Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagrereklamo" poems
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas, mga taong gumagawa ng batas, ngunit ang hustisya'y hindi patas, 'pagkat sa kanila ang batas ay may butas. "TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan, mga taong inaasaahang maging huwaran, sa panahon na sila'y ating kinakailangan, ang tanging naitatanong ay "saan?" "TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula, mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika, pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula ang mga sagot ay tanging paghuhula. "TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo, mga takot sa hinaing at nagrereklamo, mga tutang kinain ng koloniyalismo, sa ibang bayan sila ay tila maamo. ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik, patuloy kang umimik, sa hustiya at paglaban ay maging sabik, sa mga mapanakot huwag magpapitik. ipagpatuloy ang pagiingay, sa masa ika'y sumabay, magising ka sa iyong malay, pagkamakabayan huwag sanang mawalay. huwag **** hayaang kunin ang boses natin, 'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin, mag-salita ka pa rin, hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin. ialay ang mo ang salita mo sa mamayan, ikaw ang maging tunay na huwaran, susunod na henerasyon iyong ipasan, mag-ingay sa kahit anong paraan. "TAHIMIK!" ani ng taong bayan, sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian. "TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan, tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
0
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
tahimik
Dalawang mga mata sabay sa pagpikit Ayaw pagmasdan ang iyong sungit Sa pangkaraniwang nilalang Nakipagusap ka ng libang Nagpadungis ka sa sala 'Di na mababalik pa Humahalina ang iyong halimuyak, kasabay ng hangin Sa tainga ko ay nagrereklamo at nagsasabi ng habilin Ang munting bulaklak na regalo para sa' yo ay kulang na sa pansin Iyong luhang nagtagal na sa iyong pisngi ay mabuting tanggalin Narito na nga ang iyong hinahangad na pagmamahal
0
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 2:43 AM UTC
Kapit II
Ingay ng paligid Ang sa akin umaaligid Pagpasok sa silid Tahimik ay mababatid Pinto ay ikakandado Nang walang makaistorbo Katahimikan ay mabubuo Nang walang nagrereklamo Kama ang higaan Unan ang sandalan Himpapawid ang tititigan Nang katahimikan ay makamtan Ngayon handa ng makipagsapalaran Sa isang kalaban Na ikaw lang ang may kinalaman Sa kaniyang pinagdadaanan Siya ay lumalaban Nangangailangan ng kaibigan Nang katahimikan ay makamtan At laban ay mawakasan Sa silid na iyong pinasukan Kayo ay magtutulungan Nang inyo ay mapagtagumpayan Ang isang tahimik na laban Laban na kayo lang ang nakakaalam Lakas ay ipapahiram Upang ating mapagtagumpayan Ang kinakaharap na laban
0
Jul 24, 2020
Jul 24, 2020 at 8:49 AM UTC
Tahimik na Laban