Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Dec 2016
26
Ilang oras na akong nagsusulat
Ilang tinta at papel na ang nasayang
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso
Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay
Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba
Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi
Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya
Ano pa ba ang dapat gawin?
Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo?
Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin
Hindi ko alam kung ano at paano
Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan?
Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit?
Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa
Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na
Wala ng dahilan para magpatuloy
Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat
Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan
Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo
Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon
Hayaan ang sariling humilom
Hindi ko alam kung gaano katagal
Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito
Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya
Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya
Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
raquezha Jul 2018
Hindi ako takot umibig pero takot ako sa’yo.
Hindi dahil sa ayoko sa’yo kun’di sa tingin ko’y hindi malabong magkagusto ako sa’yo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang magagandang kwento mo.
Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo—ang mga titig mo… baka masanay ako.

Hindi ako takot umibig pero takot makong mahulog.
Sapagkat paano mo iibigin ang taong estranghero? Kung sa unang gabi palang ng iyong pagkikita ay nahulog ka na.
Nahulog sa kwentuhang matagal, sa kanyang boses na hindi pagal.
Sa mga ngiting nang-aakit,
sa mga matang nakakahumaling,
sa kanya na hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Takot ako sa dilim,
pero mas takot ako sa liwanag. Takot akong makita ang sarili kong kasama ka.
Baka kasi pag nasanay na ako sa liwanag ay bigla na lang itong mamatay hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko at baka masanay ulit ako.
Masanay ako na maglakad na para bang nakapikit. Maglakad patungo sa palaisipang lugar na paikot-ikot lang ang daan.
Baka bigla nalang akong yakapin ng dilim sabay bulong sakin ng "tumigil ka na tanga!"
Baka biglang lumabas ang mga kaibigan ko sa dilim at masanay sila sa liwanag.
Baka multohin nila ako habang tirik ang araw at habulin ako sa kung saan.
Baka habang tumatakbo ako palayo ay mabulag ako sa liwanag na dulot mo at baka mabangga ako at muling mabuhay ang mga alaga kong paru-paro.

Hindi ako takot sa patay, pero takot ako sa buhay.
Takot akong mabuhay ang mga daga sa aking dibdib na matagal nang nanginginig sa lamig.
Takot akong matunaw ang mga yelo na matagal nang nakapulopot sa puso ko.
Takot akong matunaw ang mga ito at lunurin ako sa pag aakalang tunay ang mga nararamdaman ko.
Takot ako sa majikang dulot ng pagibig na nag bibigay buhay sa mga patay na kandilang dala-dala ko.
Takot akong maging maliwanag ang paligid ko at makita ang katotohanan ng mundo.
Takot akong makita na ang mundo natin ay iisa pero mas takot akong malaman na iba pala ang gusto **** kasama.

Hindi ako takot mag-isa,
pero takot akong kasama ka.
Takot akong makasama ang mga dati **** kasama— baka kasi kung ano’ng sabihin nila.
O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila maramdaman ko ulit kung pa’no ang mag-isa.

Hindi ako takot sa luma, pero takot ako sa bago.
Sana kahit may dumating na bago,
walang magbago. Sana kahit mag mukha na akong antigo, wag mo akong itago gaya ng mga nakalagay sa inyong aparador.
Hindi ako plato, kutsara o tinidor na gagamitin mo lang sa piling-piling okasyon dahil wala ka nang ibang opsyon.
Sa piling-piling araw na kung saan ipapagamit mo lang sa kung sino-sinong tao dahil yun lang ang silbi ko.
Takot ako
Takot ako
Natatakot akong mapalitan ng bago.
Takot ako
Takot ako
dahil lang meron bisitang darating kasabay ng pagtapon mo saakin.
Takot ako
Takot ako
Kasabay ng mga bago pang darating wag mo sana akong paglumain.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula.
Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may nakakapit na malas
lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas.
Hindi kasi lahat ng wakas ay may kasunod na simula—
simula ng panibagong bukas.

Hindi ako takot sa sagot pero takot ako sa tanong.
Mahal mo na ba?
Mahal ka ba niya?
Takot akong masagot ang mga tanong ko ng "Oo" tapos sasabayan mo ng "pero" sa dulo;
ng "Oo" na may preno ang tono kaya takot sa tanong
pero mas takot ako sa sagot.
Mahal na kita mahal mo rin ba ako?

Madami man akong kinakatakutan kung anu-ano nalang gaya ng ikaw,
liwanag,
buhay,
simula,
bago
at makasama ka— lahat ng ito’y hindi mahalaga iibigin kita kahit anuman sabihin nila,
kahit hindi ako ang iyong mahal,
ang liwanag mo,
kahit iba na ang buhay mo,
kahit simula palang ng tulang ito ay takot na ako,
iibigin kita sa isip,
sa panaginip,
sa diwa,
sa mata,
sa tingin,
sa lambing,
matulog ka ng mahimbing
hanggang maubos ang kandilang minsang ikaw ang nagsindi kahit na lahat ng ito ay walang silbi.
Gagawan kita ng puntod na mag sisilbing paalala
na minsan akong nagpakatanga sa pagibig.
Gagawan kita ng puntod at doon ko ibabaon lahat ng ito sa limot.

Iibigin kita habang nililibing ang 'yong alaala. Ililibing kita habang iniibig ko ang iyong alaala.
cherry blossom Jun 2017
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala."
yan ang sabi mo sa akin noon
buti nalang hindi na ako naniwala
dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko
"patawad" lang ang naisagot ko
hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko
hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip
dahil ang salitang ito
salitang nanghihingi ng kapatawaran mo
ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito
ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo
dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan
ng "patawad" noong simula palang
"patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo
noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko
hindi na ako naniwala
"patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin
tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to
kaya hindi na ako naniwala
"patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad"
halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo
kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo
at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo
patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato
sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad"
sana patawarin mo ako
dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo
nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili
ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali
pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to
para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw
dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw
at akala mo ako ang nauna
pero hindi,
hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako
alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
naglalakbay ang utak ko, pasensya na tumigil sa harap ng ala-ala mo.j
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila
Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa
Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita
Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata
Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena
Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala

Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras
Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso
Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan
Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan

Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak
Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak
Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako
‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro

Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada
Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada
Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama
Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala

Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad
Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala
Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod
Kahit saan mo man ilagay, tila lagi **** sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.”

Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela
Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda
Ngunit hindi sa eskuwela ang ***** kundi sa parke nang makapaglaro saglit
Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin.

Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa
Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela
At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na
Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa

Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid.
Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit.
Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi,
Ngayo’y biglang naging magkatunggali.

Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan
Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman?
Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan
Ngunit tayo ay tila naguunahan

Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya
Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan
Nagsarili at ‘di na namansin pa
Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala

Nabalot ng yabang ang ating mga isip
Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik
Hindi umimik kahit isang saglit
Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari

Tanda mo pa ba kung paano tayo noon?
Tanda mo pa ba kung ano ang meron?
O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa?
Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita.

Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon.
Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon.
Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo
Kundi pinabayaan **** katahimikan ang mag-ingay para sa’yo.

Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala?
Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala
Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa
Natatandaan mo na ba?

Kung sakali man na talagang nalimutan mo na,
Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa.
Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa.
Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata

Kung talagang nalimutan mo na,
Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya,
Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana
Kung paano limutin ang lahat ng alaala.

Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na,
Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya,
Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na
Okey na sa akin iyon, okey na.

Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan
Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha
Eh ano naman kung may peklat ako di ba?
Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama

Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga
‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko
Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin
Hindi ako makahinga

Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap
Tila ba gusto ko muling magpakilala
Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula
Yun pala, usapang pangwakas na.

At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala.
Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga.
Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala
Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Sutla ang iyong kutis,
Ilang inches na heels
iPad ang hawak
Ayan pa’t naka-Rayban
Kahit taglamig –
Ganyan dito sa abroad
Pasyal dito
pasyal doon
Higit sa lahat
Hindi barya ang sahod.

Padala sa Pinas,
Lahat ay winaldas
Dami pang pasakalye
Datong din pala
Palaman ng inyong mensahe.

Aba’t bida pala si bunso
Sa tropa’t sa eskwela
Hindi ba’t astig?
Pang-party nila’y
Siya ang laging taya!

Ang binata ko’y
Malaki na talaga
Kapapanganak lang daw
Ng bespren nya
Anak, tanong lang
ba’t sa handa nila’y
Ikaw ang itinoka?

Ang ilaw ng tahanan
Na siyang aking iniirog
Sabay sa uso
Nakasisilaw ang alahas
Inubos ata ang bawat perlas
Buti’t nakaahon pa’t
Ayan, kay kumpare pa
Siya’y nakakapit!
At ang nararapat
Na panglamang-tiyan
Kulang pa pala
Kanyang sinapupunan
May bagong buhay
Mahal, saan siya nanggaling?

Puso ko’y nalurak
Ako’y inahas na
Pinagsamantalahan pa
Akala nila’y ok lang
Akala ko’y may babalikan pa
Yung totoo,
Lata’y hiyang-hiya na
Humihikbi ito
Makatikim lamang ng barya
Wala na ang sahod,
Awitin ko’y “Palimos.”

(12/2/13 @xirlleelang)
Zeggie Cruz Jul 2016
Ilang beses ko na bang sinabi
na hinding hindi na magyoyosi.
Tila sindami na ulan noong Hunyo.
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.

Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko.
Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko.
Marahil nga, katangan ito.

Mga patak ng ulan ang nagpapaalala
Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama.
Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan.
Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan.

Sa tuwing umuulan,
Sinasambit nito ang iyong pangalan.
Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan.

Mahal kita, mahal mo ako.
Yan ang mga salitang naniwala ako.
Sinabi ko at sinabi mo.
Pero sa isang iglap, nasaan na tayo?

Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?

Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming pinuno ng sakit
Pinuno ng hinagpis at lungkot
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit.

Naaalala mo pa ba
ang ating mga pangako?
Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko.


Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan
Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan
May mga bagay talaga na walang kasagutan
Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan

Mula nang ikaw ay nawala
sa bisyo ako ay nakipisan.
Kasama sa magdamagan
nang sakit ay mabawasan

Hindi madali nang ikaw ay nawala
Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan
Parang isang kanta na paulit ulit
Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan.
Pangalan at katagang walang katapusan.

Bawat hithit bawat buga
Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura.
Sa bawat buga.
Nakikita ko ang iyong mukha.
At sa isang iglap mawawala.

Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?
Jeremiah Ramos Aug 2016
Langhap.
Kumuha ako ng isa galing sa inalok **** kaha,
Hinawakan ko 'to na tila bang nakasanayan ko na,
Naka-ipit sa hintuturo at hinlalato,
Nilagay sa aking labi,
Hinihintay ang pagsindi mo nito,
Nilapit ko ang sigarilyo sa sumasayaw na apoy upang magsalubong,

Bago lumanghap,
Ramdam ko ang puso kong kumakarera sa kaba
Tila bang nagpupumiglas lumabas,
Langhap.
Ubo.
Buga.
Langhap.
Ubo.
Buga.

Hawak ko ang isang kahang inaalok ko sa'yo,
Nasa bulsa ko ang isa pa na uubusin pag-uwi,
Kumuha ka ng isa,
Sinindihan,
Ako ang lumapit habang nakasabit sa'yong labi
Na tila bang naghihintay kang sayawan ng apoy,
Langhap.
Buga.
Langhap.
Buga.

Hawak ko ang kamay mo na tila bang ang tagal na natin nagsama,
Nakakapit, ayaw bumitaw, parang dalawang bagay na ginawa para magsama
Hinintay ang tamang oras,
Nilapit ko ang sarili ko sa'yo,
Umaasa na marinig mo ang tibok ng puso kong kalmado,
Nagsalubong ang ating mga labi.
Sa wakas,
sa wakas.


Buga.
Lumipas ang ilang linggo,
Tinigilan kita.
Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa sinabi nila na hindi ka nila gusto
Sinabi nila na nahulog ako sa'yo ng husto
Hindi ko alam na kasalanan na palang mag mahal ng sobra

Isang buwan nakalipas,
Hinahanap ka na ng kamay kong wala ng kinakapitan,
Ng labi kong wala ng hinahalikan,
Ng mga baga kong naghahanap ng usok na naging tama para sa kalusugan,
Hinahanap kita.

Tatlong taong nakalipas,
Tumigil na akong maghanap.


Buntong hininga.

Tinanggihan ko ang isang sigarilyong nakalawit sa kahang inalok mo,
Inipit ang aking mga labi,
Pinigilan ang sarili,
Pinigilan ang pagpapapumiglas ng puso kong hinahanap ka pa rin.

Naglakad ako palayo,
huminga ng hangin na tila bang bago pa rin sa'kin
Sa wakas,
Hindi na kita hinahanap.
Sa wakas.
Poem about addiction (specifically to smoking) i guess
Kape tayo.

Ano ba ang gusto **** timpla?

Yung naka 3-in-1 nga ba?
Yung pangmabilisan at fixed na yung lasa?
Yung pipili ka na lang, at ibubuhos mo lahat sa tasa
kasi alam **** ganun na talaga at di na sya mag-iiba?

Pwede rin yung sweet,
Yung sa sobrang tamis, ngiti mo'y aabot sa langit
pero di mo alam, sa ibang kamay na sya nakakapit.

O kaya, yung purong-puro din?
Yung matapang na at kaya kang gisingin
sa katutuhanan na sa iba na sya nakatingin?

Ano nga ba talaga gusto **** timpla?

Eto, kape, asukal at iba pa.
Ikaw na ang bahalang magtimpla.
Dahan-dahan lang at 'wag madaliin,
Bawat patak ay iyong lasapin.
At sa tamang oras ay makukuha mo rin
ang inaasam-asam ng iyung damdamin.

Kahit matatagalan man ay ayos lang
Kahit magkamali ay okay pa din naman,
basta't makukuha mo yung lasang
matagal mo nang inaasam-asam.

At sa tamang panahon,
yung mga tamis at paet ng kahapon
ay hamak na magiging leksyon
sa pagtimpla
ng perpektong lasa.

So ano,
Tara kape?
Desirinne Mar 2017
Kamusta ka na? Sana masaya ka na sa piling niya.
Sana inaalagaan ka rin niya maigi gaya ng ginawa ko sa'yo.
Tinitext ka rin kaya niya ng good morning sa t'wing paggising mo
o goodnight at I love you sa pagtulog?
Kinakantahan ng paborito **** love song?
O kaya dinadalan ng paborito **** pagkain?
Sana okay ka lang, miss na kita.

Namimiss mo rin kaya ako? O naaalala man lang sa masasayang parte ng buhay mo? Kasi ako oo, sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko, ikaw yung naiisip ko, na sana kasama kita sa mga bagay na katulad nito.

Hanggang ngayon nakakapit parin ako sa mga pangako mo.
Di ko maintindihan kung bakit.
Sobra na'kong nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero gusto ko naman to eh, basta para sa'yo.
Minsan nga naiisip ko kung magiging katulad ulit tayo ng dati.
Yung mahal mo ko at mahal din kita.
Pero parang malabo na eh, kasi masaya ka na sa kanya.

Alam mo mahal parin kita, mahal na mahal.
Kung may isa pa tayong chance, ikaw parin yung pipiliin kong sarap kahit sobrang sakit.
Ganon naman sa pag-ibig diba, masakit, masaya, masarap, lahat yata ng emosyon mararamdaman mo.

Pinilit ko namang makalimutan ka eh, kaso sa bawat taong dumadating sa buhay ko ikaw parin talaga yung hinahanap ko.
Sobra mo kong napasaya.

Tinuruan mo kong magmahal ng tama kaya siguro hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko kasi sa piling mo lahat ng bagay nagiging tama.
3-24-17
mims Oct 2013
Sa pagtulog mo
ang tanging hiling
ay mayakap ka.
Ang bawat awit
na hinuhuni ng aking puso
ay alay
para lamang sayo.

Nakakapit sa pag-asang
magdadaop muli ang ating mga palad,
na matititigan kong muli
ang iyong mga mata
habang
ang ating mga labi
ay unti unting naglalapit
para sa isang halik
na pinakaaasam.
Ang halik
na siyang bubuhay muli
sa daloy
ng ating minsang ipinangakong
pag-ibig na wagas.

*note: This poem is in the Filipino/Tagalog language from the Philippines
Mahal,
Irog,
Sinta.
Aking santa na sinasamba;
Minamahal kitang tunay at taos puso akong nanalig---
Ninanais na patuloy na manatili sa yakap ng matitipuno **** bisig
kung saan ako'y nakatali at nakakapit

Aking isusulat ang mga gusto kong sabihin
dahil hindi sapat na ibuka ko ang aking bibig,
mga kamay ko'y may sariling tinig.

Mahal kita, mahal.
Mahal na mahal.
I promised my mom I would start practicing my Filipino skills HAHA I tried.
Kfjt Jun 2020
Pinagmamasdan kita sa malayo habang ang iyong buhok ay hinahangin

Para bang may kumurot saking puso at bigla nalang naging magulo ang damdamin

Pakiramda'y di ko mawari kung ako ba'y masaya o malungkot

Galit sa mundo at damdamin ay puno ng poot

Alaala ng kahapo'y sadyang mapanakit at sa puso'y nanunuot

Nais ko na sumigaw at tumakbo palapit
Nag ayos ng sarili at nag subok lumapit

Saya at lungkot ng kahapo'y saakin ay nakakapit
Habang tumatagal damdami'y lalong pumapait

Puso ay tila wasak parin
Pagkat sugat ay sariwa parin

Sa aking paglapit
Sa dibdib ay bigla nalang may gumuhit

Yayakapin ka na sana
Ngunit wala ka na nga pala

Aking napagtanto
Alaala na lamang pala ito
JL Dec 2020
Madali kung mararapatin
Madali kung gugustuhin
Pero sa madali na yan
Mahirap nga pa ring bitawan
Kasi nakakapit pa sa nakaraan
Na pinipilit ulit maging kasalukuyan.

_______________

En­glish Translation:

LOVE
Easy if necessary
Easy if desired
But... if that's easy
It is still difficult to let go?
Because it still clings to the past
Forcing again to be present.
Mister J Apr 2020
Sa lamig ng hanging sumisipol sa gabi
Init ng iyong mga yakap ang iniisip
Sa mga umagang nasisikatan ng araw
Bakas ng iyong mga yapos ang hinahanap

Labis-labis kitang hinahanap
Ang lambot ng iyong mga kamay
Habang nakakapit sa akin
Pilit hinihingi ng pusong nagdaramdam

Panginoon, akin pong dalangin
Magisnang muli hindi sa panaginip
Ang kanyang mga matang nangugusap
Ng kanyang matamis na pag-ibig saakin

Akin pong hinihiling ng mataimtim
Ang madama ang kanyang yakap na mahigpit
At madampian ng kanya mga labi
Na pumapayo sa puso kong nag-aamok

Akin pong ipinagsusumamo
Ang muling marinig ang kanyang tinig
Ang boses na matamis pakinggan
Na nagpapakalma sa aking damdamin

Panginoon, akin pong hinihiling
Ang mahagkan ang minamahal ko
Ang nagkukulay ng buhay ko
At ang pag-ibig kong matamis

Sana'y ika'y mahagkan na muli
Marinig ang iyong boses na nagpapasaya sa akin
Makasama muli sa hirap at lungkot
At magpasalamat sa mga biyaya at saya ng buhay

Mahal ko, lagi ika'y nasa isip
Kailanman, hindi ko ipapahamak
Ang pag-ibig na ipinaglaban at hiningi
Niluhuran at binuhusan ng luha

Mahal ko, nasaan ka na?
Sana'y magbalik ka na
Sa mga bisig na hinahanap ka
Sa pusong tahanan mo
I love you Sharmaine

I miss you so much

Praying for the end of this epidemic
So that we can return to our normal lives
I miss my home in your arms
🥺
Sa bawat pitik ng oras
ay isang kahapong nakalampas.
Sa bawat bigkas ng mga letra
ay mga kwentong puno ng saya.
Sa bawat tinig ng iyong mga bibig
ay mga kantang malamig na himig.

Pero paano kung sa isang araw ay bigla ka nalang nawala,

Anong silbi ng pagdaloy ng oras
kung sa alaala na lang kita kasamang lumilipas?
Ang mga letrang binibigkas na sanay para sa'yo
ay nagsilbing sigaw sa kawalan ng aking paghihingalo.
Ang mga malalamig **** halakhakan
ay napalitan na ng nakakabinging katahimikan.

Isang buwan kong tiniis,
itong aking paghihinagpis.
Sa bawat araw ay ikaw ay nakakapit
sa utak at pusong kong masakit
at umaasang di maglaho ang nasimulan
kahit pinutol pa ng isang buwan.
Gemingaw nako nimu.
Lecius Dec 2020
Mas madaling intindihin ang pag-ibig
Kapag walang sinasambit at parating tahimik
Kapag ngumingiti at umaabot sa langit
Kapag nagagalit at napipikon ng kay dali

Mas madaling basahin ang pag-ibig
Kapag kumikislap ang mata at kinikilig
Kapag kamay nakakapit at sa braso nakasabit
Kapag tumatawa at masid tunay na ligaya

Mas madaling mahalin ang pag-ibig
Kapag puro at dalisay ang pag-sinta
Kapag walang lihim at parating totoo
Kapag hindi nangsasakal at pinipigalan ang galaw

Mas madaling alagaan ang pag-ibig
Kapag ikaw ito at hindi s'ya
Kapag ikaw ito at hindi iba
Kapag ikaw ito at ikaw lang ito

Hindi parin nag-babago
Hindi parin nakakalimutan
Hindi parin natatabunan
Hindi kailan man lilisan

Ikaw parin ang aking pag-ibig
Ikaw parin ang aking sinisinta
Ikaw parin ang aking ginugusto
Ikaw parin ang aking paksa sa tulang ito
Bella Jul 2019
Isa dalawa tatlo
Mag unahan tayo sa dulo
Kung May mahuhulog
Ay Walang sasalo
Apat Lima anim
Nagiiba na ang takbo ng mundo
Nahuhulog na yata ako sa iyo  
At Unti unti ko ng ginugustong sumuko
Sa laban na ito
Na nakakalito
Ano ba ako sayo?
Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako
Dahil habang lumalayo
Mas lalong lumalabo
Mas lalong nagiging komplikado
Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo
Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko
Natatakot ako
Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin
Na bawal mahulog
Dahil hanggang kaibigan lang tayo
Pito walo siyam
Nagiiba na ang ihip ng hangin
Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin
Kaya ko pa ba?
Kasi yung taong gusto ko
May gusto ng iba
Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan
Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan
Para nadin mawala ang mga “Baka sakali”
Na gumugulo sa isipan ko
Para nadin matauhan At matuto na ako
Sampu
Paalam
Ito ako ngayon sa harapan mo
Nagsasabing ako na’y susuko
Bakit sa nakaraan pilit parin kumakapit kahit alam **** sa sya ay matagal ng sa iba nakakapit.
Bakit kahit alam **** iniwan kana at sa iba kumapit ay patuloy ka parin umaasa na sya'y sayo ay babalik.
bakit umaasa ka pang sa sya'y babalik kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit.
bakit kahit alam **** sa iba na sya kapit na kapit patuloy ka parin sa pag asam na sya doon ay bibitaw at sayo ulit ay babalik.
Bakit patuloy parin binabalik yung mga bagay na sayo ay patuloy lang nanakit,kung meron naman taong ni minsan hindi sayo mananakit.
bakit hindi mo subukan sa iba nman kumapit baka sakaling sa piling nya ay hindi na makaramdam ng sakit.
at bakit hindi mo subukan bumitiw at ang nakaraan ay kalimutan ,baka sakaling sa pag harap mo sa kasalukuyan don mo matagpuan yung isang taong d ka iiwan at hindi magagawang sa iba ay kumapit.
15 Ang dalagang si Pina
Maliksi’t abenturosa

16 Mahilig magtungo
Sa bundok pinakaulo

17 Tanging pana ang tangan
Mga palaso kasamahan

18 Sa ibon iduduro
Makabasag-bungo

19 Dali-daling sasaluhin
Ang ibong kukunin

20 Kaytibay na goma
Nakakapit sa narra

21 Ang pana ni Pina ay iyon
Dala niya saanman pumaroon.

-07/08/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 159

— The End —