Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nakakapagod ng maghintay,
Ilang linggo na rin ang nakaraan,
Pero lagi kong sinasanay
Ang puso ko sa’yo.
Iniisip na lang ang mga “baka”
Ang  listahan ng bakang...
Na baka may iba ka na
Baka naipagpalit na ako
Baka nagbago ka na
Baka kinalimutan mo na ako,
At higit sa lahat, baka nasanay ka na
nawala ako.
Baka ganito lang talaga ang ating wakas.
Kasi nasanay na ako sa mga ganitong bagay,
Kahit naman tawa at ngiti ang gusto **** iaalay,
Luha ang makikita **** dumadaloy sa aking pisngi,
Na minsa’y natago ko pa sa mga ngiti.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Kung sa puso mo’y ako’y naging isang multo.
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero palayo lang tayo ng palayo,
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero nasaan na ikaw? Nasaan na ako?
Nasaan na nga ba ang oras ng “tayo”?
Gusto mo akong maiwan sa tabi mo,
Pero wala kang ginagawa para tumabi pa ako sa’yo.
Nasaan ba ang hustisya ng aking salitang may halaga?
Na sa oras kung magbigay ka sa akin ay wala?
A ‘yan na, sa sikat ng araw ng Abril,
Nagtatapos na ang buwan, nasaan ka ba?
Eto na naman ang ating mga mata,
Hindi na naman tayo magkikita.
Pinagkakaabalahan natin at hinihintay,
O baka ako lang. Ako lang.
Nawawala na ang mga dating salita na,
“Mahal na mahal kita,
At miss na miss na kita.”
Kasi oo, nasanay ka na,
At iniisip mo na,
Nasanay na rin ako.
Kung minsanang sabihin mo ito,
Nagdududa na rin ako kasi nasanay ka na.
Tunay nga ba na mahal mo ako?
Tayo nga ba? O baka pangalan lang ito.
"Us with benefits"? Bagong parirala ba ito?
Tunay nga ba na ako ang iyong hinahanap?
Na minsa’y wala ka sa aking tabi,
Umiiyak na ako, nagwawala na,
Mas pinili mo pang iligtas ang iba.
Sinasabi mo sa akin na,
“Alagaan mo ang sarili mo lagi ah.”
Pero ano nga ba talaga ang sinasabi mo?
Ikaw pa lang ang nagsabi sa akin na
Mabuhay na wala ka. Masakit, hindi ba?
Pero, hindi na ako  magdedepende lagi sa'yo.
Natutunan ko na ang aking pagkakamali.
Nasaan ka ba noong kailangan kita?
Nasaan ang oras nating dalawa?
Hinahanap kita, mahal kong multo.
Patay na nga ba? Saan ang libingan?
O baka hinahanap-hanap kung saan-saan,
Kasi alam ko buhay pa ito. Naniniwala ako.
Minsa’y umiyak sa mga gabi,
Hanggang sa hindi na. Hindi na.
Hindi ko nang ginusto na makita,
Ang mga litrato mo sa akin..
Kasi namimiss lang talaga kita.
‘di ko mabitawan ang aking nadarama,
Kasi malulunod ako sa isipan at luha,
Kahit ano pa mangyari, hindi kita bibitawan.
Hindi bibitawan ng basta-basta.
Heto na naman, minumulto ako.
Nasaan ka? Naririnig ko ang aking puso.
Kung wala ka lagi sa aking tabi.
Multo lamang ang kasama ko,
Ang multo mo sa aking puso.
(informal Tagalog poem)
Maemae Tominio Sep 2016
sana nandito ka para nayayakap  kita,
sana nandito ka para mahagkan ka,
sana kahit kaunting oras lang  makasama ka,
mapakita ko lang kung gaano ka kahalaga.

sana noon pa kita nakilala,
sana naunahan ko sya,
di ka sana nasaktan at lumuha,
sa pagtataksil at mali nyang nagawa.

sana nabuo ako ng mas maaga,
baka sakaling nakilala kita,
hindi man kita masyadong mapasaya,
pero gagawin ko ang lahat para ika'y mapaligaya.

sana hindi nalang naging komplikado,
baka sakaling maipag mamalaki mo ko,
baka masabi mo na ako talaga ang mahal mo,
walang biro at hindi nag tatago.

sana hindi nalang kita nakilala,
para hindi na tayo nahihirapang dalawa,
pero salamat parin at dumating ka,
dahil tinuruan mo kong wag magpakatanga sakanya.

sana pinigilan ko nalang nararamdaman ko sayo,
para hindi ako luluha kapag iniwan mo,
sana hindi kita pinakinggan noong nagkagulo,
edi sana ngayon malaya na tayo.

sana kung may mag babalik ng nakaraan,
mas pipiliin kong manahimik nalang,
hindi magsasalita ng tunay na nararamdaman,
para sa huli wala ng nasasaktan.

alam kong minahal mo ko ng sobra,
pero hindi mo ba naisip  na mas mahal kita,
mas pipiliin kong maging masaya sila,
kaysa sa kaligayahan nating dalawa.

pero sa tuwing bibitawan na kita,
hindi mo alam kung gaano kasakit na mawalay ka,
kahit pigilan kong huwag pumatak ang mga luha,
wala akong magawa dahil kusa silang nagwawala.

sa rami ng pag subok na nalagpasan,
alam kong hindi pa iyon ang katapusan,
marami pang darating at dapat pag handaan,
ngunit di ko alam kung kaya ko pang labanan.

hindi ko alam kung naubos na ba ang luha ko sa kaiiyak,
dahil sa tuwing may problema ni isang butil walang pumapatak,
sanay na siguro ako sa relasyong ito,
panay iyak, away at gulo.

mahal kita kaya pilit kong kinakalimutan mga pangyayari,
kahit magulo,  alam kong sa puso mo ako'y bawing bawi,
hindi kita iiwan ano man ang mangyari,
kung iiwan man kita asahan **** ako ay uuwi.

pagpasensyahan mo na kung abnormal ako minsan,
ganto talaga ako pero masarap mag mahal,
minsan ka ng iniwan ngunit di ka kakalimutan,
bihira ka lang makahanap ng katulad ko na mapag mahal.

alam kong masasakit ang lahat ng Sanang nasabi ko,
isip ang may gusto ngunit puso'y binabago,
sana tama ang puso kong manatili sayo,
sayo mahal ko , puso ko' y sinakop mo.

#love
#chances
Mark Ipil Dec 2016
Buti nalang Sabado bukas,
Isang pinto ang magbubukas,
Upang sa wakas ay makatakas,
Gamit ang natitira pang lakas.

Matitigil na ang pagdalusdos,
Ng mga kahoy na dos por dos,
Na tiyak ang paghagupit,
Sa balat niyang may lupit.

Isa, dalawa hanggang lima,
Ang binilang na pagtalima,
Upang tuluyang makawala,
Sa mga leong nagwawala.

Ngunit sa oras nang pagtakas,
Naiwan ang mahalagang bakas,
Kaya’t ‘di naabutan ng bukas,
Ang biyernes ay naging wakas.
(Esperanza's Last Friday)
kahel Jul 2016
Tanong nila bakit daw ako nagpupuyat. Sabi nila masama daw ang magpuyat.
Nakakadami daw ng pimple. Magkakasakit ka, at kung ano-ano pa. Pero may tanong din ako sa kanila.
Masama pa din ba magpuyat, magkaroon ng madaming pimple at magkasakit kung
Ang dahilan naman ng pagpupuyat mo ay para makausap ang taong mahal mo?
May mga bagay pala talaga na kahit masama ay nakakabuti din pala sayo minsan.

Lumalalim na ang gabi, lumalalim na din ang koneksyon nating dalawa.
Mga bagay na napagkekwentuhan ay dumarami.
Mga ngiti na sa aking labi ay dumadampi.
Mga lungkot na sa pagpapatawa mo ay napapawi.
Mga ilusyon ng nakalipas ay sa akin dumadalaw.

Mga ka-abnormalan mo na nakakahawa.
Pinatibok mo pati ang puso kong kawawa.
Mga pusa sa labas na ngawa ng ngawa.
Mga daga sa aking dibdib na kinikilig at nagwawala.
Kasabay ang ating walang humpay na pagtawa.

Mga araw na hindi nakakakain para lang ikaw ay
makausap ng matagal.
Ngunit pinupuno mo naman ang aking tiyan ng mga paru-paro ng walang angal.
Mga senyales na sana ito na ang sagot sa aking mga dasal.
Ipupusta na lahat kasama ang aking dangal.
Na ikaw at ako ay hanggang kasal.

Hindi ko namalayan na ako'y nahuhulog na pala sayo sa sobrang daldal.
Na tanging bukhambibig ko na lamang ay ang mga salitang balbal.
Sa sobrang kakaisip sayo habang naglalakad ay muntik pang mahulog sa kanal.
Nakakatawa pero wag sana ako masiraan ng bait at dalhin sa mental ospital.
Nagmamakaawa at nananampalataya sa nag-iisang banal.

Madaming bagay na magkapareho tayo. Sa pagkain, sa kalokohan, sa musika, sa mga bagay na kinaiinisan.
Kahit mismo sa pananalita ay gayang gaya. Tadhana na nga ba ito? Maniniwala na ba ako sa mga kathang-isip na iyong dulot?

Hindi ko alam, hahayaan ko na lamang na ako ang dalhin ng nararamdaman ko kung saan nito ako gustong dalhin.
At mas sigurado pa ako sa sigurado na walang ibang pupuntahan kundi palapit Sayo.
Sayo na siyang dahilan kung bakit ako nagpupuyat.
kahel Dec 2016
Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto
Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo
Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo
Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko
Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto

Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay
Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay
Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay
Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay
Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay

Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina
Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina
Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala
Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla
Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga
HAN Oct 2018
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
Daniela Amor Nov 2015
Ang aking nadarama ay lumalala
O, sinta, bakit ganito na lang bigla
Puso ko tuloy ay tila nagwawala
Bumibilis lahat 'pag lumalapit ka

Sabi ng iba ay hindi tayo bagay
Ngunit sabi mo tayo ay hanggang dulo
Malagot man ang hininga at mamatay
Ikaw lang ang pinaniniwalaan ko

Maghihintay, hindi ka paaasahin
Lahat ng pagsubok ay handang tahakin
Para sa iyo hindi ako susuko
Pinanghahawakan kong mahal mo ako
Pusang Tahimik Jan 2023
?
Damdaming walang katumbas na salita
Maging sa diksyonaryo'y di ko makita
Waring humahagilap ng mga kataga
Na aangkop sa ginagawa kong tula

Ang isip ay nagtatalo at nagwawala
Ang bawat isa'y nais makawala
Aking gagapusin ng mga tanikala
Mga anyo na ako rin ang gumawa

Sapagkat hindi nga sila kayang patayin
Waring mga aninong di na kayang alisin
At sa pagdaay pinipilit ko na lamang mahalin
Kahit na taliwas pa ang aming adhikain
JGA
Crissel Famorcan Oct 2017
Sa wakas! Nariyan na ang matagal Kong hinintay
Sa mahabang panahon, mailalabas ko na ang tinatago Kong lumbay
Dumating na ang bagay na aking pinaghandaan
At yun ay ang pagbuhos ng maganda at malakas na ulan
Oo Alam Kong ****** kung pakikinggan
Pero epektibong pampagaan ng bigat kong nararamdaman
Nakatutuwa kasing pagmasdan ang nag uunahang patak nito sa lupa
Animo'y naghaharuta't naghahabulang mga bata
Maganda rin ditong isabay ang pagpatak ng mga luha
Pagkat sa ilalim nito, walang makakakita
Masayang pakinggan ang musikang gawa ng ulan
Na nagbibigay sa puso ko ng konting kapayapaan.
Ng konting katahimikan.
Ngunit sa paglisan ng bagay na minsang nagbigay sayo ng saya,
Kaakibat din ang epektong sadyang nakapangangamba
Pagkat sa pagtatapos ng ulan ay may baha
Sa pag alis ng mahal mo nama'y mayroong mga luha
Kung paanong sa bagyo ang bahay ay nasisira
At sa paghampas ng hangin, ang mga puno'y nagwawala
Ganoon din ang puso mo, ngunit wala kang magawa
Pagkat siya ang bumitaw sa higpit ng iyong kapit
Siya ang umayaw sa pilit **** paglapit
Siya ang sumuko sa pagmamahal ng tapat
Samantalang ikaw handa pa ring patawarin ang lahat.
Katangahan.
Yan ang pinairal mo sa matagal na panahon
Yan pa rin ba hanggang ngayon?
Imulat mo ang iyong mata
Sa pagpapanggap nila,huwag kang padadala.
Taltoy Jan 2018
Di na maitatanggi,
Bakit pa ba ikukubli?
Ano pa ba ang dahilan?
Bakit pa ba magmamaang-maangan?

Alam natin ang totoo,
Ngunit pinilit nating isantabi ito,
Nag-uusap bilang magkaibigan,
Pinag-uusapan ang mga hinahangaan.

Alam kong alam mo,
Alam **** ikaw ang gusto ko,
Ngunit di ka nagpadaig,
Kahit na sa tingin ko'y minsan kang kinilig.

Sa bawat pag-uusap, nagpaparinigan,
Mga bagay tungkol sa taong hinahangaan,
Subalit kilala naman natin sila,
Sa katunayan, kilalang kilala.

Ngayong gabi, ako'y naglahad,
Ng mga damdaming sasabihin **** nasagad,
Mga sitwasyon kung saan di mapalad,
Mga sitwasyong sa iba ang isa't-isa  napadpad.

Mga landas nga kaya nati'y magiging isa?
O magtatagpo lamang at humayo na sa isa't-isa,
Walang may alam sa atin kung ano ang tiyak,
Sa  mga sa landas na kasalukuyang tinatahak.

Mananaig kaya ang tadhana?
O ang damdaming nagwawala?
Ano kaya ang magtatagumpay,
Sa pag-ikot ng gulong ng 'ting buhay.
Pusang Tahimik Sep 2021
Waring bihag na nais makawala
Sa gapos ng isang tanikala
At kahit walang mga salita
Ang tinig sa isip ay nagwawala

Ganap mo akong pinapatay
Unti-unti sa iyong mga kamay
Sa tuwing ako'y nasasanay
Sa aking ngiting hindi naman tunay

Marahil isa akong magaling na artista
Ikaw ang derektor sa pelikula
Ibibihis ang nais **** maskara
At ang puso ko ang iyong obra maestra

Hahayaan na lamang na ako ay hiramin
Waring manikang lalaruin
At kung magsawa na sa akin
Maaari mo na ba akong palayain?

-JGA
M e l l o Aug 2019
pilit na ngiti
ang iginawad ko sayo
sabay sabi ng pangalan mo
nanginginig na mga kamay
nakatago sa likod ko
ang mga daga sa loob ko'y
nagwawala
ganito ang epekto mo sa sistema ko
hindi lang halata
ayaw ko kasing makita mo
kung gaano ako kahina
pagdating sayo
ang mga kalamnan ko
na halos nanamlay
nang makita ang mga ngiti mo
kahit asiwa
marinig ang boses mo
maliban sa telepono
andito ka sa harapan ko
puso ko'y kabado
utak ko na blangko
kung ano sasabihin ko
ang boses kong pagal kasi nerbiyoso
hindi ko alam kong ano gagawin ko
habang naglalakad tayo
tinatanong mo ako
kung kamusta na ba ako?
ang sagot ko sayo ay
ayos lang ako pero
kung alam mo lang
hindi ako sigurado sa sagot ko
matatawa ka at sasabihin **** nagbibiro ako
sana nga biro lang ang lahat ng 'to
sa sobrang seryoso ng nararamdaman ko
natatakot ako para sa sarili ko
nahuhulog ako ng sobra sobra sayo
hindi ko alam
kung kaya kong bumangon
sa kababagsakan kong bangin ng emosyon
na sobrang lalim na para bang pati katinuan ko
kaya nitong higopin pati kaluluwa ko
Ah sobra na
hindi ko man lang naisip kong
pareho ba tayo nang nadarama?
sana naman umamin ka
pipilitin ko na lang itatago ang lahat ng 'to
baka sakali hanggang sa dulo ng buhay ko
maiibabaon ko sa likod
ng pagpapanggap ko
na sinabi kong ayos lang ako
nung kinamusta mo
mga ngiting pilit na nakikita mo
kay tagal kong ininsayo
sa harap ng salamin
habang walang tigil sa pagpatak
ang mga luha ko
I wrote this for my friend. Aug. 12
Virgel T Zantua Aug 2020
Sa dilim ng aking pag-iisa
Halos gumuho na ang pag-asa

Hinuhusgahan at kinukutya
Tinatawanan at minumura

Mga salitang lason ang dala
Sa pagkakamaling naging sumpa

Na kumakain sa pang-unawa
At kaisipan na nagwawala

Nanlalamig ang puso't gunita
Hindi maibigkas ang salita

Sino nga ba ang maniniwala
Sa sinasabi at ginagawa

Sa dami ng mga kumokontra
Na sa pagkatao'y sumisira

Mga pagkakamaling nagawa
Ipinipilit ko na itama

Ngunit kinukulang ng unawa
Ang damdamin nilang natutuwa

Ilaban ma'y walang magagawa
Mali pa rin ang ginawang tama

Lumalalim ang sugat na dala
Lumalatim ang sinasalita

Pinipilit nito na magiba
Ang natitirang paniniwala

Gabay ng pananampalataya
Ang nagpapatibay na gumawa

Upang pagkakamali'y itama
At maging ganap ang nakatakda

Ang pagsibol ng bagong simula
Umpisa ng isang kabanata ...
Ace Antonio Jan 2019
Una
Nasaan ka?
Sa bawat hakbang
Ika’y hinahanap.

Nasaan ka?
Sa bawat lingon
Ay ‘di masilayan.

Nasaan ka?
Sa bawat tingin
Sana’y makasama.

Nawawala
Nagwawala
Hanggang kailan
Ikay hanap hanap.

— The End —