Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagkakagusto" poems
Hindi minsang naisip ng aking munting ulo na ika'y darating sa aking buhay. Araw-araw nakikita kita mula sa pagpasok mo sa paaralan, pag-akyat ng hagdan, at paglagay ng bag sa ilalim ng upuan. Araw-araw ako'y napapaisip, kung ano ba't lagi kang tahimik, laging malamig ang hangin, at laging tulala ka sa papel mo na walang laman kahit sulat man o doodle. Ano ba? Kung sa tingin mo ay nagkakagusto ako saiyo ay hindi ka nagkakamali ngunit hindi ka rin tama. Binibini, ako'y nangangamba kung ano man ang nasa isip mo. Sa unang tingin pa lang ay makikitang hindi ka pangkaraniwang estudyante. Ikaw yung tipong hindi magsasalita kahit na nahihirapan, yung tipong hahayaang magpasakal sa taong kaniyang iniibig, yung tipong kagaya ko. Araw-araw tinatanong ko ang Panginoon at sarili kung ano ba't nakita kita at nakilala? Hindi ako nagkamali, katulad na katulad mo nga ako. Katulad mo akong ayaw bumitaw sa patalim ng pag-ibig kahit na paulit-ulit na itong isinaksak sa aking puso. Katulad mo akong gagawin ang lahat maibalik lang ang nakaraan kahit na matagal na niya akong itinakwil at iniwan. Katulad mo akong malungkot na nagmamahal araw-araw. Kaya, binibini, sana'y makaabot sana saiyo ang mumunting mensaheng ito mula sa wasak kong puso: Mahalin mo man siya o oo, mamahalin pa rin kita araw-araw.
0
Oct 17, 2017
Oct 17, 2017 at 3:30 AM UTC
Araw-araw
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita, Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na. "Ayoko, ayoko nito." "Mahirap, mahirap ito." Mga salitang nabanggit ko, habang ako'y nakatitig sayo. Simula noong araw na iyon, nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo. Gusto kong malaman ang pangalan mo, Gusto kong malaman ang mga hilig mo, Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo. Nabalitaan kong sikat ka raw, Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo? Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo? Masakit mang isipin, pero ito ang totoo, Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo. Nagdaan ang ilang araw, Natuklasan ko, Paasaa ka, pafall ka, Pero mahal parin kita. Oo crush lang kita, Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila. Isang araw nabalitaan ko, Balitang dumurog sa puso ko. May ka-M.U ka raw, may nililigawan ka raw, at ako namang si t*nga, Hindi naniwala sa kanila Mas pinili ko pang umasa, Sa taong wala naman akong pagasa. Pero nung makita ko, Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo, Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?" Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo? Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo? Upang ako'y masaktan nang ganito? Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo, Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito, Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako. Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin, kung paano kumalas, Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas. "Ayoko na, ang sakit sakit na." Ngayon, pinapakawalan na kita. Susuportahan kita kung saan ka sasaya, At yun ay sa piling niya. Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non, ayoko na sayo, Gusto kita, tandaan mo yan, Ngunit hindi ko yata kayang lumban, Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam. Lumipas ang ilang buwan, Sinabi mo mahal mo ako, Sabi mo, ako lang ang yong gusto, Ano 'to lokohan? Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan? Oo mahal kita. Mahal kita noon, Pero binaliwala mo iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang ako'y sumuko na? Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na? Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 6:45 AM UTC
Bakit ngayon pa?

Continue reading...
64
Nakaw-Tingin Nang masilayan ka, Buhay ko ay sumigla. Nang makilala ka, Ngiti ko'y kakaiba. Nang ika'y dumaan, Sa aking harapan, Ako'y nag-alinlangan, Kung ika'y ngingitian. Hindi ko maiwasan, Na ika'y hangaan. Sa iyong kagandahan, Nagkakagusto ang kalalakihan. Laman ka ng isipan, Mukha mo'y napapanaginipan, Sarili ko'y di maintindihan, Damdamin ko'y naguguluhan. Tinangka kitang lapitan, Upang iyong malaman, Na kita'y hinahangaan, Gustong maging kaibigan. Nang tayo'y magkaharap, Wala akong mahagilap, Hindi ko mahanap-hanap, Ang salitang pangarap. Nalimutan ko ang katapangan, Naduwag ang aking kalooban, Hindi ko na napanindigan, Ang mga salitang binitawan. Torpe na kung tawagin, Kahit na ito'y nakaw-tingin, Sa malayo ika'y napapansin, Ako'y nagpapasalamat pa rin.
0
Mar 12, 2016
Mar 12, 2016 at 10:58 AM UTC
Nakaw-Tingin
Minsan naiisip ko Pano mo nga ba nabihag ang puso ko Oo ako nga iyon Ang nilalaman ng puso mo ngayon Ewan ko kung bakit Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit Tas eto ako ngayon nahulog na Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga Oo ikaw nga yon,Minsan naiisip ko Pano mo nga ba nabihag ang puso ko Oo ako nga iyon Ang nilalaman ng puso mo ngayon Ewan ko kung bakit Ewan ko kung bakit tayo'y pilit na pinaglalapit Tas eto ako ngayon nahulog na Nahulog na sa taong halos lahat ng ay humahanga Oo ikaw nga yon, Ikaw na ikaw, heartthrob ngayon Mga babae sayo ay nagaabang Pero kahit wala akong gusto sayo, ako parin ang lumamang Noon, nirereto kita sa iba Sa kanya, para kayo ay magkakilala Naalala ko ang fc ko non Pero angyare ngayon? Oo unexpected talaga Bat nga ba tayo ang itinadhana Sana eto na nga ang huli, ayoko na ng susunod pa muli Noon, pagkakakilala ko sayo ay pafall, paasa Pero nung lubusan kitang nakilala, hindi pala Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana Di natin inaasahan tayo din pala Bago palang, dami ng nangyari Nakagawa ng mga pangyayaring tama at mali Ayoko na maulit ang mga nangyari noon Mga nangyari noon na gusto ko ng itapon Ang swerte ko kasi ako napili mo Kahit nung simula, wala akong gusto sayo Pero ngayon nahulog na ko Hays, nahulog sa taong madaming nagkakagusto Ikaw, ikaw na kaya? Ikaw na kaya ang "Right One" ko? Ako, ako na kaya? Ako na kaya ang "Lucky Girl" sa buong mundo?
0
Apr 3, 2017
Apr 3, 2017 at 7:14 AM UTC
Lucky Girl
Pumatak na naman ang ulan Sa taas ng bubungan Parang luha sa mga mata Kapag namimiss kita Ang daming patak ng ulang ito Milyon siguro ang bilang nito Parang listahan ng mga babaeng ito Na nagkakagusto din sa iyo Agos dito agos doon sa kanto Ang tubig ulan na ito Parang pag-asa ko sa iyo Tinangay na ng agos ng mundo Lumalabo ang salamin ko dahil sa hamog na ito Parang mata at puso mo Malabong makita ang tulad ko Lumalamig na din ang paligid ko Dulot ng lumalakas na ulang ito Parang yung damdamin ko Nanlalamig kakahintay sa iyo Pero alam ko na hihinto din ito Yung ulan sa labas ng bahay ko Parang damdamin ko sayo Kapag napagod hihinto pero hindi susuko Pag natapos ang isang malakas na ulan Ang lupa ay matutuyo dahandahan Parang pag tingin ko sa iyo Matutuyo kapag binalewala mo
0
Mar 18, 2017
Mar 18, 2017 at 3:46 AM UTC
ULAN
Spoken word poetry by: Quencie D.R Puno ang aking isipan ng mga katanungan, Ni hindi ko alam kung may patutunguhan. Hindi ko alam kung paano o saan sisimulan, Kung tatakbo palayo o sayo ay ika'y lalapitan. Eto na sisimulan ko na ngunit nagaalangan, Sa simulang tanungin ang yong pangalan. Nang di naglaon nalaman ko yung katauhan, Di nagtagal tayo ay naging magkaibigan. Aking hihimayin kung gaano kahaba o kaikli, Etong tulang patungkol sayo at pinili. Kung ilang pahina at itatantya kung sakali, Sisimulan ko na ngunit eto ako nagbabakasali. Simula sa  "Ako at Ikaw" ngunit walang tayo, Ano bang pakiramdam ng maging gwapo? Dahil lahat ng niligawan mo iyong napa-Oo. Babe,Mahal at lahat ng tawagan nagamit mo. Balita ko madaming nagkakagusto sayo, May nakahome based na sa puso mo. Nakatres ba? Ilang puntos ba sya sayo? Gusto mo pala maglaro sana sinabihan mo ako. Gusto mo ng one-on-one pero madami pa pala, Kung tutuusin sa mobile legends adik ka na. Paiba iba ka ng character bane,alpha at angela, Inugali mo na pati sa laro kotang - kota ka na. Di kami isang laro pag napagtripan mo na, Di kami dota iffirst blood mo tapos GG na. Di kami coc o lol iiwan mo pag nagsawa kana, Ano bang degree natapos mo at bihasa kana. Patawad!! Kung ginusto kita, Patawad sa mga binitawan'g salita. Patawad kung mahal na kita, Patawad kung ako'y lalayo muna.
0
Apr 19, 2019
Apr 19, 2019 at 3:46 AM UTC
"Patawad"
Hoy ikaw, ayoko umasa pero ba't ganun? Ako lang ba o pinapahaba mo talaga convo natin? Tuwing nagchachat tayo hindi ko namamalayan nakangiti na pala ako. Huwag mo ako pahirapan. Oo na, crush pa rin kita pero mas lamang pa rin si ano eh. Alam ko iba gusto mo, kilala ko yun eh. Wala naman nagkakagusto sakin. Kahit masakit, tanggap ko. Mas masakit pa rin magkagusto sa hindi ka gusto. Friends tayo, alam ko. Parehas kayo ni ano, friends ko lang. Ayos lang, tanggap ko. Ganun naman talaga haha pero kasi.. Sana Kahit isa man lang sa inyo, maging akin naman.
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 3:36 AM UTC
Kahit Isa