Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagsamo" poems
ipinikit mo ang iyong mga mata. sa ikatlong gabing katutulugan mo nang basa ang iyong unan, nagsamo ka ng mumunting hiling, sa lihim **** paghikbi, dinama mo muli, kung paano ang maging kulang at mawala sa sarili **** mga pagkakamali. ang mayakap ang sarili sa gabi, ay ganti sa katawang hapo mula sa buong araw na pagpapanggap, na mas ibig mo ang umaga dahil sa ligaya nitong dala. ang isayaw ang anino sa himig ng pag-iisa, ay paglaya ng isipan mula sa buhay **** mga bangungot sa ikatlong gabing kinatulugan mo nang basa ang iyong unan, nagsamo ka ng mumunting hiling, mahanap mo nawa ang galak sa paggising.
0
Apr 6, 2020
Apr 6, 2020 at 10:00 AM UTC
ikatlong araw (pagtangis)