Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpapakalunod" poems
Napabuntong-hininga na lamang Tila ba tumatakbo ang bubutil na pawis sa noo niya Sasabak na naman si Tatang sa gyera Pilit binuhat ang sakong mas mabigat pa sa kanya Marupok na ang mga buto Ngunit hindi ang puso Ang wika nya, "Walang hindi gagawin para sa apo." Si Nena, sampu na ang anak Hindi na magkanda-ugaga Iiyak ang isa, gutom naman sa kabila Sa sususunod na buwan, malapit na siyang manganak Ang ama ng mga bata, naroon sa kanto nagpapakalunod sa alak Sabi nga nila, walang hindi gagawin ang magulang para sa anak. Tanghaling tapat na, almusal pa rin ang hinahanap Natulala na lamang si Nena nang malaman, ang tatay niya'y patay na -Tula X, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:22 AM UTC
Tula X
Ikaw at ako Oo, ikaw at ako na magkahawak ang mga kamay Ikaw ang lagi kong nakikita para bang ikaw ang bukang liwayway Ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking buhay Ikaw Ikaw ang paboritong titigan ng aking mga mata Ikaw lagi ang laman ng aking isipan Ikaw lagi ang nakikita sa umaga hanggang sa pagtulog Ngunit, nakikita mo rin ba ako? Ikaw Oo, ikaw Ikaw na may hawak ng aking mga kamay Ako Ako? Ako na nakatanaw sa'yo na may ngiti sa iyong labi Nakakatawang isipin na sana'y sa akin mo inaalay Natatawa ako sa aking sarili malamang kayo rin Ako lang pala ang nagpapakalunod sa aking mga guni-guni
0
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 10:28 AM UTC
Ako Lang Pala