"nagkaganto" poems
Sila na nagkasala
Sila pa ang galit
Kahit ikaw sana tong nabahala
Dahil ikaw ay pinagpalit
Dating tiwala ay sinira
Nung kabit ay kanyang tinira
Tapos ngayong nahuli
Parang ikaw pa ang may mali
Kesyo, bat ka raw nag eskandalo
Sa harap pa ng pamilya
Ng kinakasama
Ng ASAWA Mo
Siya pa ngayon ang galit
Kasi ikaw daw ay nagbitaw ng mga salitang mapanakit
Di ka naman daw sana ganyan dati
Dahil dati kaw daw ay mabait
Pero di ba nya mapagtanto
Kung bakit ikaw ay nagkaganto
Dahil sa labis na pangagago
Na dinulot ng sariling asawa mo
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 2:27 PM UTC
Kasabay nang pagbanggit mo ng "Mahal kita" dahan-dahan kang kumalas sa mga yakap ko habang sinasabi mo ang katagang "Pero, mas mahal ko siya"
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Pilit na tinatanong sa 'king sarili "Ano? Anong nangyari? Bat nagkaganto?"
Nangungusap ang mga mata, tumingin sa langit habang lumuha ng nakapikit.
Hindi mawari ang lahat. Ito na ba? Ito na ba ang ating katapusan?
Hindi, Hindi ko kaya. Ayoko, ayoko pa. Maawa ka!
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 2:28 AM UTC