Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakahalina" poems
Bigla ka na lamang sumulpot na parang kabute. Kasama ang mga simpleng ngiti mo na nakakahalina. Isang imahinasyon na unti-unting nalikha ng di namamalayan. Mula sa mga teorya at ideya na pwedeng mabuo tungkol sayo. Doon palang alam ko ng gusto makipaglaro sa akin ng tadhana. Nagtataka bakit sa bawat pag gising ko sa umaga, Kahit sa palagay kong nakaka-isang hakbang na ako palayo sayo, Sa tuwing makakasalubong kita at madidinig ko ang tinig mo, Tatlong hakbang pabalik nanaman ang tatahakin ko. Di ata napapagod ang tadhana, pwes ako hinihingal na. Langya, napakalabo nga naman diba? Maging tayo, ikaw at ako, diin ng iba. Hindi ko alam kung tama pa ba o tama na. Ayokong malaman, ayokong makawala. Makikipaglaro na lang ako hanggang manalo na ko sa tadhana.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:39 PM UTC
Tadhana
Ang pagkain ng croissant at floss buns sa public places. O ng saging o hotdog sa jeepney. Ng chocolate ice cream habang naka-all white ka. Ang umibig ng mga taong may mental illness. O ng taga-malayo o magkagusto sa pari. Ng taong hindi maaaring ibigin. Ang maki-apid sa asawa ng may asawa. Ang kwarto **** napabayaang linisin dahil mas masarap nga naman ang siesta. Mas nakakahalina ang tawag ng pahinga, kaysa talak ng pagliligpit. Ang trend ng salted caramel everything dahil mas mainam ang may konting alat. Ang nakaligtaang lakad sa government offices dahil mas kaakit-akit ang gumala. Ang buhay **** salat sa kaayusan dahil mas masarap ang makalat.
0
Oct 8, 2023
Oct 8, 2023 at 8:39 AM UTC
Mas Masarap Ang Makalat
*Nalinlang ng mga mata. Kumagat sa magaganda, Sadyang nakakahalina. Natukso ka... Dinala sa motel. Inihiga sa kama. Hinubaran ng pagnanasa. Natukso ka... Kinabukasa'y nag-iba. Napalitan ng lungkot ang saya. Nang maalala ang ginawa. Natukso ka... Hindi mo kinaya. Nanghinayang, nabaliw ka. At sa huli, nagpatiwakal na. Dahil natukso ka. Natukso ka. Natukso sila. Natukso kayo. Natukso tayo Natukso ako.*
0
Oct 29, 2015
Oct 29, 2015 at 10:57 AM UTC
Natukso
Gayuma ang titig ng iyong mata ang mga kulay nitong kakaiba, pati ang labi **** nakakahalina Nakakahalina ang pangarapin ka alalahanin ang iyong amoy sa tuwina, ating mga alaalang tila ba milagro at mahika Mahika ang muli kang makasama at marinig muli ang iyong mga tawa, mawala kung saan mang sulok kasama ka Ang makasama ka ang pinakamabisang gayuma, ang pinakanakakahalinang mahika, at ang aking pinapangarap na sumpa.
0
Feb 22, 2024
Feb 22, 2024 at 2:16 PM UTC
Gayuma
Naloko na Nakangiti habang pinapanuod ka Kabisado bawat anggulo Nahumaling sa bawat ngiti mo Naloko na Sa mata **** nakakahalina Alam kong hindi kita kayang abutin Ang lohikang ay kay hirap sundin Naloko na Kokote'y hindi na ata gumagana Sa distansyang kailangan liparin Imposibleng ako'y mamahalin Naloko na Sa aking puso ikaw ang reyna Nagniningning sa suot **** korona Naloko na
0
Feb 27, 2019
Feb 27, 2019 at 10:00 AM UTC
Naloko na
Nang makilala kita Walang pagsidlan ang aking saya, Sa tuwing kausap ka Ako nama'y tuwang-tuwa. Ngiti mo man ay ‘di ko makita Sa panaginip ko ito nakaburda, Yakap mo man ay ‘di ko dama Pagmamahal mo sa akin ay nakapa. Ang boses mo'y hindi nakakasawa Sa puso ko anong aking ligaya, Nakakaaliw ang iyong pagkanta Sa tenga ko'y nakakahalina. Hindi ako nagsisising minahal kita Sa piling mo ako liligaya, Pagmamahal mo sa puso'y baterya Nagpapangiti at kumukumpleto pa. Mahal, alam mo ba? Mahal na mahal kita, Ikaw sa akin ang nagsilbing tala Liwanag mo naman ang aking sigla.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:42 AM UTC
MAHAL