Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
renielmayang Jul 2018
Sa isang babaeng nakasalamin na may brace ang ngipin
Pasensya na kung ako sayo'y
May pagtingin
At itoy hindi na lihim
Pagkat ikay hanap hanap ka ng aking
Paningin
Simula ng una kitang napansin
Pagkat ang ganda mo ay nag aagaw pansin
Gusto sana kitang limutin
Kaso sa
Pusot isip ko ikaw parin
Kaya pasensya na kung ako sayoy nagpapansin
Hindi ko naman hiniling
Na ikay maging akin
At akoy iyong ibigin
Ang sa akin lang gusto
Ko lang maiparating itomg bugso ng damdamin.....
(Isang metamorposis ng damdamin)
FSP+

Sa simula’y isa lang akong munting uod,
Gumagapang sa mga sanga ng opinyon,
Hinuhusgahan sa bawat hakbang,
“Bakit ka ba ganyan? Mali ka na naman.”

Kapag nag-iwan ako ng komento,
Sinusuklian ng tanong—
“Wala ka bang alam?”
Parang lahat ay kritiko, wala ni isang kaibigan.

Kapag ibinuka ko ang pakpak ng damdamin,
“Wrong grammar,” anila,
Na para bang damdamin ay dapat tama ang baybay.
Hindi raw sapat ang puso kung mali ang anyo ng salita.

At nang sinubukan kong manahimik,
Inakusahan akong bato—
Walang puso, walang pakialam.
Samantalang ako’y nagpapahinga lang sa sarili kong lungga.

Unti-unti, ang kalituhan ay naging balot,
Isang kokon na pumulupot sa aking katauhan.
Doon ako natutong umiyak nang walang ingay,
At umasa sa paglipad kahit di pa sigurado kung kaya.

Ngunit heto ako ngayon—isang paruparong alanganin,
May pakpak nga ba talaga o panaginip lang din?
Dahil kahit sa paglipad, may tanong pa rin:
“Masyado kang mataas… o baka naman nagpapansin?”

Ano ba talaga?
Sa bawat yugto ng aking pagbabago,
May tanong na kasabay,
Kaya’t sa gitna ng aking metamorphosis—
Ako’y nalilito pa rin…
Wrong grammar

— The End —