Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakasawang" poems
Magandang umaga Yan ang bungad pagbangon sa kama Kain na Ang sarap pakinggan tuwing napapasin na ako'y gutom na Pahinga ka muna Hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka aking sinta Mahal kita Mga salitang hindi nakakasawang marinig mula sa kanya Tulog na Lumipas ang isang araw na masaya sa piling ng isa't-isa. Mga salitang sa akin ay nagpapasaya Simpleng mga salita na sa akin ay mahalaga
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 8:32 PM UTC
Simpleng mga salita
Ang daming gagawin. Di na alam ang uunahin. May mga proyekto't takdang aralin, At mga thesis na di alam kung kaya bang tapusin. Nakakasawang mga papel Pero di ko kayang bitawan. Lugmok, at laglag ang balikat, Nang bigla kang sumabay sakin sa paglakad, Nagyayang samahan ka at mamaya na gawin ang lahat. Pumayag pa rin ako kahit baka ang oras ay di sumapat. Ginabi tayo at nagsisisi ako, Di dahil sa takot na di matapos ang mga gagawin ko, Kundi dahil sa mga dahilan mo Kung bakit kinailangan kong sumama sa'yo. Namiss kita, napansin mo ba? Hindi, kasi ang nasa isip mo kanina puro siya, Siya na mahal mo pero di ka nakikita. Pano naman akong nakikita't mahal na mahal ka? Hanggang balikat, panyo, at kaibigan na lang ba? Nakakasawang mga papel Pero di ko kayang bitawan.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:35 PM UTC
Nakakasawang mga Papel