Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nailathala" poems
Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ng malaya ang mga salita Na hindi mabigkas ng mga labing tikom Sapat ang tinta nitong pluma Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili Kung may pluma lamang ang puso Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit May buhay ang plumang ito Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan Mga alaala na dala ng kasaysayan Kung may pluma lamang ang puso Maipaparating niya ang bawat pintig Ng ligaya o sakit Malaya ang plumang ito Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito Kung may pluma lamang ang puso Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan Kung may pluma lamang ang aking puso, Ikaw ang nanaising maging papel Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili Buhay ang tinta ng plumang ito At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig Na binigyang buhay ng isang pluma at papel
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:33 PM UTC
Pluma at Papel
Habang ang iba'y tulog tayo namay gising. Mata koy dilat at nanalangin sana'y ika'y maging akin Bago ipikit ang aking mga mata. Nais ko ilathala sa aking panaginip na gusto kita May mga salitang di kayang bitawan, Sa mga labi ito'y mahirap mailarawan, Kaba ng dibdib ang nangingibabaw, Sa sarili na puno ng alinlangan. Sa bawat saknong ng tula, Damdamin ay nailathala, Mga salitang hirap bigkasin, Sa taludtod ng tula nalang maihain. Sa pagsapit ng hating gabi, Kung di ito kayang masabi, Kahit sa hangin nalang maibulong, Ang mga salita ng damdaming nakakulong.
0
Mar 28, 2020
Mar 28, 2020 at 6:30 AM UTC
Hating Gabi
Mga salitang di kayang bitawan, Sa mga labi ito'y mahirap mailarawan, Kabog ng dibdib ang nangingibaw, Sa sarili na puno ng alinlangan. Sa bawat saknong ng tula, Damdamin ay nailathala, Mga salitang hirap bigkasin, Sa taludtod ng tula nalang maihain. Sa pagsapit ng dapit-hapon, Kung di kayang maka-ahon, Kahit sa hangin nalang maibulong, Ang mga salita ng damdaming nakakulong.
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 10:31 PM UTC
Salitang Di Mabitawan