Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nahumaling" poems
Nang ika'y naging aking kaibigan, Di ko alam kung ano ang kahahantungan, Di naisip ang mga maaaring mangyari, Basta pagkausap kita, alo'y napapangiti. Akala ko, puso ko'y manhid na, Wala nang maramdaman ni isa, Ikae mismo ang nagsabi sa'kin nyan, Di madaling kalimutan ang nakaraan. Heto na't aaminin ko na, Sa'yo ako'y totoong nahalina, Huwag mo sanang masamaing, Sa lahat ng tao, sa'yo ako nahumaling, Sa iyong mga katangian ako'y humanga, Simple **** pagkatao, talagang nakakamangha, Minsan sayo ako'y natutulala, Di na alam paano magsalita. Sa kasalukuyan, ika'y tunay kong hinahangaan, Pagkat ako sayo'y nahulog nang tuluyan, Wag ka sanang lumayo, Buhat ng mga panunukso. Ako parin naman ito, Humahanga lamang sa'yo, Di ko alam anong sasabihin ko, Basta alam kong ikaw ang gusto ko. Kung di ka naniniwala, Abay mas mabuti nga, Isawalangbahala, Itong aking munting paghanga. Ikaw, higit sa lahat, Nagpatibok nitong puso ko, pagkat, Ikaw at ikaw lamang, Ang bubuo sa mundo kong kulang.
0
May 9, 2017
May 9, 2017 at 5:59 PM UTC
Ikaw
sa pagnakaw ng tingin, atensyon mo ay bumaling. hindi mo ba pansin? malas ko, sayo pa ako nahumaling. habang minamasdan ang buwan na humimlay sa tapat ng araw na sikat, tanging nasabi ko na lang ay ewan at lumaki na lalo ang agwat. kahit asamin ko na maging akin ka, ipasasalo na lang lahat sa hangin. walang ibang salita kundi baka, nararamdamang dapat itapon na sa bangin. kaya't sa paglaya ng buwan sa araw na maliwanag. maging akin ka man, mahirap mabanaag.
0
Feb 18, 2021
Feb 18, 2021 at 10:09 AM UTC
luna
Noong nakita ka nung Agosto ako'y nahumaling Sana pala ay hindi nalang ako nagising Manatili nalang sana akong lasing O ikulong ang sarili sa gitna ng apat na dinding Ang puso ko ay nadudurog Habang ang buong mundo ay natutulog Sa gabing ito ay gusto kong masunog Bakit ba pagmamahal ko sayo'y hindi maalog Kaya kong maghintay ngunit huli na pala Ikaw lang ang nasa isip ko ng isang dekada Nalilito, nababaliw, nilalabas lahat sa tula Hindi na ba titigil itong mga luha Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon Marahil ako ay napag-iwanan ng panahon Kung magiging akin ka ako'y higit pa sa kampeon Ngayon lahat ng damdamin ko'y ikakahon Ano pa ba ang magagawa ko at masyado na'kong huli Imposible naman ako'y iyong mapili Mahal parin kita hanggang sa huli Hanggang sa magkita tayong muli Noong nakita ka nung Agosto ako'y nahumaling Sana pala ay hindi nalang ako nagising Manatili nalang sana akong lasing O ikulong ang sarili sa gitna ng apat na dinding
0
Sep 6, 2018
Sep 6, 2018 at 4:29 PM UTC
Para sa aking bituin at liwanag
Naloko na Nakangiti habang pinapanuod ka Kabisado bawat anggulo Nahumaling sa bawat ngiti mo Naloko na Sa mata **** nakakahalina Alam kong hindi kita kayang abutin Ang lohikang ay kay hirap sundin Naloko na Kokote'y hindi na ata gumagana Sa distansyang kailangan liparin Imposibleng ako'y mamahalin Naloko na Sa aking puso ikaw ang reyna Nagniningning sa suot **** korona Naloko na
0
Feb 27, 2019
Feb 27, 2019 at 10:00 AM UTC
Naloko na