Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naititiyak" poems
Ang babaeng maganda, alam ang kanyang hitsura. Pasimpleng tumitingin sa anumang pwedeng magsilbing salamin. Konting suklay, konting pulbo sa balat, ilang dampi ng pabango. Kung umiwas sa araw, parang bampirang malulusaw. Walang bakas ng pagod, kilala lamang ay lugod. Ang babaeng maganda, Prinsesa. Ang babaeng maganda, walang pinoproblema. Matayog ang lipad ng utak, daig pa si Icarus na nagkawatak ang pakpak. Hindi marunong tumingin sa daan, bahala ka nang mag-ingat, iwasan, huwag siyang tamaan. Gumuho man ang mundo, sa kanya lamang walang epekto. Dahil sa tulong ng lahat, naititiyak na hindi siya mamulat. Ganito ang babaeng maganda, nagmimistulang tanga. Ang babaeng maganda, puro na lang demanda. Walang labis, lahat kulang, kailangan laging nakalalamang. Kung nais magpahuli, pasensya ang hinihingi. Kapag nangunguna, “Pagbigyang daan ang Reyna!” Ito ang tama, ito ang dapat. Isinusuko ng lalaki ang lahat, para sa babaeng maganda. Walang-hiyang maldita. Ang babaeng maganda, bukod-tangi kung umasta. Bawat kilos, sukat mapaglihim, walang itinatapat. Walang kupas ang pag-ngingisi, sa likod ng maskara, naninisi. Damdaming kahapon, ‘di maasahang mananaig ngayon. Kay bilis maglaho ng pag-ibig. Kahit anong lirikong sawi, idinadaig ng babaeng maganda, na hindi marunong magtiwala. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, dahil alam niya ang kanyang halaga. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, pagka’t siya’y nag-aakalang walang ibang tulad niya. Mahirap magmahal ng babaeng maganda, kasi hindi niya alam kung paanong magmahal ng iba.
0
Jul 15, 2012
Jul 15, 2012 at 7:38 AM UTC
Mahirap Magmahal ng Babaeng Maganda (It's Difficult To Love A Beautiful Woman)

Continue reading...
60
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)