Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagsisinungaling" poems
Ang sabi sakin ni Mama, *"Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi."* Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit). **Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan. Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.** Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa." Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa. Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari  ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit. Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 3:25 AM UTC
Alay (spoken word)

Continue reading...
8
Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal Na tila ba ang bilang na pilit ibinubunyag ang parehong bilang na ibabawas sa kabuuan ng aking pagsinta Mahal, okay lang; ikaw ay aking naiintindihan Alam ko kung paano ang paulit-ulit na pananakit at pagkabigo sa digmaan ng pag-ibig ay walang iniwan kung ‘di abo ng pag-aalinlangan at pagkukumpara sa mga bagong kasintahang ipinalit sayo Alam ko ang lasa ng pait na sumasalubong sa iyo sa bawat paghinga Kung kaya’t nung iyong tinanong ay walang magawa kung hindi ika’y pagmasdan Titigan ang bakanteng mga matang wala nang mailuluha Mga kamay na pagod na kabubuhat Mga labi na wala nang ibang alam bigkasin kung hindi “patawad”kahit hindi alam kung para saan Wala akong magawa kung hindi ika’y pagmasdan Dahil alam kong hindi mo na naririnig ang anumang salita maliban kung ito’y “paalam” Kaya hayaan **** ipadaan ko na lamang sa pagyakap ng hangin at pagbati ng mga bituin ang mga katagang isinusuka ng iyong mga tainga Kasi mahal, mahal kita At hindi ako titigil hanggang sa makita mo ang parehong taong tinatawag kong akin Hayaan **** punan ng umuumapaw kong pag-ibig ang natuyong lawa ng iyong pagmamahal Pagmasdan mo kung paano pagsasama-samahin ng araw-araw na aking pagyakap ang pira-piraso **** puso na nagkalat At alam kong pagod ka na kahihintay sa mga tunay na bagay kung kaya’t pinipili mo na lamang ang mga “pwede na” Pero andito na ako, At mahal, pangako, tapos na ang pag-aabang Hindi lahat ng nagsasabing mahal kita ay nagsisinungaling Minsan **** itinanong sa akin kung ilan na ang aking minahal Tinanong kita kung ilan na ang nanakit sayo Sabi mo, isa At saka binanggit ang sariling pangalan sabay sabi “tapos na”
0
Jul 23, 2016
Jul 23, 2016 at 3:25 PM UTC
Ilan Na

21
i. Init ng araw sa iyo'y nakatapat Init ng pakiramdam'y akala mo Sa araw na ito nanggagaling Ito pala'y sa awiting pinapakinggan Kabagabagabag. ii. Lumamig na kape Ng dahil sa erkon Lumamig na damdamin Nag iba na ang hangin iii. Pagsasayang ng oras Akala ay magsasama na Tayong ligaw ngunit Parehas ang daan Ngunit maghihiwalay rin sa huli Kinabukasa'y maghihintay muli iv. Salamat sa halos anim na buwan Masyado akong nasaktan Sa mga nasambit **** mga salita Ng iyong bibig Na hindi nagsisinungaling. v. Isang gabing puno ng musika Isang gabi ng hiyawan Kantahan At hiyawan ulit Palakpakan Kantahan Di makakalimutan Ang sandali Sa uulitin vi. Mga malulungkot na kanta Nakapagpapaligaya sa aking tenga Malulungkot na kanta Masasayang nota Pinagsama Akala mo parang tanga Hindi, hindi. vii. Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan
0
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 5:33 AM UTC
Mula Lunes Hanggang Linggo
maniwala ako sa'yo sa mga kilos mo maniwala ako sa'yo sa mga salita mo maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi mo mga bukambibig mo galing sa iyong mga labi na hindi nagsisinungaling maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi ng galaw mo na siyang nagbibigay pag-asa aasa laging umaasa na sana totoo nga na sana totoo na lang na sana totoo ka na sana wag kang matakot na sana wag kang magtago maniwala ako sa'yo sa mga sinasabi mo binibigyan kita ng tsansa para maniwala na ako sa mga sinasabi mo sa mga kinikilos mo maniniwala ako naniniwala ako sa'yo
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 4:51 AM UTC
maniwala
Translation follows mahal kong tequila, iniibig kita. ako'y pinakamaligaya kapag kasama ka. at sa 'yong piling ako'y nahuhumaling walang ibang hinihiling, wala ring nagsisinungaling. mahal kong tequila, mahal ka ngang talaga. kung ika'y naging mura, pagkain ka ng masa. dahil sa 'yong piling wala nang problema calamansi at asin ang tanging kasama. masarap pa siguro kung boyfriend kita. aba, Jose Cuervo.. ang ganda pa sa mata! *Rough translation: My beloved tequila I love you. I am happiest In your company. In your embrace I find extreme closeness appealing No more requests, No one lies. My beloved tequila I've paid for so dear. If you'd have been cheaper, The masses would cheer. Because in your embrace Problems are no more Lime and salt Are our only companions. It would be a treat If you'd be my boyfriend. Hmm, Jose Cuervo.. The name fits!*
0
Jul 14, 2011
Jul 14, 2011 at 8:44 AM UTC
oh, tequila
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Napakadaya nang buhay,Kanya-kanyang palusot para tumakas at maglakbay Nagsinungaling ang tadhana ganun nga ba ang dahilan kung bakit sarado ang bintana Tunog lang ang iyong naririnig , dahil hindi mo pedeng husgaan ang nasa loob ng kanyang bibig Nagtataka ka dahil wala kang ebidensya sa mga narinig , Subalit umaatake padin ang mga daga sa dibdib Nanginginig , dahil di ka sigurado sa tono , tama nga siguro ang hinala ko Nakakalungkot lang isipin sarili nating kaibigan,kamag-anak,kapatid Ay nagsisinungaling upang makamit ang kasiyahang dapat talagang ilihim Ang daya naman dito , gusto ko nalang tumakas dito at ipunas ang mga luha ko na hindi mo makikita dahil nakatago sa dilim Balang araw dudungaw nalang ako sa isang butas na gawa sa abaka, At tatakasan ang ilusyong mundo at maglakbay sa reyalidad
0
Feb 19, 2018
Feb 19, 2018 at 12:53 PM UTC
Ah Baka ? Bintana
Heto at dumating na nga At ako ma'y din nabibigla Ako ay napagod na Sa kaytagal na pag-iisa Malapit nang gumuho Ang pader na itinayo Napagod na sa katatago Ang malambot na puso Teka muna saglit Kailan nga ba lumuha ulit Nang ngiting nagpupumilit Kahit sobra nang sakit? Oo nagsisinungaling ako Nang sabihing okay lang ako Hindi kasi pweding sabihin sayo Dahil nasanay nang itago ito Napapagod na ako Sa kalungkutang ito Napapagod na ako Sa pag iisa Kong ito. - JGA
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:26 AM UTC
Napagod na
Kaynipis ng hangin sa paligid Kahit pa bentilador ay nakatutok sa magkabilang gilid Nangangamba sa mga taong kasama sa silid Naway tiyak nga ang aking lingid Ngunit di nagsisinungaling ang mga senyales Kahit na hindi na isulat pa sa papeles Tiyak ang paghinga na may pagtitiis Na tila inaagaw ang hangin na kay nipis Pinarurusahan nga yata ako Sapagkat sobrang nakalimot na nga ako Maging sa pagkain nauuna ang subo ko Kaysa pasasalamat at dalangin ko Tiyak na nga, tiyak na nga... Masakit ang ulo sa paghiga Barado ang ilong magkabila At pang amoy ko'y wala na nga Ako ba ay makatatagal kaya? Tanong sa isip na nawawala Sa wasto dahil masakit na nga Diyos ko bahala ka na nga!
0
Jul 28, 2020
Jul 28, 2020 at 9:40 AM UTC
Covid na nga kaya?
Isang mababaw na bokabularyo, Mga simpleng kahulugan, Bawat araw, umiikot sa isang siklo, Ano nga ba ang hangganan. Alin nga ba ang totoong pagkatao, Ano nga ba ang mga hinaing at gusto, Ano ba ang mga inspirasyon, Ano ba ang aking layon. Malalim na bangin, Binabalot ng dilim, Ako ba ay naliligaw, O paglisan ay ayaw. Habang tumatagal, Nawawalan ng saysay, Nawawalan ng pananaw, Nawawalan ng kahulugan. Tingin ko ako'y mababaw, Mula sa malayong tingin, Baka nga totoong mababaw, Subalit sa sarili'y nagsisinungaling.
0
Aug 9, 2021
Aug 9, 2021 at 8:28 AM UTC
Mababaw
Maaaring nagsisinungaling ang mga makata. Nalilimutan ko na ang tunog ng iyong tawa. Pinipilit maalala ang iyong tinig sa tuwina. Tulungan mo akong maalala. Baka nga sinungaling ang makata. Inuukit sa isip ang mga salitang binitawan. Binabaybay sa tula, binubuo sa iyong wika. Tulungan mo akong gunitain ka. Baka nga isang krimen ang sumulat ng tula. Kada letra ay lenggwaheng naglalakbay, Kada pahina ay anod na di matatangay. Tulungan mo akong lumutang. Baka nga kriminal ang maging makata. Nalulunod sa tinta ng pagkalumbay, sa ilalim ng alon ng paghihintay. Tulungan mo akong tumula.
0
Nov 22, 2024
Nov 22, 2024 at 1:23 AM UTC
Anong Magagawa Ng Tula?