Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakatadhana" poems
Panahon na Panahon na para sumulat ako Panahon na para ihayag ang nararamdaman ko Panahon na para idaan sa tugmaan ang dahilan Dahilan kung bakit ayon sa kanila ika’y aking nasaktan Napakatxnga mo Para kang gxgo Sxraulo Txrantado Oo, minura kita kasi di kita kayang mahalin Napakatxnga mo para ako ang piliin Pipili ka nalang kasi ba’t ako pa Oo, magmamahal tayo, pero di sa isa’t isa Sige, balikan natin ang simula Yung bago pa lang ako dito at mukha ako nung txnga Yung kakalipat ko pa lang at wala pa akong kilala Yung first day ko na walang kamuwang-muwang, padukot-dukot lang ng cellphone sa bulsa Yung di mo naman sinasabi pero umabot sakin ang balita Gusto mo ako, di kita gusto Lumalapit ka, lumalayo ako Nasaktan kita… hinayaan mo ako Kung inakala mo wala akong pakialam, nagkakamali ka Kung inakala mo mapaglaro lang ako, nagkakamali ka Kung akala mo pinaasa lang kita, di ‘yon totoo Ang dapat lang na malaman mo… Sinubukan ko Sinubukan ko ang alin? Txngina alam mo na yon Sabi nila natuturuan raw magmahal ang puso Piliin mo yung nagmamahal sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso May kulang Piliin mo yung may gusto sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Uulitin ko, may kulang Piliin mo yung may pagtingin sayo Kasi natuturuan naman magmahal ang puso Pxta kayo kulang-kulang mga pinagsasasabi nyo Natuturuan magmahal ang puso pero iba ang magtuturo Natuturuan magmahal ang puso pero di ikaw ang gagawa nito Oo, natuturuan magmahal ang puso pero ibang tao ang magpapatibok dito Paano ko nalaman? Nasabi ko na, sinubukan ko Sinubukan kong gustuhin ka pero di ko magawa Pinilit na ibalik ang pagtingin pero hindi ko kaya Talagang hanggang kaibigan lang tayo Mali! Hanggang kaibigan lang, walang tayo Magiging totoo lang ako Hindi ko ‘to ginusto. Pati ikaw Di rin kita gusto Sasaktan na kita kasi sasabihin na naman nila pinapaasa kita Baka ikaw meron, pero ako walang pake sa sinasabi nila May pake ako, sa’yo May pake ako sa’yo kaya alam ko na di ako yung lalaki na nakatadhana para ibigin mo Di kita gusto, at alam kong di mo na rin ako gugustuhin pag nakita mo to Walang may alam kung kailan mo to makikita Anong taon, pang-ilang dekada Huling mga linya, kung binabasa mo to, alam mo na kung sino ka, pasensya na sinubukan ko pero wala talaga At least kaibigan na kita
0
Oct 29, 2017
Oct 29, 2017 at 11:00 AM UTC
PANAHON NA

Continue reading...
57
Ang maputing blusa ay nakakasilaw Dating mag-aaral sa paaralan ngayon reyna na ng kanyang natupad na pangarap Lumaki na ang agwat ng katayuan Distansiya na di malagpasan Subukan bang habulin Kung gaano kalaki ang kagustuhan ganun din ang siyang kabiguan Sa lagaslaw ng tubig sa alon Ang payak na pamumuhay sa gitna ng daluyong Sa araw ng mga  puso ay walang aaminin Ang pag-irog ay hindi mabubunyag Karugtong ng kwento ay maging nalilingid na alamat Iniukol sa kanya ang kalatas Suungin ang daloy ng ilog Pilansik sa balat ay parang asido sa dugo na tinutunaw ang puso Sa lalim ay malulunod, sa babaw ay ang hininga malalagot Suwail sa kalangitan Kung ito'y nakatadhana at ang mga yapak ay nabilang Sana'y maunawaan ang inaasal Sampung hakbang ang layo sa kanyang likuran
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 6:27 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #33
Hay naloko na Nasira ang cellphone Ubos na rin ang ipon Pano na ang FB, IG at ang ibon Sumaglit sa kanto Internet ang dinayo Nang may kaba sa puso Sa pagbasa ng iyong komento "Musta? Tara kita tayo!" Walong pantig Na sa aki'y nagpanginig Ngunit saglit lang ang kilig Bumalik kasi ang kahapong kay pait Na muling nagpasikip sa aking dibdib At sa wakas, tama na Naunawaan ko na si tadhana Sa nasirang cellphone At ubos na ipon.
0
Jun 19, 2020
Jun 19, 2020 at 11:22 PM UTC
Nakatadhana (TAGALOG)
Isang umagang maaliwalas, Lumingon ka sakanya Bahagdan ng paghanga ay tumaas pa Sinabi sa sarili, oo sana siya na Agam-agam na nagtiwala ka, Hanggang isang araw, hulog kana talaga Pag-ibig na dumatal, Akala’y totoo Noon pala ay bunga lamang ng imahinasyong lito, Akala mo siya na para sayo, Ikaw lang pala nagkukumahog na maging kayo Napag-tanto ang totoo, Natakot ka, Di alam kung paano kukumprontahin siya Hanggang sa isang araw, suko kana talaga Wala na si kilig, Lambing O paghanga sakanya Lahat naglaho, Nang matuklasan **** Lalaki din pala ang tipo niya.. Malungot na pagwawakas diba? Walang magagawa, di ikaw nakaTADHANA sakanya.
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 4:38 AM UTC
MAPAGKUNWARi si TADHANA
Ang awit ay sa mahal na **** inialay Ang pagbubuwis ng buhay Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban Tinabas ng kahihiyan Wala ng kaibigan Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan Habang nakadipa nagsalita, tanggapin ang kabiguan Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo Maraming aglahi humabi ng lampin Higaan ng peto angkin ang samut saring pintas Ang huni ay haluyhoy ng ibon na nagsusumamo sa sanga Yumuko dahil sa nahinuha tungkol sa kaligiran na ginagalawan Ipinarinig ang kanta Palawigin ang pag-inog Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon Tila balahibong dinuyan ng hangin na umiilanglang hanggang sa magsawa
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 1:49 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #23
Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral hanggang wala na natira sa kasarilihan Matayog na pananaw ay lumulubog parang tumatandang lawin Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon sa larang ng mga lapida Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana Mapanglaw sa linang Ang kalakasan ay nahahamugan Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan Isang paa ay nasa libingan Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig? Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila sa balangkas ng talambuhay Magbuo man ng introduksyon Di pa rin makabangon sa panimula ng akda
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 7:42 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #12
Sana Hiling ng isang taong umaasa Sana ngayon Sana ikaw Sana tayo Sana eto na Pero parang wala Parang walang himala Naghihintay nga ba sa wala O kailangan lang ng konting tyaga Konting dasal pa nga ba? Konting hintay pa? Pagkat ako'y umaasa Na tayo'y nakatadhana Sana nga, sana Pagkat ako'y naiinip na
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 8:44 AM UTC
Oo, Sana
siguro akala mo hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin siguro kung inisip mo lang na ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin siguro akala mo hindi kita kailangan sa paraang kailangan mo ako alam mo hindi ako makakahanap ng tao na kayang intindihin ako gaya sa paraang nagagawa mo bumalik kana.. dito kalang.. hinahanap parin kita sa hirap at saya hinahanap parin kita sa lungkot at ligaya hinahanap parin kita kapag itim na ang gabi at asul na ang kalangitan pero tinatanong ko parin sa sarili ko naiisip mo parin kaya ako kagaya ng pagiisip ko sayo sa oras na maisip mona kailangan kita nandito parin ako naghihintay sa iyo sa oras na ito hanggang sa pagdating mo
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:26 PM UTC
tula ni VJ: "hihintayin kita"
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo Ito ay paalala sa sarili ko Kung anong meron tayo Na hanggang dito lamang ako Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana Hanggang sa pagtanda ay makakasama Kabiyak sa Hirap at ginhawa Ngunit sa kabilang banda Realidad ay sa aki'y bumabangga Ako ay kaibigan lang pala At hindi maaaring lumagpas sa linya Hindi ko alam kung bakit ikaw Ang sa atensiyon ko ay pumukaw Sa puso ko ay umagaw At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw Sinusubukan kong sayo ay lumayo Ngunit Ako'y pinapangiti mo Mabigat na araw ko ay humahayo Araw ko'y muli **** kinumpleto At heto nanaman ako Gusto ko tayo pero mukhang malayo Imposibleng maging Ikaw at ako Iyong mga mata'y nasa kabilang dako Hanggang dito lamang at aking lilimitahan Upang Hindi masaktan Sa sampal ng katotohanan At magising na lamang kinabukasan Makita kang masaya at masigla At sa akin ay ibinabalita Ang natagpuang pagibig sa iba At makita kung gaano kayo kaligaya Wala na akong ibang hiling pa Na tunay na pagibig ay iyong makamit na Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
0
Jun 7, 2018
Jun 7, 2018 at 10:40 AM UTC
Sa aki'y Paalala
Yung akala **** itinakda Akala mo'y importante Hindi naman permanente Yung akala **** itinadhana Wari mo'y mahalaga Bakit naging pansamantala? Hindi ba dapat ay pang habang buhay at hangang sa kabilang buhay? Ang pagmamahal kapag nakatakda Ang pag ibig kapag nakatadhana Hindi  mababawasan Hindi mawawala Hindi na lamang akala Hindi na rin pakiwari Dahil hindi mangungupas
0
Jun 27, 2019
Jun 27, 2019 at 10:51 AM UTC
Sabi ng Lolo ko
Sana ikaw na nga ang matagal ko ng hanap Sana ikaw na nga ang pupuno sa buhay kong kay saklap Sana ikaw na nga si "the one" Sana, ngayon walang iwanan Bigla kong naisip Puro lang pala ako sana Di pala talaga tayo ang nakatadhana :(
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 10:29 PM UTC
Sana
Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Gusto kong ibaling ang pagtingin ko sa iba, Pero bakit kahit na pilitin kong okupahin ang malaking parte ng oras para kalimutan ka, Hindi ko mapanindigan? Bakit patuloy ka pa ring bumabalik at nangungulit sa isipan; Kung alam mo namang madalas akong umaaasang baka sakali, May maganda tayong patutunguhan? Paano ko magagawang makalayo sa lungkot, Kung simpleng alaala mo,hindi ko magawang malimot? Dumarating ka sa oras ng katahimikan— Dumadalaw sa mga panahon ng pag-iisa, Dinadamayan ang sakit ng luhaan kong mata; Bumabalik-balik at sumisilip-silip, para iparamdam ang presensiya ng pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian~ Gusto kitang isayaw ng mabagal, Sa saliw ng paborito kong musika, Sa tugtog na gigising sa'kin, magpapa-alala: •Pagmamay-ari ka ng iba, Gusto kitang isayaw ng mabagal— Hanggang sa hindi matapos na tugtugin; Hanggang sa magawa ko ng pilitin, ang tadhana~ Na ibigay ka nalang sa akin, Gusto kita ng isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Tama na. Husto na. Gustuhin ko man na mapasa'kin ka, Wala akong magagawa. Kaya sige. Tatanawin nalang kita. Hihiling na sana minsan, maisayaw kita— Sa saliw ng paborito kong musika; Sa tugtog na patuloy sa'king magpapa-alala, Kaibigan lang dapat kita At pagmamay-ari ka ng iba. Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Hindi magbabago kahit nakatadhana ka sa iba.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:23 PM UTC
#82