"nagpupumiglas" poems
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.
Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.
Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.
Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.
Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.
Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.
Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.
Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.
Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.
Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
"KORNI"
Naglakbay,
naglibot,
naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito,
ngayon,
tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan.
Ngayong
nagtagpo tayong muli,
hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa,
hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na.
Mahal kita,
hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila,
patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal.
Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman,
patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan,
ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon
ikaw pa rin ang aking mahal.
Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang,
kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam,
sabihin
at ipakita na ikaw
at ikaw lang ang tanging mahal.
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:25 PM UTC
Langhap.
Kumuha ako ng isa galing sa inalok **** kaha,
Hinawakan ko 'to na tila bang nakasanayan ko na,
Naka-ipit sa hintuturo at hinlalato,
Nilagay sa aking labi,
Hinihintay ang pagsindi mo nito,
Nilapit ko ang sigarilyo sa sumasayaw na apoy upang magsalubong,
Bago lumanghap,
Ramdam ko ang puso kong kumakarera sa kaba
Tila bang nagpupumiglas lumabas,
Langhap.
Ubo.
Buga.
Langhap.
Ubo.
Buga.
Hawak ko ang isang kahang inaalok ko sa'yo,
Nasa bulsa ko ang isa pa na uubusin pag-uwi,
Kumuha ka ng isa,
Sinindihan,
Ako ang lumapit habang nakasabit sa'yong labi
Na tila bang naghihintay kang sayawan ng apoy,
Langhap.
Buga.
Langhap.
Buga.
Hawak ko ang kamay mo na tila bang ang tagal na natin nagsama,
Nakakapit, ayaw bumitaw, parang dalawang bagay na ginawa para magsama
Hinintay ang tamang oras,
Nilapit ko ang sarili ko sa'yo,
Umaasa na marinig mo ang tibok ng puso kong kalmado,
Nagsalubong ang ating mga labi.
Sa wakas,
sa wakas.
Buga.
Lumipas ang ilang linggo,
Tinigilan kita.
Hindi dahil sa gusto ko pero dahil sa sinabi nila na hindi ka nila gusto
Sinabi nila na nahulog ako sa'yo ng husto
Hindi ko alam na kasalanan na palang mag mahal ng sobra
Isang buwan nakalipas,
Hinahanap ka na ng kamay kong wala ng kinakapitan,
Ng labi kong wala ng hinahalikan,
Ng mga baga kong naghahanap ng usok na naging tama para sa kalusugan,
Hinahanap kita.
Tatlong taong nakalipas,
Tumigil na akong maghanap.
Buntong hininga.
Tinanggihan ko ang isang sigarilyong nakalawit sa kahang inalok mo,
Inipit ang aking mga labi,
Pinigilan ang sarili,
Pinigilan ang pagpapapumiglas ng puso kong hinahanap ka pa rin.
Naglakad ako palayo,
huminga ng hangin na tila bang bago pa rin sa'kin
Sa wakas,
Hindi na kita hinahanap.
Sa wakas.
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 4:41 AM UTC
Nang mahimasmasan bumulagta ulit
Ang sampal ng ipu-ipo ay kay lupit
Nilulupig ang ungas,walang patawad
ni mangmang hinahatak at saka ibabagsak
Ang diablo ay nasa parabola
nakatitig sa sentro ng pinangyarihan
mangyari na maligaw sa mga pahina
didiretso sa rurok ng bundok na mapanlinlang
Huling sigaw ng mga nilalang
matubos ang kanilang kasalanan
Iba'y kumakapit sa sungay
may buntot ng unggoy
at dila ng ahas
Talangguhit ng kahihinatnan sa katapusan ng siglo
Ang panambitan sa huling liriko
Di matapos-tapos na pag-iiling
Ang pagsimangot ay pansapin
Dahil sa panimdim, ang kwaderno'y pinuno
Makapal ang kaliskis ng sakob nito
Mga taludtod na nagpupumiglas
ang dinidikta ng saloobin
Dec 19, 2018
Dec 19, 2018 at 4:29 AM UTC
Maaari na ba 'kong magsulat muli?
Wala nang pagkakaiba ang pula at puti
Sa dilim na bumabalot unti-unti
Lalamunin ng dagat ang buhanginan
at tatapyasin ng hangin magulo kong isipan
Maghihimutok ang buwan sa araw na nagdaan
na hindi ka sinuyo o kinausap man lang
Aaraw na sa mga susunod pang oras
Tutuyuin ang pag-agos ng ilog na marahas
Walang direksyon ang kamay kong nanginginig
Nagniniig, sumisikip, kumakapit sa malamig na ukit
ng paghaplos ng mga mata sa larawan mo
Nagtatalo, nagpupumiglas, ang hawlang banat at butas
Lilimutin ko ang kapayapaan ng iyong mga labi
na walang sinambit na salitang ihahabi
Ang oras na hinintay upang masabi
na darating din ang huli at takipsilim
Babalutin ka't kakanlungin sa aking lambing
Hindi ka na mag-iisa't lalasapin ang ligaya
Katulad **** nalulumbay mag-isa ako dito sa'king hukay
Hawakan mo naman ako sa aking pagkakahimlay
Sa bituin **** kumikislap ako'y natatangay
Nawawalan ng malay kumakaway sa ngiti
Nawawala ang pighati't lumalaya ang mga berso
Kumakawag sa lalim ng karagatang inilimlim
Ako sa hangin na para bang inakay na naghihintay
Naghihintay pa rin at nalulumbay kung wala ka
Para bang hindi nauubusan ng salita
Lumalamang ang hiya na kahit kailan Mayroon bang sapat upang mahalin ka't hangaan ang iyong bawat galaw
Bawat perpeksyong hindi alintana ang mali
Sa inpatuwasyon ng pagkabulag ko
Hindi nakita ang pagbagsak
ng luha ng tuhod ng balikat sa kaba
Sa isang iglap naglaho ka na akala ko ba
Ako ang nang-iwan sa ginaw kong aba
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 10:33 AM UTC
Madilim ang paligid at umiiyak ang langit
Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi
ang lahat ng kinikimkim na galit
Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait
At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit,
Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid
Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan
Doon sa isang gilid,
Hinayaan kong kumawala
Ang nagpupumiglas na mga luha
Na itinago ko ng panahong napakahaba
Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa
Kulungang ako mismo ang lumikha.
Tapos na ang panahon ng pagpapanggap
Panahon na upang harapin ko ang reyalidad.
Patila na ang ulan at paubos na ang luha
At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa,
Ay uusbong ang bagong simula
Uusbong ang bagong "ako"
Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago
Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw
Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw
Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan
Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban
Sa aking pagtahan muli akong ngingiti
Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali,
Taling pumipigil sa aking aking paglago
Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako"
Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo
Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:40 AM UTC
sa takipsilim
ating pagniigin
ang dalawang pusong nagpupumiglas
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 9:29 PM UTC
Bakit sa unang buwan ng pagsasama'y napakahigpigt ng pagkakakapit mo saakin tapos ngayong mag tatatlong buwan na'y tila ba parang isang presong sabik na sa buhay sa labas kaya, gustong kuwala pilit na nagpupumiglas dahil gustong makalabas at lumaya?
Aug 27, 2020
Aug 27, 2020 at 3:00 PM UTC