Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naglahong" poems
Sa bawat hakbang ng paa, saan ka nga ba pupunta? Kadiliman, takot at aba, yan ang siyang nadarama. Anong mali? Anong masama sa lahat ginawa ko? Bakit sa huli, iniwan pa din ako. Tiwala sa sarili ay nawala. Landas na tatahakin, tila naglahong bula Sino pa kaya ang pagkakatiwalaan sa mundong ito? Bakit kailangan na pagdaanan ang mga ito? Mula sa malayo, ako'y iyong tanaw. Luha, wala man, batid **** bibitaw. Nadama mo ang aking damdaming tila manhid na Manhid na nga ngunit sakit ay siya noong nadadama. Luha ko'y pinawi, pinalitan mo ng ngiti. Puso kong nasaktan, iningatan **** muli. kamay kong kupkop, iyong hinawakan. Niyakap akong sinasabi na hindi mo ko iiwan. Araw, oras, panahon man ang lumipas na Takot ay nawala maging sakit pati na luha tiwala sa sarili muli kong naibalik At ang makita ka ay siyang tangi kong pananabik. Sandaling panahon, marahil, tama sila Ngunit ang sandali'y sapat na para ang sugat ay maghilom na Bakas ng nakaraan, kaya ko ng tawanan Sapagka't pasalamat ako dahil ikaw ay nariyan. Muli akong tumayo at lumakad at naglakbay Batid kong di mag-isa, ikaw ay aking kaagapay yakap mo't mga dasal sa akin ay nagpatatag ikaw ang handog ng Diyos bilang kalasag Salamat Mahal, ngayon ako'y maayos na. Kaya pala dumilim para lang makita ka. Kaya pala kailangan na ako'y masaktan Upang malaman na ang tulad mo'y nandiyan
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:19 AM UTC
Kaya Pala
Alaala ng alapaap Ang naglahong mga pangarap Sa dapithapon na umaga ng kawalan ng pag-asa. Alaala ng alapaap Ang bawat pangungusap Na sa dugo ay inukit At buhay ang kapalit. Alaala ng alapaap Ang mga bugso ng damdamin Ang mga pusong lumalaban Para sa iisang adhikain. Ngunit sa bandang huli Sa paglipas ng panahong mahaba Tanging ang alapaap Ang tunay na umaalala.
0
Nov 8, 2016
Nov 8, 2016 at 10:58 AM UTC
Alapaap
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
50 At masayang nagpaalam ang dalaga Sa nag-iisang pauwi na binata 51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan Agimat inihandog ng babaeng kasintahan 52 At sa kanyang daan pauwi Panibagong halimaw sumalakay muli 53 Ito naman ay sa itaas nagmula Isang bulalakaw na hugis dalaga 54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit Dumampi sa lalaki ang katawang mainit 55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang 56 At sa isang saksak ng espada Bulalakaw naglahong parang bula. -07/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Alabir 8 -Ang Babaeng Bulalakaw-
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan Abalang-abala ang buong kaharian 86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay 87 Buong araw nakatalukbong ng kumot Ayaw kumain, sa lahat nayayamot 88 Sa parang bata na may sumpong Nakaantabay ang nilalang na buhong 89 Sa may tsimineya ‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita 90 Lumitaw, lumubog ang buwan Paggising ng lahat kinabukasan 91 Wala na ang prinsipe! Wala na! Walang nakapansin! Naglahong parang bula! -06/21/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:56 PM UTC
Siboloria 13 -Pagtakas-