Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakasaksi" poems
Narito, isang pirasong papel, Nakalamukos sa loob ng isang basurahan, Basurahan na siyang pinagtapuan, Basurahang taguan ng mga dumi , Dumi na mula sa tao, Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo. At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi. Ang pahina ay napuno ng tinta. Maraming-maraming tinta. Nangingitim, kumakalat, naninikit. Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta. Mababasa ang titik na nalikha ng tinta. Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap. Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod. Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina. Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang. Hinangin ang pahina ng papel. Nagpulasan ang mga uod sa tapunan. Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid. Naninipsip sa napupunit na piraso. May naghagis ng isang kalat. Inihagis sa ibabaw ng papel. Gumalaw ang papel. Nagitla ang naghagis. Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis. Ipinukol sa papel. May ilan pang nakakita. Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit May mga naguguluhan sa mga nakasaksi. Ang papel ay walang magawa. Lumalambot ang bawat hibla. Ang papel, sa kanyang pagkatunaw Ay akin ding pagkatunaw. Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat Kalakip ang mga tulad kong papel... Sa... aklat. Sa... tula.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
"Papel" ni P.T. Simon

"Papel"
Sinabi ko noon sa sarili ko na kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin -- kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin, silàng may kanya-kanyang hinanaing, Huwag mo akong yayakapin. Huwag mo akong hahalikan. Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso. Huwag mo akong iiyakan. Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo. Naniniwala ako na sapat na ang mga titig, ang mga nangungusap na mata. sapat na ang distansya, ang espasyo sa pagitan nating dalawa. sapat na ang iniyak natin noon. sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas. sapat nang natuto táyo sa kahapon. sapat nang kilala na natin ang lunas. sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili. sapat nang káya mo nang matulog sa gabi dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga. sapat na ang mga naisulat na liham, ang mga talatang humihingi ng kapatawaran. sapat na ang mga musikang sabay nating inawit, ang mga tonong hindi nagkakapanagpo. sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi, ng mga luhang nahihirapang matuyo, ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo. sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan, ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat. sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat. sapat na ang magagandang gunita, mga ala-alang ating ginawa. sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa. sapat nang naiintindihan ko na at sapat nang hindi ka na magmakaawa. sapat na ang mga regalong aking nagustuhan dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan. sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing, "Hindi ka pa pala sapat." Salamat. Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang. Pero ngayon. Kapag dumating ang pagkakataon na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas, Hahayaan kitang yakapin ako; halikan ako; Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon, Hahayaan din kitang umiyak dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos kalilimutan ko na. ---
0
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 4:55 AM UTC
Ang Nagkulang

Continue reading...
55