Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
032317

Saan ka na?
Mahal mo pa ba ko?
Ano bang nangyari?
Galit ka ba?
May nagawa ba ako?
Nagbago ba?
Wala na ba?

Sa dami kong tanong,
Tila sumuko ka nang magbigay ng kasagutan.
Ang agang nawala yung sabi nating
Sana'y pangmatagalan.

Paalam, pero biglaan
Hindi ko naman inasahan
Na sa ikaapat na pagkakataon
Bibitaw ka, mauuna ka na naman.

Paalam, pero akala ko nagpapalipas ka lang ng sandali
Akala ko kakayanin ko pang maghintay
Sa bawat oras na walang pagkukunwari.
Heto na naman, ba't ba ako yung natatalo palagi?
Ba't palaging luha't sakit na lang sa huli?

Yung "mahal kita" na sabi **** hindi nakakasawa
Ayun, nawala na lang nga ba nang kusa?
Tinanong kita, kung may iba na ba?
Ang sabi mo, magtiwala ako, pero bakit nga ba?
Bakit nga ba nawala ka?
Iniwan mo na ba talaga ako?

Naghintay ako ng paliwanag mo
Pero kahit isang mensahe, may natanggap ba ako?
Isa lang naman yung hinihintay kong sagot,
Pero wala at ba't pag sa akin na'y tila ika'y nababagot?

Tumatakbo na lang akong mag-isa;
wala ka na kahit sa anino man lang.
Hindi ka na nagparamdam pa,
Ganun naman lagi, sana'y kahit paalam na lang.

Iniisip ko sasalubungin mo pa ba ako
Iniisip ko kung may babalikan pa nga ba ako
Meron pa nga ba? Yan ang tanong ko.
Parang lahat nagbago na,
Pati ako, tila limot mo na.

Iniisip ko kung paano yung mga plano natin,
Paano na? Eh balewala na ako sayong paningin.
Makakasama pa ba kita ulit?
Parte pa ba ko ng buhay mo?
O nasabi mo na lang na "tama na."

Pasensya, kasi hindi ko ata kaya
Ilang beses ka na kasing nawala
Ilang beses na kasi akong lumagapak sa kawalan
Bumangon naman ako pero lagi **** binabalikan.

Tinanggap naman kita, nagtiwala naman ako sayo
Pero ba't ngayon nasaan na ba tayo?
Gusto ko nang umuwi at makita ka
Pero wala ka na eh,
Wala na pati yung pagmamahal mo.

Babalik ka ba? May hinihintay ba ako?
Wala ka kasing sagot, kahit ano pang gawin ko.
Gusto kong sabihin sayong, wag mo kong iwan
Na sana manatili ka naman
Na sana kahit ngayon lang naman.

Pero wala, naubos na ako
Wala na akong laban at talo na ako.
Oo, hindi ko tanggap lahat
Oo, ngayon lang to kaya ibabagsak ko na rin lahat
Ibabagsak ko na kasi di ko na kaya
Di ko naman maayos yung puso mo kung wala na talaga
Kulang pa rin yung pagmamahal ko sayo
Kulang pa rin, kaya natalo na naman ako.

Nakakapagod na kasing iyakan ka
Nakakapagod na kasing isiping may "tayo" pa.
Na ikaw na yung pinapangarap ko,
Pero hindi pa rin pala kita maabot.

Hindi naman kita pinakawalan,
Pero ba't mo ko binitawan?
Sana sinabi mo agad
Sana pinaliwanag mo
Kasi di ko maintindihan
Di kita maintindihan.

Pero kung may ibang sana akong hiling:
Kung aalis ka man uli,
Sana'y magpaalam ka man lang
*Sana sabihin mo, *para bumitaw na rin ako.
Crissel Famorcan Apr 2017
May isang bagay na nais kong sabihin
May mga salita akong nais na bawiin,
Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin
Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin
Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan?
Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan
Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam
Ipinangako na pipilitin kong maparam
Na pipilitin kong mawala
Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula
At mas lalong di ko alam kung paano mawawala!
Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin?
Bakit ba kay hirap nitong tanggalin?
Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo
Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo
Lahat na yata ng paraan ginawa ko
Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko
Kanina lang kausap ulit kita
Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga
Nagsasalita na ako dito mag isa
Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka
Mga kasama ko bigla na lang napapanganga
Eh ano bang **** nila?
Minsan na nga lang maging masaya,
Papakialaman pa ba?
Minsan na nga lang magkaroon ng sigla
Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa,
Kaya salamat talaga at nariyan ka
Picture mo pa lang ang laki na ng epekto,
Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto
Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw
At puso na walang ibang sinisigaw
Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw
At magdaan man ang maraming taon
O lumipas ang mahabang panahon,
Ikaw lang at walang iba
Sasabihin ko lang naman talaga
Gusto kita.
110315

Binilang ko ang rosas na akala ko'y
Nagpaalam na buhat sa maagang pagkalanta nito.
Akala ko'y pag namukadkad uli'y limot na ang dati,
Pero tila nagkakamali pala ako
Sa paghimay-himay ng pahiwatig.

Hindi ako manhid
Pagkat ramdam ko pa rin ang tinik
Sa paghawak sa ubod ng rosas.
Pero iniinda ko ang sakit
Pagkat ganoon naman talaga,
Nilikha siyang may tinik bilang proteksyon niya.

Pag pinagmamasdan ko ito,
Alam kong hanggang tingin lang ako.
Pagkat pag pinitas ko'y agaran na naman itong malalanta,
Hindi ko naman maiuuwi ang kariktan nito.
Mas kaakit-akit kasi siyang tingnan
Pag kasama ang mga katulad niya.
Muli, hanggang titig na lang,
Ganoon rin ang paggalang ko sa kanyang Hardinero.

Alam ko ring iba ang tipong klima nito,
Medyo sensitibo kahit na
Di ko naman papalitan ang kinagisnang lupa.
Hindi ko naman siya bubunutin nang basta-basta't
Aangkinin kahit may ibang nag-aari sa kanya.
Sa katunayan, laging nais ko siyang masilayan,
Kahit na alam kong iiwan niya rin ako
Sa dapithapon o kaya kinabukasan o sa makalawa.

Pag kinunan ko siya ng larawan,
Kaya ko siyang titigang muli,
Alaala na lamang sa iisang papel ang aming sandali.
Pagkat pag muling babalikan ang pasong nagkalinga,
Iyan, wala na puros dahon na lamang,
Maghihintay na naman sa tamang panahon
Nang muli ko siyang masilayan.
Ram B Nov 2021
paalam
ayoko mang sabihin, pero
paalam
masakit man isipin, pero
paalam
marami akong tanong, pero
paalam
di ko maintindihan, pero
paalam
bakit ganun
bakit ngayon
bakit di ko man lang
naramdaman
bakit di ka man lang
nagpaalam
I am saying goodbye, but why?
kingjay Dec 2018
Dapat mahigitan ang bilis ng segundo
Matarok ang hangganan ng langit
Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang
Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran

Itatwa ang pagkabuhay sa mundo
Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo
Sawimpalad sa kinabukasan
Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog

Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik
sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga
Mayroong kislap ng liwanag,
agiw sa sulok- nag-iisa

Yakapin ang talim ng punyal
Kay sarap masaktan, sa peligro humantong
kaysa malayang namumuhay
Ano ang kahalagahan ng buhay
Ang obalo na hubog ay binabaybay

Pakawalan ang ibon na nasa hawla
Huwag na umasa na babalik pa
Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
Bryant Arinos Aug 2017
Sa totoo lang, kayayari ko lang nitong tulang ito kanina
Dahil fresh na fresh pa ang lahat.
Fresh pa rin ang sugat.

Ewan ko, basta lang ang alam ko malinaw lahat sa akin ang bawat letrang pinili ko sa tulang ito.

Dahil ito ang nararamdaman ko
Dahil nga kasi ito talaga ang naaalala ko
At dahil nga kasi ito talaga ang totoo.

"Yung Feeling na Kayo, Pero hindi"

Siguro nga Feeling lang ito, siguro nga yung "Feeling" na to ay simbolo ng pagiging assuming ko.

Kasi hanggang ngayon
Iniisip ko pa rin kung bakit
Walang "Tayo"

Pero sige babalikan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan
Hayaan **** balikan ko ang mga nangyari at ipaalala sayo ang lahat
Lahat ng mga matatamis at mapapakla na alaala

Sana maalala mo kung paano ako umasa ng mayroong tayo.

Naalala ko pa nung una kitang nakita. Yung una kitang nakilala.
Nung nagtanungan tayo ng ating mga pangalan
Yung panahong inaalam kung saan ang ating tinitirhan.
Oo tandang tanda ko pa, yung mga panahong una kang nagpaalam na uuwi ka na.

Unang beses kang nagpaalam.

Pagkatapos nun, natatandaan ko pa noong muli tayong nagkita.
Nagkamustahan pa nga tayong dalawa.
Nag-apir pa tayong dalawa.
Para na tayong close nun.

Nagtagal ang mga araw, lumipas ang mga linggo.
Nagkakilala tayo ng lubusan.
Nalaman ko lahat ng mga paborito  mo.
Nalaman ko lahat ng mga ginagawa mo
Nalaman ko lahat ng mga sikreto mo.
Ang hindi ko lang nalaman ay kung totoo ba ang nararamdaman mo.

Dahil pagkatapos ng ilang buwan pinadama mo sa akin na sa tuwing nagkikita tayong dalawa
Walang mintis ang pagyakap mo sa akin.
Walang mintis ang bawat pagngiti mo sa akin
Walang mintis ang lahat ng ipinadama mo sa akin.

Kaya Feeling ko, totoo na iyong lahat.

Muli ko pang naalala lahat ng pinagsamahan nating dalawa
At naaalala ko pa yung mga panahong nahihiya pa tayong tumingin sa isa't-isa

Pero ba't mas naaalala ko yung unti-unting paglihis palayo ng iyong mga mata?

Naaalala ko rin ang bawat haplos mo sa kamay ko, naalala ko yung pagsalit-salit ng daliri natin sa ilalim ng araw.

Pero ba't mas naaalala ko ang mga panahon ng iyong pagbitaw.

At tandang tanda ko pa nung yumakap ka sa akin at ang pagyakap ko sayo.

Ngunit ang naaalala ko ay ang pagkawala mo sa mga bisig ko.

Mula noon.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung totoo ba
Ang mga salitang binitawan mo
Noong sinabi mo na ako rin ay mahal mo.

Masakit.

Masakit na sinabihan mo akong mahal mo ko pero di mo kayang iparadam sa akin iyan ng totoo.


Kaya ngayon.
Kung babalik ka man.
At ipapadama sa akin ang nakaraan.

****-usap.

Wag na.

Dahil malapit nang maubos ang betadine na gamot sa sugat na iniwan mo.

Sa madaling salita

Malapit nang maubos ang lahat ng meron ako,

kaya kung babalik ka man ****-usap muli wag na.
mahal, ayoko nang masaktan sa parehong paraan.
M e l l o Jul 2019
Nakatingin na naman
sa malayo
habang tahimik
na tinitingnan
ang palubog na araw
dito sa tagpuan natin
ako'y nag-iisa na naman
Mga alaala mo
tahimik na sumasabay
sa ihip ng hangin at
sa unti unting pagbaba
ng araw sa parang

Hanggang kailan ako aasa
sa posibilidad na bukas
ay muli kang makakasama
Hanggang kailan ako
maghihintay
Kasi unti unti na kong
nalulumbay
matagal pa ba?
ako'y naiinip na
pakisundo na lang
ako pag oras ko na

Araw araw
walang mintis
dumadalaw dito sa tagpuan
masuyong hinahaplos
pangalan mo'ng nakaukit
sa bato
mga naggagandahang
bulaklak na gusto mo
ay dala dala ko
bukas ulit
andito na naman ako

Sana nung nagpaalam ka
pinigilan kita
kung hindi lang ako tanga
sana naagapan ko pa
hindi ko alam
yun pala ay huli na
Huling pagkakataon na
makita ka
Huling pagkakataon
na makasama ka


Matagal pa ba?
ako'y naiinip na
pakisundo na lang
ako pag oras ko na
Another poem of the day.
kahel Jan 2017
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan
Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan
Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan
Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan
Na tanging sayo lamang ilalaan

Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam
Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam
Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman
Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam
Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam

Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan
Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian
Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan
Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan
Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan

Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba
Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida
Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida
Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana
Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata

Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool.
Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon
Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo
Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon
Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
TJLC Oct 2014
Nahihirapan akong huminga
Kakaisip sa kanya
Saan ba siya nagpunta?
Hindi man lang nagpaalam.

Nagdadabog kasi 'di ka nasilayan
Hawak-hawak ang sarili kong kamay
Nag-iisa sa buhay
Wala na akong kasama.

Pero sa
Isang
Pagkakataon
Dumating ka

Hindi ko na kinaya
Mahirap palang itago ang saya
Kaya nang humarap ka sa akin
Nalaman kong
Masarap mabuhay kasi
Sa 'yo lang ako nagkakamalay
#tula #philippinepoetry #paghihintay #buhay #pag-ibig #oras #hanap #filipino
Ryan Joseph Aug 2019
Buhay, buhay ko ay simple lamang,
Ngunit noong ika'y dumating,
Pati halos lahat sa buhay ko'y nagbago na,
Patis oras binubuhos at binibigay para sa'yo,
Kahit pawis at pagod at duguan ang kahitnatnan ay ipinagpatuloy parin para lamang 'sayo.

Iba talaga pag mahal mo ang isang tao,
Halos lahat ng mga importanteng bagay ay balewala lang sa'yo;
para lang mapasaya mo ang isang tao.

Buhay ko ay naging masayahin, ngunit ito'y biglaan nang nabigo.

Nabigo ito dahil ikaw ay lumisan man lang ng biglaan at hindi nagpaalam,
Hindi ka nagpaalam dahil wala namang tayo,
At higit sa lahat,
I'm just a stranger on you.
#justastranger
012517

Wag mo akong sanayin
Habang hawak mo ang mga kamay ko --
Mga kamay na tila hinulma para sa isa't isa
Mga kamay na alam kong ayaw nang bumitaw sayo.

Wag mo akong sanayin
Habang yakap mo ako --
Yakap na matagal kong ipinagkait sayo --
Dahil natakot ako
Natakot akong yun na ang una't huli.
Ilang beses akong tumanggi
Kasi alam ko ring hindi ko mapipigilan
Ang pag-agos ng luha sa nga mata ko.
Ayoko kasing ikaw yung sumalo
Sa pagal kong mga matang ilang beses nang nagpatalo.

Wag mo akong sanayin
Habang sinasabi mo ang mga salitang "mahal kita."
Pagkat sa bawat sambit mo, natatakot ang puso ko
Napupuno ako ng kaba
Na baka bumitaw ka na namang bigla.

Wag mo akong sanayin
Habang sumasandig ako sayo
Ilang beses na akong nagpaalam sayo
At hindi ko rin alam kung may babalikan pa ba ako.

Wag, baka masanay na ako
Masanay na lagi kang nandyan
Masanay na hindi ka bibitaw
Masanay sa pagmamahal mo
Masanay at muling **masayang ang lahat.
Pero kahit pa, masanay man ako o hindi. Bumitaw ka man ngayon o bukas. Kahit pa at kahit na, kasi alam kong pinili kita. Alam kong mahal kita. Alam kong totoong mahal kita. Kaya kahit sinasabi kong wag, sana yung isang wag ang tandaan mo: wag ka nang bibitaw pa.
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
Franz Jan 2017
‘Para **’.
‘Yan ang sambit ng mga pasahero
sa t’wing sila’y magpapaalam.

Magpapaalam sa tapat na tsuper,
na sila’y nalalapit nang magpaalam.

Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo,
Na ako’y magpapaalam na.

Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan,
Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y
pupunta,

Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan.
Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho,

Tangay ang daan-daang mangingibig.
Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo.

Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring
parangalan,
Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’

Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep,
Sa bawat pagpihit ng kambyo,

Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa,
ay unti-unting nawawalan ng sigla,

Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa,
Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala.

Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan,
Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam.

Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig,
at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan,
tumakas at nagpaalam.


"Para, para sa inyo…
Ay hindi. Para sa’yo."
darkangel Oct 2018
unan ang naging kaibigan sa tuwing ako'y luhaan
unan ang naging sandalan sa panahong ika'y nagpaalam
gabi-gabing umiiyak, kahit ano-ano ang sumasagip sa isipan
salamat at palagi mo akong dinadamayan sa oras ng kawalan
indecentmaria Mar 2021
Jew
Isang linggo
Isang daan at dalawang pu na oras.
Mga salita mo'ng buo.
Ang bumuo sa puso ko.
Natakot ako na baka hindi ko masuklian
Nakalimutan kung papaano.
Umatras, umayaw, nag paalam ako.

Nanatili ka. Sumugal ka.
Sinabi ko, hindi ko pa kaya.
Ayaw ko pa, pasensya na.
'Di ka na muling nag tanong.
Unti-unti ng nawala
Ang mga salita mo'ng bumubulong
sa puso kong umaambon.

Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong.
"What went wrong?"
Mga salitang lumabas sa bibig ko.
Ang salita na gustong itanong sa'yo.
"I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo.
Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan.
Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang.
"Naiintindihan ko. Pasensya."
'yan lang ang mga salitang binitawan ko.

Nagpaalam tayo sa isa't-isa.
Paulit-ulit na paalam, pero bakit?
Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina?

Dumating ang Marso,
Kinausap kita.
Nagtawanan pa tayo. Kamustahan.
Hanggang sa humingi ako ng patawad.
Pinatawad mo ako.
Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo?
O huli na ba ang lahat?
Limang oras tayo'ng nag-usap.
Limang oras na nagkukulitan.
Nakikinig ka pa rin sa'kin.
Ganoon pa rin, parang walang nagbago.
Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko.
Kung pwede pa ba?
Tinanong kita ulit.
Paulit-ulit.
Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng
"Mahal kita"
"Pasensya ka na. Meron na akong iba."
"Mas mahal ko siya."
"Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na."
"I already have mine."
"Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako."
At yan ang mga sagot mo.
To Jew, probably this will be my last message for you. Paalam. Gusto ko rin na lumigaya ka. Mahal kita. Hanggang sa muli.
50 At masayang nagpaalam ang dalaga
Sa nag-iisang pauwi na binata

51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan
Agimat inihandog ng babaeng kasintahan

52 At sa kanyang daan pauwi
Panibagong halimaw sumalakay muli

53 Ito naman ay sa itaas nagmula
Isang bulalakaw na hugis dalaga

54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit
Dumampi sa lalaki ang katawang mainit

55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang
Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang

56 At sa isang saksak ng espada
Bulalakaw naglahong parang bula.

-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 177
Random Guy Oct 2019
nang iwan mo ako
isa lang ang tangi kong natandaan
'yon ay ang poste sa daan

hindi ko natandaan ang 'yong mga titig
ang 'yong mga salita
ang 'yong mga hawak
o ang 'yong tinig

isa lang ang tangi kong natandaan
'yon ay ang poste sa daan

kulay dilaw ang ilaw nito
sakto sa halik n'ya sa labi mo
sakto sa luhang pumapatak sa mga mata ko

kaya hindi ko na natandaan kung paanong titigan mo ako
pagtapos mo s'yang hagkan

at hindi ko na rin matandaan kung paanong ang buka ng bibig mo ay
"patawad"

kaya't hindi ko na rin matandaan kung paanong ang dalawang magkahiwalay na poste sa daan
ay mistulang lugmok sa kalungkutan
dahil sila ang saksi sa pagmamahalang magpapaalam

ilang araw man ang lumipas, o buwan, o taon,
paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko
sa tuwing dadaan sa poste sa daan
dahil yun lang ang tangi kong natatandaan
dahil sila ang saksi sa pagmamahalang nagpaalam.
kingjay Jan 2019
Paano matataho ang kanyang damdamin
Sino ang tinutukoy niyang minamahal
Bakit niyakap bigla
Malalim na ang gabi nang nagpaalam
Tinutugis ng kalituhan

Isang dapit-hapon, habang naglalakad
Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada
Ngunit walang sinuman ang nakapuna
Buong aparisyon nga ba

Sa bulaklak ng gumamela,
dalawang paru-parong itim ay nakita
na dumapo at lumipad nang sabay
Sino kaya ang susunduin ng kamatayan

Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam
Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan
ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan
Ang mga nailimbag ay
" Lupa't langit ay nakahanay
    Tila'y magkarugtong parang itong      
    buhay"

Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim
Minamasdan ang ama na humihilik
Hawak-hawak ang panyong itim
Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip
Denise Sinahon May 2020
Sabi nga nila walang permanente sa mundo
Para saakin nman ito rin ay totoo
Ngunit hindi porket nagpaalam na sa iyo ang isang tao
Mawawala na siya ng buong buo
Dahil maiiwan naman ang mga ala alang inyong nabuo
Ang tulang ito ay para sayo
Oo para sa taong nagbabasa nito
Dahil sayo nabuo ko ang tulang ito
Gusto ko lang na malaman mo
Na bitawan ko man ang katagang “paalam saiyo”
Hindi ibig sabihin nun na binibitawan ko na rin
ang aking mga pangako
Pangako na tulad ng “kahit ako ay malayo, kaibigan mo pa rin ako”
Kahit ang sabihin ng iba promises are meant to be broken
Kahit na ako mismo ayaw sa pangako
Hindi natin maiiwasan mag iwan ng mga pangakong ganito
Dahil minsan dito na lang kumukuha ang isang tao
Ng lakas para lumaban sa hirap ng buhay dito sa mundo
Alam kong pansamantala lamang ito
Dahil sa hinaharap alam kong magkikita pa tayo
Gagawa ako ng paraan
Para tayo ay muling mabuo
Sa ngayon kailangan muna natin magsakripisyo
Para sa mabubuong tayo
Kaya ikaw, laban lang wag kang susuko
Dahil andito lang ako handang makinig sa mga problema mo
Kahit na ako ay malayo
Pahalagahan mo habang nasa tabi mo
MarieDee Nov 2019
Sa kanyang bufete
Eto ka't natameme
Nang siya'y makita
Sa iyong mga labi walang namutawing salita

Sa kanya'y pumunta upang ipaalam
Damdamin at pag-ibig na iyong inaasam
Sa ilang sandali'y iyo nang ipinaalam
Ang iyong pagibig sa tinig na anasan

Hanggang ngayo'y ikaw'y nagtitiis
Nagmahal sa kanya ng labis-labis
Sa kanyang pag-ibig ikaw'y uhaw
Habang buhay maghihinagpis hanggang sa ang buhok ay maupaw

Ngunit ikaw'y nabigo
Nang malamng di ka niya gusto
Sa kanya'y nagpaalam ng pagaralgal
Iniwan ang pusong nadaratal

— The End —