Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakasalamuha" poems
Nang mawala ang pangalawa kong trabaho Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko Walang atubili’y akin siyang tinungo At sinubukan bago kong palad dito Sa TED kung saan una akong itinalaga Mga batikang **** dito aking nakasalamuha Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama Kayrami kong natutunan mula sa kanila Minsang itinuring ko na parang mga ina Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan Para ko naring naging ama si Sir Hapitan Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan Akala ko noon ay mahirap silang turuan Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto Kaya ang naging tingin ko sa mga ito Ay parang sa Encantadia na mga engkantado Taglay ang katangian ng 5 elemento Dito rin sa Encapsudia, ako’y naging estudyanteng **** Nang mag-Uniting, mga estudyante ko’y naging kaklase ko May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU! -10/14/2017 *a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its 3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:05 PM UTC
Ang Kapuso Kong CapSU
Sa aking pinakaunang alaala ako’y nalulunod sumasabay sa pwersa ng agos tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig. Tanggap ko na naman kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay handa na ako sa aking kasasapitan, nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan. Labing siyam na taon na ang lumipas biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan paano na lang kung yaon ba’y natuloy mababago ba ang buhay nang mga taong nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon? Sapagkat isa lamang akong basura na parang muling binalik nang mawaring may pag-asa pa upang muling gamitin at muling maging patapon sa mga matang mapanlait dito sa mapanlinlang na mundong patuloy na umiikot para ipamukha sa akin na isa akong pinaka walang kwentang tao.
0
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:13 AM UTC
Pinakaunang Alaala