Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatakas" poems
Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga Ang himig mo ang aming ninanais marinig Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling? Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos Bukang-liwayway ay muling masisilayan Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan— Muling masisilayan.
0
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 7:03 AM UTC
Araw ng Kalayaan
Lungkot ng sistema , Pag-gising sa umaga tulala ang eksena Nakasanayan na ang pagpatak ng tubig sa mata, Basang-basa na ang tela Pinipilit ko kasing punasan ang sakit , pagkalumbay , dala ng kalungkutan Alaala mo na di mawawala,lumipas man ang panahon dala dala ko ito sa libingan Kahapon lang ngiti mo'y hindi maipaliwanag , yun na pala ang huli nating pagkikita Di man lang ako nakapagmano at nakahalik sa iyong mga noo , hanggang mawalan na ng hininga Ang Nais ko pa naman sana maabutan ka ng magiging apo mo sa hinaharap , upang makita mo sila Pero huwag magaalala , ituturo ko naman lahat ng bagay na natutunan ko sayo lola Paalam lola , Hindi ko man lang nasulit na ika'y makasama Wala na tuloy magkwkwento sakin nung ako'y bata pa Wala ding kasabay kumain kapag ako'y magisa na Nakakalungkot pero kailangang tanggapin , ang buhay natin ay sakanya Salamat , Alam kong maaliwalas na ang iyong pakiramdam Nakatakas ka na kasi sa parisukat na mundo na kasuklam-suklam Payapa na ang sistema , darating din kami dyan Ang mga rosas ay nalanta , at may uusbong muli na maganda...
0
Mar 20, 2019
Mar 20, 2019 at 11:30 PM UTC
Rosas
Nagsisiliparan na yaong mga paniki, hudyat na magsisimula na ang gabi ‘Di nakatakas ang kiliti ng paru-paro sa aking tiyan, gayong maggagabi naman Nakahanda na ang tinola, para sa mga bisitang nais ay ang kamay kong nangangatog Ngunit ‘di lang naman ako ang nanginginig, kundi si Mario rin naman Oh kay malas! Tumilaok yaong manok, nanaginip nanaman pala akong may irog, na liligawan kagaya noong unang panahon.
0
Oct 31, 2020
Oct 31, 2020 at 9:59 AM UTC
Paniki, Paru-paro at Manok
22 Samantalang si Loria May kalayaan sa pag-aasawa 23 Siya ay lumaki na Mga magulang ay wala 24 Subalit ang anak ng amo Sa kanya’y may lihim na gusto 25 Isang gabi nang matutulog na May pumasok sa silid ni Loria 26 Siya’y tinangkang gahasain Ng lalaking may pagtingin 27 Mapalad at si Loria’y nakadampot Ng patalim na isinaksak sa salot 28 Nang gabing iyon siya’y nakatakas Mula sa tinirhang pangahas. -06/16/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:49 PM UTC
Siboloria 4 -Aliping Malaya-