Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpupugay" poems
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin? Simula't sapul hanga ako sa iyong angking Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing Napukaw mo ang aking damdamin Noo'y di lingid sa aking kaalaman Ikaw pala ay aking magiging kaibigan Usap nang konti, tawanan sandali Marupok na puso'y pilit winawaglit Mali bang ika'y aking pangarapin? Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin Konting asaran na lang at ako'y matatangay Sa iyong mga matang laging nagpupugay Ngunit sabihin man nating gusto kita Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa Takot masira kung anong meron tayo Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Mga Hindi ko Masabing Salita