Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naiinggit" poems
Di ko alam kung pano magsisimula Sa aking sasabihin,huwag sanang mabibigla Pero ang lahat ng maririnig **** salita Nagmula sa puso : sa puso kong sira Alam mo ba nung simula pa lang Sa puso ko ikaw na ang lamang Walang ibang hinihiling kundi ikaw Di ko nais na naaalis ka sa tanaw Oo , ikaw lang at walang iba Kase nga diba gusto kita? Sa puso kong ito, tunay kang nag-iisa Pero parang ang sakit sa pakiramdam Sa damdamin kong ito, walang nakakaalam Hanggang tingin lang lagi sa iyo, Minamasdan ko lahat ng kilos mo At kahit na ako'y nasasaktan, Sinong may **** Wala naman akong karapatan Kahit mamamatay na ako sa sobrang sakit, Kailangang kong tanggapin lahat ng pait Ganyan naman talaga pag nagmamahal, Sakripisyo ang kailangan para tumagal Hindi ko alam kung anong meron sa iyo, At ikaw ang tinitibok ng puso ko, Siguro nga tadhana na ang nagtakda Kaya sana iyo namang mahalata Pagkat ayokong pati ikaw ay mawala Ngunit ano nga bang magagawa? Kung sa landas ko unti - unti kang nawawala? Para kang bula na dahan - dahang naglalaho Parang ibong lumilipad na papunta sa malayo Habang ako dito ay nakatayo Minamasdan kang papalayo Madalas ako sa kanila'y naiinggit Pagkat sa iyo ,sila'y nakakalapit Madalas kayong nagkakausap At lagi mo sya sa akin hinahanap Oo, alam kong kahit di ko aminin Na pangalan mo pa rin ang sinisigaw ng damdamin, Malalaman mo rin yun balang araw Kaya mananahimik nalang at di ko na isisigaw Ano pa nga bang silbi na ipagsigawan ko? Wala ka rin namang **** sa nararamdaman ko Kaya't salamat nalang sa ala- alang iniwan Sa lahat ng araw ng masasayang kwentuhan Paalam na mahal,ayoko nang masaktan Kahit iyon ay akin nang nakasanayan Nakakapagod ding maging Tanga kaya't paalam na Sana maging masaya ka doon sa piling nya !
0
Mar 13, 2017
Mar 13, 2017 at 6:14 AM UTC
Huling Mensahe

Continue reading...
48
Ito ang kahulugan ng pangalan mo, Ikaw ang liwanag sa madaling araw, Ang unang kislap na pumupunit sa dilim. Ikaw ang simula ng umagang kay ganda, Na nagkukubli sa haba ng gabi, Habang umaawit ang magdamag. Sumalungat ang hangin sa sikat ng araw Kaya’t patuloy kang nagniningning. Tiyak na naiinggit ang mga bituin Sapagkat higit kang marikit kung ihahambing. Ang buong maghapon ay tila isang panaginip. Saan ba nanggagaling ang iyong ningning? Nagmula ka pa sa kabilang kalawakan sakay ng bulalakaw, Tila ganyan ang iyong pagdating. Sige lang patuloy kang magningning Nang magliwanag ang buhay na madilim.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 7:21 PM UTC
ANG LIWANAG SA MADALING ARAW
“Seize the moment.” ― Erma Bombeck Nagtatampo ang araw kaya hindi ito sumisikat, Hinahayaan n’yang kumapal ang ulap. Hay naku Tiyak na iiyak ang langit, babaha ang luha na Hahalik sa lupa. Nagsusungit ang buwan tila walang paglingap Sa dilim ng hating-gabi; pati ang mga bituin Walang pagtangi sa magdamag na lumilipas. Ganito ang nararamdaman ng puso ko, Nalulumbay na tulad sa araw at buwan. Gising ang diwa subalit pagod ang panulat, Gustong mag-ulat pero hindi makasulat. Naiinggit ako sa mga makatang hindi kinakapos, Hindi natutuyuan ang kanilang panulat na laging Nagmumulat. Hindi ako nagtataka kung bakit sila naging alamat. Subalit hindi ako padadaig sa lumbay, Lalabanan ko ang katamaran. Magpapatuloy ako Sa paglikha ng mga tula. Hindi ko sasayangin Ang oras na natitira sa akin.
0
Nov 25, 2017
Nov 25, 2017 at 1:38 AM UTC
NALULUMBAY
Umiiyak nanaman ang langit habang ako'y narito, naiinggit. Gusto ko rin sanang lumuha ngunit mga mata ko'y pagod na.
0
Jul 16, 2017
Jul 16, 2017 at 3:16 AM UTC
Ulan
Di ko man lang nalaman bakit, Bakit ba ako naiinggit, Ano ang aking masasapit, Di ka naman akin, di nakamit. Ako ba'y may karapatan? Diba wala naman? Pwede bang ipamukha sa akin yan? Ang katotohanang kailanman di kita makakamtan. Siguro dahil gusto kita, Mata ko'y ikaw ang laging nakikita, Ngunit sa kasamaang palad hanggang dito lamang, Ako'y hanggang sulyap lang. Wala rin naman akong magagawa, Buhay mo yan, ikaw lamang ang makakamanipula, Kaya, dito nalang ako, patuloy na hahanga sa'yo, Mananalanging damdamin ko'y madama mo.
0
May 10, 2017
May 10, 2017 at 7:20 PM UTC
Paninibugho
Hindi ko alam kung tama ba tong pinasok ko Pero ang alam ko lang masaya ako Mahal kita! Mahal mo siya! Dito palang alam ko ng dapat ko ng itigil Pero di ko kaya Nagbabakasakali pa rin na magbago ang isip at puso mo. Nagbabakasakali na mahalin mo rin ako. Oo! Tama ka! Tanga na kung tanga, mali ba ginagawa ko? Nagmamahal lang naman ako! Umaasa pa rin ako na mahalin mo. Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na mahalin ka. Pagkakataon na iparamdam sayo tong pagmamahal ko. Pagbigyan na makasama ka, Pagbigyan na pasayahin ka! Alam mo naiinggit ako skanya, Lagi kong hinihiling na sana ako nalang siya. Kaya kong ipangako sayo na mamahalin kita hanggang dulo, magkaroon man ng problema hindi kita isusuko, Pero alam kong malabong mangyari yung iniisip ko Hanggang pangarap lang. Ang swerte niya! Ang malas ko kase "walang tayo"!
0
Nov 19, 2020
Nov 19, 2020 at 12:27 PM UTC
Walang Tayo