Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagpaikot" poems
'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit mo habang pinipilit **** tanggalin ang iyong kamay sa aking kamay 'wag mo kong kalimutan' mga katagang sinambit noong panahon na ang mundo natin ay nagtatagpo sa isang segundo lamang 'wag mo kong kalimutan' mga katagang nagpaikot sa atin na ating pinaniwalaan at pinagtibay ngunit ang tadhana'y mapaglaro ngayon ang katagang ito ay winasak tayo pinaiyak at dinurog sa isang segundo lamng ngayon ang katagang ito ay isang uri na lamang sa katagang nilimot ng ating panahon at kinakalimutan  natin ngayon
0
Jan 5, 2018
Jan 5, 2018 at 4:53 AM UTC
wag mo kong kalimutan
ang mabagal na takbo ng ambon 'tila ba ay may ibang pahiwatig katawan ay unti-unting inahon sapagkat sayong mata ay naantig. sa bilis ng bugso ng bagyo na nagpaikot sa aking tingin, kusang pumunta patungo sayo at sa balikat mo ako ay 'yong diniin. mumunting butil ng luha ang umagos habang yakap ang tanging inalay. naisin mang sumigaw ngunit paos tanging sa hawak mo lamang ako hihimlay kaya't sa huling patak ng rumaragasang ulan, hinanap kita pero huli na ang lahat. para kang tubig ambon na sa akin lamang dumaan, matamis sa una ngunit sa huli'y umalat.
0
Feb 16, 2021
Feb 16, 2021 at 8:49 PM UTC
patak
Hangal na humahagilap ng salapi at material Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal Lubusang lumayo sa inaasahang pangako Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako? Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog Gising nga ngunit patuloy na natutulog Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog? Dakila nga sa lahat ng mga hangal Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal Ano ba ang nais **** parangal Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal -JGA
0
Jan 10, 2022
Jan 10, 2022 at 8:40 PM UTC
Dakilang Hangal
Dumating ka sa buhay ko, sa di inaasahang pagkakataon. okay naman ako nung wala ka. Ayos lang naman ako sa mundong ginagalawan ko nung wala kapa. Pero hindi ibig sabihin na di ko ginusto na makilala kita. kasi kung makikita mo.. ikaw ang nagpaikot sa isipan ko. Bakit nga ba hindi pwede ? Bakit hindi maaring maging tayo ? Bakit hindi pwedeng mahal kita at ang mahal mo ay ako ? Bakit kailangang hanggang magkaibigan lang ? Anong mali ? Yung lugar ba ? yung pagkakataon ? panahon o ako ? Sa bawat minutong nagdaraan ang pinapangarap ay ikaw. Sa panaginip  ay halos laging ikaw ang laman. Sa panaginip na tanging lugar na may ako at ikaw. Tayong dalawa lang hanggang sa ako'y magising sa katotohanan. Bakit nga ba hindi pwede ? Bakit hindi maaring maging tayo ? Bakit hindi pwedeng mahal kita at ang mahal mo ay ako ?
0
Apr 23, 2019
Apr 23, 2019 at 6:50 AM UTC
Bakit Nga Ba Hindi Pwede?