Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakapulupot" poems
nagbabakasakali lang naman baka naaalala mo pa ako naaalala mo pa ba unang pagkikita kulay ng supil mo'y pula ganda ng iyong mata ang nilaman ng mga dati kong kanta naaalala mo pa ba ako oo sa likod ng 'yong ala-ala na minsan sa buhay mo ay hinagkan ako nilambing hinalikan iniyakan tinawanan at higit sa lahat at ang pinaka masakit sa lahat minahal baka naaalala mo pa ang pagkakulang ng 'yong mga kamay dahil hindi nito hawak ang akin kung gaano kalungkot ang 'yong mga daliri dahil hindi nakapulupot sa akin baka naaalala mo pa na ang laman ng mga mata mo ay ang mukha ko at ang laman ng utak mo ay ako, palagi baka naaalala mo pa na bago ka tamaan ng rumaragasang sasakyan na nagpawala ng memorya at ala-ala mo ay kasama kita sinasambit ang matagal na nating mga pangarap anak, pamilya at iba pa baka naaalala mo pa na bago ka mabunggo ng paparating na ilaw mula sa unahan ng rumaragasang sasakyan sa gitna ng dilim ay pinagdarasal ka na sana 'di magbago ang pagmamahal mo ngayon sa apat na sulok ng 'yong kwarto sa ospital ay di mo ako naaalala limot ang dating ala-ala ang halik ang yakap ang luha ang hikbi ang tawa nagbabakasakaling naaalala mo pa
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:42 AM UTC
headlight
Sa bawat araw nananabik ako makita ka kahit sandali di mapigilan ang aking nadarama sa tuwing hawak ko ang iyong mga kamay Pipikit at sasayaw sa mga alala na tayo lang dalawa ang nakakaalam mga tawanan ,kulitan at harutan naiisip ko na sana dito nalang tayo Dito... sa tabi ko mag kasama ikaw at ako nakapulupot sa mga yakap ko sabay bulong na nandito lang ako pero lahat pala may dulo dahil sa mundong ito lahat pala ay hiram na pwede mawala kahit anong oras at panahon at kung bibigyan ako bumalik sa kahapon mamahalin kita ulit at hinde sasayangin ang pag kakataon....
0
Aug 28, 2019
Aug 28, 2019 at 9:09 AM UTC
Hiram na sandali