Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Virgel T Zantua Aug 2020
Sa dilim ng aking pag-iisa
Halos gumuho na ang pag-asa

Hinuhusgahan at kinukutya
Tinatawanan at minumura

Mga salitang lason ang dala
Sa pagkakamaling naging sumpa

Na kumakain sa pang-unawa
At kaisipan na nagwawala

Nanlalamig ang puso't gunita
Hindi maibigkas ang salita

Sino nga ba ang maniniwala
Sa sinasabi at ginagawa

Sa dami ng mga kumokontra
Na sa pagkatao'y sumisira

Mga pagkakamaling nagawa
Ipinipilit ko na itama

Ngunit kinukulang ng unawa
Ang damdamin nilang natutuwa

Ilaban ma'y walang magagawa
Mali pa rin ang ginawang tama

Lumalalim ang sugat na dala
Lumalatim ang sinasalita

Pinipilit nito na magiba
Ang natitirang paniniwala

Gabay ng pananampalataya
Ang nagpapatibay na gumawa

Upang pagkakamali'y itama
At maging ganap ang nakatakda

Ang pagsibol ng bagong simula
Umpisa ng isang kabanata ...
Dhabie Mar 2021
Daming hiling na nais marinig
Hiling na minimithi
Hiling na maliit pero nagpapasaya
Hiling na nagpapatibay

Minsay akoy humiling at sa daku netoy natagpuan ko ang bagay na nagdala ng kerot at pighati
At ang hiling ay naging  mapait

Pumapait ang bawat pagbato ng kataga na na animoy isang madilim
Na kahapon na nais **** iwaksi

Naway sa bawat hiling ay mapakingan
Sapagkat batid lang netoy kaligayahan.
Dimo man mabasa saluubin ko sana mabasa ko ng kaparehas kong napako

— The End —