Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
CulinViesca Jun 2017
Sa una hindi magkakilala Na para bang
sanggol na walang alam sa isat-isa.

Nahulog ang damdamin na parang patak ng isang luha.
Sina lubong ang umaga na magkasama.

Ngayo'y Pinapanatili namin ang init sa isat-isa inaalala
ang sumpaan at ang pangakong aming binitawan.

Dumaan man ang Dilim hawak kamay
sasalubungin ang umaga na kung saan kami nagumpisa...
-ClN

#Poetry
Jhie Feb 2018
"ikaw lang at ako, yan ang pangakong binitawan mo,
ikaw lang at ako pangako hanggang dulo
ikaw lang at ako pangako yan mahal ko. "

hindi ko na maalala kung kaylan at paano nagumpisa
pero ang sakit at sugat sa puso ay sariwa pa.
minahal kita ng totoo at sobra sobra
maski nga para sa sarili ko ay hindi na ako nagtira

naaalala mo pa ba noong tinanong kita
miss pwede ba kitang mahalin?
nagbiro ka pa nga "pwede, wag mo lang angkinin"
ilang buwan din kitang sinuyo at pinaglaanan ng pansin
at sa wakas aking sinseridad ay iyong binigyang pansin

ilang buwan din ang lumipas biglang nagiba ang pagtingin
ako ba ang nagkulang o sadyang may iba ka na giliw?
at akin ngang nalaman buhat sa isang kaibigan
ako pala'y walang karapatan
sapagkat hindi ako ang orihinal

mahirap man pero kailangang tanggapin
eto ang kinahinatnan na bigay ng kapalaran
ang tanging tanong ko lang
bakit ganun naman
tao lang ako
nagmahal ngunit nasaktan

akala koy tunay pagmamahal **** pinakita
yun pala'y  isang huwad at nakamaskara
ang iyong pagibig na ipinupunla
sana'y inamin na ng mas maaga
upang hindi na umasa pa
na may isang taong darating upang aking makapiling

— The End —