Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakapagtaka" poems
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya, mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa. sa una'y aping api ang bida pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa. Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama, kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa, talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala. Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako kasalanan naming lahat ay Iyong inako Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako. Daan mang tinatahak ay bako bako Direksyon mang sinusunod ay liko liko Walang sapat na rason para kami'y sumuko Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
0
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 11:43 AM UTC
THE REAL SCRIPTWRITER
Nakakapagtaka o nakapagtataka Maaaraw na ulan at Diwata sa bundok Sa mga pintong siguradong sasara, bakit tayo kumakatok? Bakit natin binubuklat ang mga aklat na putol ang istorya? May mga araw na ayaw dumating at may mga saglit na pilit patagalin Siguro nga'y may uri ng kasiyahan na di mapapanatili ng anumang kapit pero sapat nang maramdaman oo kahit sandali salamat parin na dumaan Ang buhay nga naman palaging tungkol sa mga taong dumadating kung paiyakin ka nila sa sakit o pasayahin ka nang walang kapalit
0
Nov 13, 2020
Nov 13, 2020 at 6:03 PM UTC
Why do we say hello to inevitable goodbyes