Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapamakata" poems
Hindi mo ba napapansin itong aking lihim na pagtingin, Bakit parang sayo ako’y para lamang isang hangin? Ako ang iyong kasama ba’t sa iba ka nakatingin? Nasasaktan, nagdurogo itong puso't damdamin. Hindi ko man nasabi pero akin namang pinadama, Di mo ba nahalata o sadyang manhid ka lang talaga? Kailan ba magbubukas sa akin ang puso mo sinta? Ganunpaman maghihintay sayo kahit masakit na. Oo napakalaki kong tanga na inibig pa kita Kasi magkaibigan lang tayong dalawa dapat diba? Eh paano ko pipigilan, puso kong ni kupido’y pinana? Ito nga’t nakagawa ng tula, para sayo nagpapamakata.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 10:00 PM UTC
Lihim kong Pagtingin