Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakabase" poems
Pinas na minamahal Lugar na aking sinilangan Bansang kayraming yaman Ngunit buhay ang kapalit Nang sumigaw upang marinig Pagkat nanlaban kaya dugo ang kapalit Laban nga ba sa droga o laban sa bayan? Ang tanging tanong na binabatid Ang tanong na di mawala sa isip. Ang yaman ng bayan naglalahong parang bula Sa bulsa ng pamahalaan makikita Bilihin na nagmamahal Sa bibig na lang ng presidente ang mura Sa atin pa ba ang bayan? O kabilang na sa mga estado ng tsina at amerika Mga kababayan na lumuluwas sa bayan Makamit lamang ang kaginhawaan Dugo, pawis at buhay ang naging kapalit Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? Pagkat sila’y sa selda makikita imbis na sa paaralan Sambit nila’y kulang daw sa disiplina at pagsisikap Habang sila’y nagbubulag bulagan at nag-bibingi-bingibingian Ano na nga ba ang katotohanan? Saan na nga ba nakabase ang tama at mali? Susunod ba sa pamahalaan o sumigaw para sa ating kinabukasan?
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:17 AM UTC
Philippines
Sa laro ng pag ibig, Walang mechanics, Walang rules, walang score Meron lang players. Kalaban Pero walang kakampi Malas mo kung kilala mo ung kalaban mo pero di mo kayang talunin. Malas mo kung may gustong kumampi Pero ibang laro na ang gustong laruin. Sa larong 1 on 1 Sinong aasahan? Sarili **** strategy Strategy na nakabase sa kalaban.
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 1:21 AM UTC
Laro - Sugal - Talo
Pakiusap, ngumiti ka. Yung tipong abot hanggang tenga. Yung tipong di na makikita ang mga mata. Pakiusap, tumawa ka. Yung para bang nakikinig ako sa musika. Yung ihehele ako hanggang sa makatulog na. Pakiusap, maging masaya ka. Yung hindi na nakabase sa kanila. Yung hindi na nakatali sa kamay ng iba. Pero higit sa lahat. Pakiusap, magmahal ka. Yung para bang wala ng bahid ng sugat at pasa, Yung para bang handa ka ng sumabak sa gyera. Yun lang tanging dasal, sinta. Kaya’t pakiusap, magmahal ka. Kahit na ibang tao pa.
0
Jul 17, 2019
Jul 17, 2019 at 11:30 PM UTC
PAKIUSAP.