Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagtatawanan" poems
Ako'y nahulog sayo hindi inaasahan sayo'y magkakagusto akala ko kaibigan lang kita pero mayroon palang hihigit pa Ika'y nagkukwento tungkol sa inyong dalawa kita ko ang iyong pagkagalak sa iyong mga mata at tuwa sa iyong labing mapula hindi mo alam ako'y nasasaktan na pala Gusto ko mang mag selos ngunit wala akong karapatan Masakit mang isipin ngunit yuon ang katotohanan Ako'y nasa gilid habang kayo'y pinagmamasdan masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan Tila pinagtagpo ng panahon para magkatuluyan at ako ito na tinakda para maiwan at masaktan
0
Dec 7, 2015
Dec 7, 2015 at 7:00 AM UTC
Kaibigan
Ang istorya nati’y parang liham... Sisimulan ko sa panimulang pagbati. Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala. Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa. Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata, at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba. Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo. Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”, at ang pinakaimportante sa lahat, Panimulang Pagbati. Dito nagsimula ang lahat. Nagsimula sa simpleng chat, na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”, at mula noo’y nagbago ang lahat. Ito na yung susunod... Katawan. Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan. Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan, sa mga corny pero sweet nating banatan. Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan. Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa. Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa. Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama, yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya. Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit... ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon. Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”. Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako, at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho, hanggang sa dumating na sa puntong... Ito na ang huling pagbati. Ngunit... Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain... Ang Lagda. Sapagkat ito ay simbolo. Simbolo na tapos na ang lahat, at tinalo na ng emosyon ang ating lakas, at isa rin itong uri ng pag-uulat, na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.
0
May 16, 2019
May 16, 2019 at 8:22 AM UTC
Liham

Continue reading...
39
Nakatingin ako ngayon sa mga ulap, Na kung saan nakakawala ng kalungkutan, Na kung saan sabay tayong nakatingala Nagtatawanan,nagkukwentuhan, Naaalala mo pa ba kaya? Noong makilala kita? Mga panahong malumbay ka At wala kang masasandalan Lumapit ako sayo non' at nagpakilala Pinatawa kita nang mapawi ang lungkot mo Pagkatapos nakalimutan mo ang problema mo Kaya nagpakilala ka din sakin Hanggang sa sumunod na araw Lagi kitang nakikita nakatanaw Sa mga ulap at mataimtim na humihiling Na sana magkita tayo muli. Salamat sayo ulap Sa pagtatapos ng araw Sabay ulit tayong titingin sa ulap at sabay na hihiling na sana magkita tayo muli
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 7:38 AM UTC
Ulap
Naaalala mo pa ba? Minsan din tayong naging masaya. Nagsimula sa pagkakaibigan, Nauwi sa walang pansinan. Naaalala mo pa ba? Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan, Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan. Naaalala mo pa ba? **Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin. Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.** Naaalala mo pa ba? Mga kalokohang napag-uusapan, Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan. Naaala mo pa ba? Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan, Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan. Naaalala mo pa ba? Na minsan din tayong naging magkaibigan, Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan, Marahil ngayon ay nagtatawanan. Maaalala mo pa ba? Kung ako'y nagawa mo nang iwan, Siguro'y kailangan na ding kalimutan. Maaalala mo pa ba? Kung ikaw ay akin nang bibitawan, Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan. Maaalala mo pa ba? Humihilingin na maalala mo parin sana.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 10:59 PM UTC
Magkaibigan
Ang kwento ng isang Pag-Ibig Minsan masaya at minsan malupit Minsan masaya pag kasama mo siya Minsan malupit kasi mayron siyang iba, Ang sinabi niya sa iyo, mahal ka niya Yung kabila naman, mahal rin daw niya Ikaw naman itong si super tanga, Nalaman mo na nga, nagbubulag-bulagan pa... "Mahal kita" ibinulong niya sayo, Kinilig ka naman, bati na agad kayo Niloko ka niya, sabay iiyak iyak ka, Sino itong bobong nagpapaniwala sa kanya... Nakipagkita siya sayo, Nagsorry, nagmakaawa at muling nangangako, Pagtalikod mo tumawa bigla etong si demonyo, Napaikot ka muli, yun pala walang nagbago... Nabalitaan mo ang buong katotohanan, Heto ka, umiiyak at muling nangangatwiran, Kesyo mahal mo siya kaya di mo maiwan, Kahit yung mga tao sa paligid mo nagtatawanan. Kaya para sayo ito aking matalik na kaibigan, Sana matauhan kana sa iyong kamartiran... Yang sabi **** mahal mo, di siya kawalan, May mas hihigit pa jan, yan ang dapat **** tandaan! ©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 6:26 AM UTC
Di na Natuto
Simulan nating magbilang Simula isa hanggang walo Simulan nating bilangin ang bawat patak ng ulan Kung saan tayo masayang nagtatawanan At hindi pa nababahiran ng kahit anong Sakit at pagdududa Simulan nating bilangin ang mga bituin sa itaas Kumikinang, nagbibigay liwanag Sa mga mata **** nanlalabo na At alam nang hindi na kayang ituloy pa Simulan nating bilangin ang bawat pahina Ng isang kwadernong punong puno Ng masasayang alaala, Ngunit isa na lang masakit na nakaraan Simulan nating bilangin kung ilang beses tayong Naging tayo, simula nang magtapat kang Ako'y iyong gusto Simulan nating... kailangan pa ba nating simulan? Masisimulan ba ang mga bagay na alam **** magtatapos naman? Masisimulan ba ang mga bagay, kahit hindi ka sigurado, Ay alam **** hindi naman tatagal? Simulan nating itanong, Bakit ako? Bakit hindi na lang iba ang sinaktan mo? Bakit hindi na lang yung isang babaeng umiinom ng kape sa gilid O kaya'y nagbabasa ng libro sa kabila. Bakit ako? "Mahal kita." Hindi naman talaga sa pagbibilang nagsimula ang lahat Hindi naman sa numero, o sa ulan, o sa bituin Dalawang salita... Dalawang salita lang at nagsimula na ang lahat Dalawang salita kung saan ang ako at ikaw ay naging tayo Dalawang salita kung saan natapos din ang lahat Simulan ulit natin, Simulan natin, sa kung ilang kataga ang sinabi mo Nang ika'y umalis Simulan natin sa dalawang salitang sinabi mo sa kanya Habang ako'y hindi nagbibigay ng atensyon Simulan natin, sa kung paano natapos Ang nabuong ikaw at ako. Simulan natin, hanggang dito na lang.
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:27 PM UTC
Simulan

42
Katabi kita Masaya tayo ngayon Sabay tayong kumain Sabay tayong pumasok Sabay tayong humihigop ng kape Sabay tayong umuwi Nagtatawanan tayo Akap akap kita Para matanggal lahat ng kalungkutan mo Pinagsasabihan mo ako ngayon Tungkol sa mga binebenta ko Tinutulungan mo akong Mapukaw lahat ng kalungkutan ko Ngunit Lahat ng ito'y Imahinasyon nalamang Dahil parang mga mata ko nalamang Ang tayo dahil Malabong mangyare na muli lahat ng iyon
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 7:54 PM UTC
Imahinasyon