Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakabulag" poems
“The purpose of life is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience.” ― Eleanor Roosevelt May mga gabi na puno ng lumbay kung saan mapapait at puno ng lungkot ang mga ala-alang hatid nito. Madalas na hindi ka nito pinapatulog. May mga umaga naman na nagpapagunita sa mga dalita at mabibigat na salita. Minsan kahit sa init ng katanghalian ay nararamdaman mo ang matinding lamig – ang panlalamig na dulot ng takot, takot na harapin ang kawalang katiyakan ng bukas na darating. Malaya kaba’ng talaga o baka naman nakatago lang ang iyong mga tanikala? Bumabangon sa umaga’t naghahanda para pumasok sa opisina na isa ring selda. Kumakain pero walang nalalasahan, tumatawa nga pero ang totoo ay nalulungkot, nabubuhay pero talo pa ang isang bangkay pagkat walang kabuhay-buhay. Nakikipagtalik ang katawan na hindi marunong tumangkilik. Paano nga ba ang mabuhay nang wasto at hustong-husto? Yung puno ng pag-ibig at walang ligalig na sadyang matatag katulad sa isang kamalig. Nadidinig mo pa ba ang huni ng kuliglig sa ‘twing sasapit ang hapon? Ang buhay ng tao ay sadyang maligalig. Ang panaghoy ng mga walang kayang lumaban sa dagok ng malupit na kapalaran ay laging naririnig sa ‘twing kumakagat ang dilim. Hindi lang minamasdan ang mga bulaklak, kailangan mo rin itong samyuin para mo mapahalagahan. Paano mo malalaman ang lalim ng dagat kung hindi mo ito sisisirin at ano’ng saysay ng taas ng bundok kung hindi mo ito aakyatin? Hindi sapat na sabihin na s’ya ay iyong iniibig, kailangan mo rin s’yang yakapin at halikan. Ganito mo dapat na ipagdiwang ang buhay. Pero hindi ito magawa ng isang tulad mo na alipin ng takot at sama ng loob. Kailangan kumawala ka sa anino ng nakaraan at ‘wag mabuhay sa hinaharap. ‘Hwag kang makipagtalik sa multo ng nakaraan dahil hindi ka lalabasan, puro luha lang ang tiyak na papatak sa iyong mga mata. Maging makasaysayan at makabuluhan ito ang dapat na maging layunin. Kalimutan ang kabiguan at maging masigasig, yakapin sa’yong bisig ang ngayon. Hawiin ang lambong ng gabing tumatakip sa paningin sapagkat ito’y nakakabulag.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 9:54 PM UTC
HAWIIN ANG LAMBONG

Continue reading...
7
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
0
May 12, 2021
May 12, 2021 at 1:03 PM UTC
siya si sol, ikaw si luna, at ako ang mga bituin tila 'di na nabigyang pansin
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
Continue reading...
39
Ang masalimuot na pag-aalboroto. Hindi na sana muli. Ang nakakapuwing na mumunting bato. Maging ang huli na sana ang pinakahuli. Aasahan pa ba natin? Ang nakakabulag, nakakaiyak na abo. Hihintayin pa bang dumating? Hindi na sana muli. Ang natuyong lahar ang aking kapatawaran. Ang iyong kapaligiran ang sa iyo naman. Tuwing Nobyembre at Enero Ipagdarasal ko ang hindi na muling pagputok, pagsabog at pagbulusok ng Pinatubo. Hindi na sana muli. Maging ang huli na sana ang pinakahuli.
0
Nov 20, 2023
Nov 20, 2023 at 8:36 AM UTC
Ang Muling Pagbulusok ng Pinatubo
Mahigit tatlong buwan na akong parang isang timang, laging madilim laman ng isipan. Gustuhin ko mang makita ngunit walang liwanag. Walang direksyon, Walang sinag   Nakakauhaw ang mga panahong puros na lang ulan Nakakabulag ang sinag ng araw at ng buwan Nakakapagud ang takbo ng utak ko nakakalunod ang lawa ng pagsasamo. Luna tama na.
0
Mar 23, 2017
Mar 23, 2017 at 4:52 AM UTC
pagsamo