boyfriend na ko" 4 na salitang nagpaguho sa mundo Nabitawan ang rosas na hawak ko At unti unting tumulo luhang pinigilan ko
0
Sep 18, 2017
Sep 18, 2017 at 6:14 AM UTC
"Tatlong hakbang"