"nagsindi" poems
*Halina kayong lahat at makinig!
Magdikit-dikit at magkapit-bisig!
At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos
ng isang dakilang puting kandilang upos.*
Dito sa ating liblib na barrio
Nakatago ang isang kandilang puti
Labis na mahaba;
ang pasensya
na tila kayang hintayin
ang walang hanggan.
Ngunit labis na manipis;
na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis.
Dumating ang araw na kinailangang sindihan
ang dakilang puting kandila
sapagkat nawala at napundi na
ang ilaw ng tahanan.
Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa
ay hindi sadyang nakapaso ang kandila
subalit ang nagsindi
ay 'di napigilang magalit,
pilit na pinutol ang kandilang puti
sa gitna at ito'y nangalahati.
Walang nagawa ang kandilang mayumi
kundi iiyak ang mainit nitong pagkit
ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag
buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag.
Ilang araw nangyaring muli
ang pagpasong hindi minimithi
ang kandilang puti'y
patuloy pa ring nangangalahati
ngunit ang liwanag sa barrio'y
sa kanya pa rin nanggagaling.
Dumating ang araw ng kandila
na hindi na maaring kalahatiin.
Unti-unting sumuko na rin
ang mahaba nitong mitsa.
Sa huling sandali,
ay hindi na nakapagpigil
ang mapanghimok na nagsindi.
Buong lakas na nag-ipon nang hangin
Buong pwersang sumigaw sa kandila.
Ang kandila'y 'di na nanlaban
at nagtuloy nang manghina.
At sa huling bulong ng nagsindi,
ang liwanag ng kandilang puti ay napundi.
*Halina kayong lahat at makinig
Magdikit-dikit at magkapit-bisig
sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan
ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 1:12 PM UTC
sabi ko sa sarili ko ayoko na talaga sa bisyo
ngunit heto nanaman ako
nagsusunog ng baga ko
eh ano naman magagawa ko
wala ka na sa piling ko
inaalala ang mga pangako ko na napako
umabot na sa huling buga ko ng usok mula sa sigarilyo
itinapon ko na ang hawak ko at nagsindi muli ng bago
sana ganon nalang kadali ang makalimot at pagpalit ng taong mahal mo
dudukot sa kaha at sisindi ng isa
ang hirap din kasi ng ganito
laging mapagisa
pero hindi
hindi ko kayang limutin ka
kahit ilang yosi ang ubusin
kahit ilang kaha ang bilhin
ganun pa din
sayo parin ako dadalhin
ng mga usok na ibubuga ko sa hangin
-r.g.
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:40 AM UTC