Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagsusuot" poems
Higit isang taon na rin ang nakalipas Nang lisanin ang bansang Pilipinas Upang subukan ang buhay Sa lugar na kung tawagin ay Dubai Naalala ang galak ng pagpunta dito   Nang sa kalaunay puro na reklamo Paano naman kasi ang mga Arabo Minsan lang maligo sa isang linggo Dagdag pa ng klima na sobrang init Pawis mo'y abot hanggang singit   At kung taglamig naman ay pumasok Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok   Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na   Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda   Pero kahit ganun ang katulad nila Gusto ko ang kanilang pananampalataya Sa diyos na tinatawag nilang Allah May oras talaga pag nagdarasal sila   Akala ng marami buhay dito ay maganda Di lng nila alam kami'y nangungulila Sa pagmamahal na ipinabaon   Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon Tila ang bilis ng mga pangyayari May mabuting resulta kaya sa bandang huli Lahat ng sakit, pagod at pighati   Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi Kung lahat ng ito'y isang panaginip Ayoko na talagang maidlip Hay... buhay Dubai nga naman Sana nga may patutunguhan...
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Buhay Dubai
Itaas na ang bandera at iwagayway Iharap pababa sa mga naglulupasay Dito magsisimula Ang pagkuha ng retrato Dito magsisimula Ang pagkuha ng “selfie” Sa pagtunog ng isang “click” Ay makukuha ang atensyon mo, Maaaliw ka, Mabibighani’t mapapatingin At tila pag kumukuha ka ng retrato Ay ikaw ang pinakamaganda Sa naglalakihang lente na nasa screen Sa pagtunog ng isang “click” Ay mapapangiti ka Photogenic daw, ika nga At sa pagkatapos lagi ng mga ito Ay mawawala nalang bigla Na tila nagsusuot ka ng antipas Tuwing nakangiti nagpapakuha ng retrato Sa pagtunog ng isang “click” Ay mag aayos ka Magpapagwapo’t magpapaganda At tila isa itong contest At kailangan ikaw ang pinakamaganda At sa pagkatapos nito Ay titignan mo kung nadaig mo ba sila Ngunit bakit ikaw na hindi naman kumukuha ng retrato Ay tila nagiging isang kodak o kamera Na sa tuwing tumitingin ako sayo ay tila makukuhanan ako ng retrato Na tuwing nakikita kita, wala mang click, ay titingin ako sa mga mata mo na tila lente ng kamera
 Sa paglapit mo saakin Ay makukuha mo ang atensyon ko, Maaaliw ako, mabibighani’t mapapatingin At tila pag kasama kita Ay wala akong mahiling Kundi ang patigilin ang oras Para manatili sa piling mo Ngunit bakit kapag nasa iyo ang atensyon ko Ikaw ay nakatingin naman sa iba Hindi ang pagiging nandito ko ang tumatakbo Sa munting isip mo, kundi siya Sa paglapit mo saakin Ay mag aayos akong bigla Magpapagwapo o magpapaganda At tila isa itong contest Na kailangan madaig ko siya Pero parang hindi ko kaya Dahil kahit kailan hindi ko madadaig siya At kahit na gaano mo pa ako lapitan Siya parin ang magiging malapit dahil sa kariktan At ako ay maiiwan sa alon ng pag-iisa Sa paglapit mo saakin Ay mapapangiti ako Lalabas ang mga ngipin Na tila nasa isang patalastas ako ng colgate Ngingiti At ngingiti lang Ngunit sa likod ng mga ngiting ito Ang tinatago ko ay luha Mga luha na hindi ko ninanais na makita mo Sanhi ng simula mo ‘kong paasahin Mga luha na pinili kong itago mula sa’yo Dahil alam ko rin naman na hindi mo ito papansinin Hindi ka naman kodak na itinataas ko
Ngunit bakit pakiramdam ko ay nakatingin ka saakin pababa Habang ako’y nasasaktan at nagluluksa At sa pagtapos ko ng piyesang ito Ang tanging hiling ko lamang ay Mga retrato na maaaring itabi Dahil nag uumapaw na ang mga mata kong gusto nang matuyo Itaas na ang bandera at iwagayway Iharap pababa sa mga naglulupasay Dito magtatapos Ang pagkuha ng retrato Dito magtatapos Ang pagkuha ng “selfie”
0
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 11:15 AM UTC
Selfie

Continue reading...
76