"nakakapanghinayang" poems
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.
Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?
Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.
Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.
Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.
Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.
Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Apr 12, 2017
Apr 12, 2017 at 12:18 PM UTC
Andito na naman ako sa pagitan
Sa pagitan ng ating pinagsamahan
Ayoko na ba? O itutuloy ko pa?
Susuko na ba? O magpapahinga?
Hindi ko alam ang nararapat
Pero alam ko ako'y tapat
Sa pag ibig na sayo ilalapat
At ako'y magiging tapat
Mahirap pigilan
Pero sinusubukan ko naman
Dahil walang patutunguhan
Hindi pang sawalang hanggan
Pero alam mo nakakapanghinayang
Yung samahan natin baka masayang
Yung samahan na pagkakaibigan
Na hindi magiging pang kaibigan
Andito naman ako sa pagitan
Ang isip ko ay nagpapalitan
Puro salitang nagtatalastasan
Mamahalin pa o bibitawan?
Apr 6, 2017
Apr 6, 2017 at 6:38 AM UTC